Chapter 30 - Gunned

2.2K 89 0
                                    

Zariyah's Pov

Natapos ang pagto-toothbrush ko kaya agad akong lumabas at hinanap si Kyle.

Una akong pumunta sa kusina, kung saan palagi ko siyang naaabutan pagkagising ko.

Pero wala siya dun kaya pumunta naman ako sa sala, pero wala ding Kyle dun. Lumabas na ako at ayun! Naglalakad na palapit saakin sina Kyle at kasama niya na si Klein.

"San kayo galing?" I asked them.

"Nagpahangin lang kami." Kyle.

"Nangahoy lang kami. Pero iniwan nalang namin yung mga kahoy sa gubat, hehe." Klein.

Ay! Di halatang may tinatago.

Pinagtaasan ko sila ng kilay. Pareho naman silang umiwas ng tingin.

Kyle cleared her throat before speaking. "Nagpahangin muna kami bago nangahoy."

Alam ko namang may tinatago 'tong dalawang 'to pero hindi ngayon umaandar ang pagiging chismosa ko kaya nevermind na muna.

Tumango-tango nalang ako with 'Ahh' reaction. Tumingin ako sa dagat at dun ko lang napansin na merong yate. Sure akong kay Kyle 'to.

"Sa resort nalang tayo mag-almusal." Biglang sabi ni Klein.

Tumango-tango naman ako dahil nawala na din sa isip kong kumain. "Sige."

Naglakad na si Klein palapit sa Yate. Hinawakan naman ako ni Kyle at lalakad na sana pero pinigilan ko siya.

"Hindi pa naka-lock yung bahay mo."

He chuckled. "It's okay, Zari."

Magsasalita pa sana ako pero hinila niya na ako at pareho na kaming sumakay sa yate.

Naupo ako at pinagmasdan si Kyle. Kanina ko pa talaga napapansin na may mali sa lalaking 'to. At hanggang ngayon, nandito parin yung weird feeling ko.

"Hinay-hinay sa pagtitig, Zariyah! Baka matunaw si boss niyan!" Sigaw ni Klein na nasa harapan ko lang naman pero may pagitan.

Sinamaan ko siya ng tingin at ibinalik ang tingin kay Kyle na taka namang nakatingin saakin.

Ewan ko kung ano ba dapat ang maramdaman ko. Makikilig dahil nakatingin yung maganda niyang mata saakin? O, kakabahan dahil may kung ano sa mata niya?

"O-okay ka lang?" I asked worriedly.

Umiwas na siya ng tingin at inayos ang leather jacket niya, inilagay niya ito sa harapan na para bang may tinatago sa loob.

"Yeah." He shortly answered.

"No, you're not okay. Please tell me the truth, Kyle." Seryosong sabi ko. Kapag talaga seryoso ako, napapaenglish na ako. Naksss!

Taka akong tiningnan ni Kyle pero andun parin sa mata niya yung parang may tinatago siya. Namumutla na din siya kaya mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

"I-I'm okay, Zari." he said and forced a smile. Inayos niya ulit ang jacket niya na para bang tinatakpan niya yung tagiliran niya.

Tumikhim si Klein na para bang may ipinapahiwatig. Sabay kaming tumingin ni Kyle at kitang-kita ko sa pheriperal vision ko ang sama ng tingin ni Kyle kay Klein. Walang nagawa si Klein kundi ang magpeace sign sa kamay.

Hindi ako manghuhula, pero ramdam ko na may kung ano sa tagiliran ni Kyle na ayaw niyang ipakita saakin.

Patayuin ko kaya siya tapos dun ko tatanggalin yung jacket niya sa tagiliran?

Pinanliitan ko siya ng mata pero umiwas lamang siya ng tingin. Namumutla na din siya lalo.

"Pwede kabang tumayo, Kyle?" Parang bata kong sabi para hindi mahalata.

"W-why?"

"Bastaaa! May ipapakita lang akong island sayo." Nag-puppy eyes pa ako.

Naguguluhan man ay unti-unti siyang tumayo. Tumabi ako sakanya at hinawi ng bahagya ang jacket niya sa tagiliran.

Nanlaki ang mata ko at napahawak sa bibig. Ganun din ang reaksyon ni Klein at Kyle.

Kaagad itong binawi ni Kyle saakin at inaayos itong muli. I'm so speechless.

Andaming katanungan sa isip ko na hindi ko masagot-sagot.

Hindi ko alam kung magwo-work ba 'tong gagawin ko but, I'll still try it.

___________

Don't forget to Vote, comment and Share. Follow me also<3

FB page: Agratha

Tiktok Acc: _agratha (or) WP anonymous writer

Encountered a Mafia BossWhere stories live. Discover now