Chapter 32 - Needle

2.2K 96 2
                                    

(A/n: Walang magiging POV dito ang dalawang bida dahil chinallenge ako ng aking ate. Pero syempre, nandiyan paren si Zariyah sa chapter na 'to.)

Klein's Pov

Pagdating namin sa resort ni Boss ay kaagad akong nagpatawag ng doctor para ipacheck si Boss. Inutos lang din saakin yan ni Zariyah.

"Maayos naman ang lagay ni Mr. Montenegro. Mabuti't natanggal niyo kaagad ang bala. Pero nawalan siya ng maraming dugo kaya kailangan nating makahanap agad ng donor." Sabi ni Doc.

"Can I?" Tanong ni Zariyah na nasa gilid ko lang pala.

"Yes, you can. Pero kailangan muna nating itest ang dugo mo para malaman kung magka-blood type kayo ni Mr. Montenegro."

"Sige po, Doc. Ahm, kailan po pwedeng magpatest ng dugo?"

Hmm...sa ikinikilos ngayon ni Zariyah, nagmumuka siyang nag-aalalang asawa.

"If you want, we can start now." Sagot ni Doc.

"Sige po, doc. Iche-check ko lang po ulit sa loob si Kyle." Paalam ni Zariyah at mabilis na pumasok sa kwarto ni Boss.

Kumpleto ang gamit dito sa resort ni Boss kaya hindi na kailangang dalhin siya sa Hospital.

Ngumiti ako ng matamis kay Doc sabay kindat. "Can I get your number, Doc?"

Maganda at sexy 'tong si Doc, bagay na bagay saakin. Halata din sa itsura niya na medyo mas bata pa siya kaysa saakin.

Taka niya akong tiningnan at pinagtaasan ng isang kilay. "Kung para kay Mr. Montenegro ang pagkuha mo sa numero ko, I will give it. Pero kapag para sayo, no thanks."

Peke akong tumawa. Tinagalan ko yun para makaisip din ako kung ano ang ipapalusot ko.

"Para kay Boss talaga yun, Doc. Assuming ka lang."

Galit niya akong tiningnan at gumagalaw-galaw pa ang butas ng ilong niya.

"HOY! MANYAK KA! HINDI AKO ASSUMING!" sigaw niya sa mismong mukha ko.

Napakurap-kurap pa ako ng ilang beses. "Ako?" Tinuro ko pa ang sarili ko. "Manyak?"

"Ano sa tingin mo?!"

"Itong mukhang 'to?"

"Ayyy letse ka! Syempre yang manyak mong pagmumuka!"

"Grabe ka naman! Ang gwapo-gwapo ko tapos sasabihan mo lang ako ng manyak? Hindi ko na nga lang kukunin ang number mong, buysweta ka!"

"ABA'T WALA AKONG PAKE!"

Bubuka palang sana ang bibig ko nang lumabas si Zariyah at palipat-lipat ang tingin saamin, naguguluhan.

"Anong nangyari sainyo?" Tanong niya habang sinasara ang pinto at hindi inaalis ang tingin saamin.

Kaagad akong nag-iwas ng tingin. "Magpapatest na lang din ako, Doc."

Aba't kahit palagi akong sinusungitan ni boss, loves ko parin yun.

"Tara na, Doc." Zariyah.

Tumango lang itong buyswetang Doctor at nagsimula na sa paglalakad.

"Okay ka lang?" Tanong ni Zariyah saakin.

Nakaupo kami ngayon pareho sa isang relaxing chair habang hinahanda naman ni Doc yung syringe na may karayom.

Relax na relax si Zariyah, pero ako itong kinakabahan. Mahirap man aminin dahil baka makabawas sa pogi points ko sainyo pero...takot talaga ako sa karayom.

"Hoy, Klein Merxo!" Sigaw niya saakin.

Tiningnan ko siya ng puno ng kaba. Pinapawis na din ang noo ko kahit napakalakas ng aircon.

"A-ano?" Tanong ko.

"I said, Are you okay? Namamawis ka kahit malakas ang aircon---teka! Takot ka parin hanggang ngayon sa karayom, 'no?"

"P-pake mo ba?!"

"HAHAHA si Klein na takot sa karayom HAHAHAHA!" Pang-aasar nito saakin.

Lumapit si Doc saamin at dinig ko ang tibok ng puso ko dahil sa kaba, hindi sa kilig. Inuna niyang kuhanan ng dugo si Zariyah na parang wala lang sakanya na tinuturukan siya ng isang mahaba at matulis na karayom.

Pareho silang tumingin saakin at ngumiti ng nakakaloko. Ako naman itong nanginginig na sa takot at sa kaba.

"Iiyak na yan." Pang-aasar ni Zariyah.

I faked a laughed. "Ako? Iiyak? HAHAHAHA joker talaga 'tong si Zariyah. Hindi ako natatakot sa kahit anong karayom. Malaki man yan o matulis---Ugh!"

Muntik na akong maluha ng tukusin bigla ng buyswetang Doctor ang karayom sa braso ko.

Encountered a Mafia BossDonde viven las historias. Descúbrelo ahora