Chapter 80

1K 28 6
                                    

EAMB Chapter 80

Zariyah

Sobrang sakit ng ulo ko. Parang hinahalukay din ang tiyan ko. Ang aga-aga namin eh.

Mabilis akong nagtungo sa banyo bago sumuka nang sumuka doon. Parang mailuluwa ko naman ata ang lahat ng mga kinain ko kagabi.

Kumuha ako ng lakas sa gilid ng bowl bago ko nilinis ang bibig ko. Naghilamos na din ako at naglagay ng liquid soap sa kamay ko.

Nanghihina akong bumalik sa kama at ipinikit ang mga mata ko. Kakagising ko lang, pero inaantok na naman ako.

Pinilit ko ang sariling hindi madala ng antok habang iniisip ang panaginip na iyon. Ilang taon na din ang nakakalipas simula nang mangyari ang mga iyon. Napakabilis nga ng panahon, eh.

Ngunit hindi kasing bilis ng panahong iyon mawala ang galit ko sa lalaking pumatay sa papa ko. Nag-iinit parin ang ulo ko kapag naalala ko iyon. Ang sakit sakit parin, ngunit kailangan kong magpakatatag. Lalo na ngayon. Ngayon na–

“Hey, are you okay?”

Hindi ko namalayan na nakapasok na pala sa loob ng kwarto namin ang nag-aalalang mukha ni Kyle. Mukhang galing siya kanina sa baba kaya hindi ko siya nakita nang magising ako.

Tipid akong ngumiti bago tumango at ipinikit muli ang mga mata. Nakaka-antok talaga, hindi naman ako masyadong pagod.

“Matutulog ka ulit?”

“Mhm...”

Iyon nalang ang naisagot ko bago ako tuluyang makatulog. Naramdaman ko din ang pag-alon ng kama, at tumabi siya saakin habang ako naman ay nakatulog sa braso niya.

HAPON NA NANG AKO'Y MAGISING. Hindi ko ulit natagpuan si Kyle sa higaan kaya dumiretso na ako kaagad sa kusina, gutom na gutom na ako. Mukhang naisuka ko nga lahat ng nakain ko kagabi.

“Ano ang amoy na ‘yon, Klein?”

Bungad ko kay Klein nang may maamoy na kung ano. Taka naman niya akong tiningnan bago ngumiti.

“Gising ka na pala, Zariyah.” Sumubo siya ng kinakaing ice cream bago ako sinagot sa aking tanong. “Ay, iyon ba? Paksiw iyon. Paborito mo iyon, tama?”

Paksiw ba talaga iyon? Bakit ang baho naman ata. Pero mukhang ako lang ang nababahoan dahil prenteng nakaupo si Klein sa upuan habang kumakain ng ice cream.

Nakangiwi ko siyang tinanguan bago nakatakip ang ilong na tumungo sa kusina. Kumuha ako ng tubig bago humarap sa nagluluto.

Kamuntik ko nang mabitawan ang basong hawak-hawak ko nang makilala kung sino ang nagluluto. Teka, kasama ba ‘to sa panaginip ko?

“M-manang soling?”

Lumingon ang magandang matanda saakin bago ako matamis na nginitian. Ang ganda ganda talaga ng matandang ito. Kahit may edad na, lumilitaw parin ang kaniyang kagandahan.

“Ako nga, hija. Kumusta ka na dito?”

Ibinalik niya ang kaniyang tingin sa niluluto. Ako nama'y tinanggal ang kamay na nakatakip sa ilong bago lumapit sa kaniya.

“Ayos lang ho ako, eh ikaw po ba? Bakit po nawala ka sa mansion ni Kyle?”

“Mahabang kwento, hija. May inasikaso lamang ako saamin kaya nawala ako nang ilang buwan. Ngayon ko lang din nga nabalitaan na kasama ka na pala ngayon ni Mister Kyle. Sabi ko na nga ba, kayo talaga ang para sa isa't-isa!” Masigla ang kaniyang boses habang nagk-kwento.

“Oh, bakit parang maputla ka? Okay ka lang ba?”

“Opo, okay lang ho ako. Medyo masama lang ang aking pakiramdam.”

“Oh siya, kumakain ka na muna bago uminom ng gamot.”

Nginitian ko lang siya bago ko iniba ang topic. Tiningnan ko muna iyong niluluto niya bago isinara muli ang ilong ko.

“Paksiw po ba talaga iyan? Bakit parang iba po ang amoy?”

Gulat niya ako tiningnan sa mukha at unti-unting bumaba ang kaniyang tingin sa aking tiyan. Napahawak pa siya sa kaniyang bibig habang unti-unting napapaupo sa sahig.

“O-okay lang po ba kayo?”

Nag-aalala kong tanong sa kaniya habang pilit na tinutulungan siya upang makatayo. Nang makabawi, mabilis siyang uminom ng tubig bago ako binalikan.

“Buntis ka ba, hija?”

_Agratha | Carla

Encountered a Mafia BossWhere stories live. Discover now