Chapter 77

1K 23 1
                                    

EAMB Chapter 77

Zariyah

Sa ilang buwan ko dito sa Bahay Ampunan, ngayon lang ako nakahanap ng isang tunay na kaibigan. Hindi ko pa ito nararanasan no'ng nasa puder pa ako ng aking madrasta dahil kinukulong nila ako sa bahay at pinapaglinis.

“Ilang taon ka na ba?”

He asked. Nakatingin siya sa aking mga mata na parang sinusuri ang mga ito. Nandito kami sa parke ng bahay ampunan at nakasakay sa swing.

“I'm 10 years old, what about you?”

Napatungo ako habang nakatingin saaking mga kamay na ngayon ay pinaglalaruan ko na. Limang taong gulang palang ako nang mawala si papa, ngunit nakaya ko ito.

Hindi ko nga alam kung papaano eh, basta ang iniisip ko nalang ngayon ay maipaghiganti ko siya. Gusto kong bigyan ng hustisya ang pagkamatay niya, dahil kahit ang mga pulis ay wala ding mahanap na suspek sa kaso niya.

“I'm 14 years old.”

Gulat akong napatingin sa maamo niyang mukha. Akala ko, magkasing edad lang kami kasi mukha siyang bata. Oo nga't mas matangkad siya sa'kin, palaging seryoso, at matured mag-isip, pero hindi ko naisip na mas matanda na pala siya sa'kin.

“Bakit ka nagulat? Mukha ka tuloy tanga.” Bahagya siyang tumalikod saakin, ngunit nakita kong umalog-alog ang balikat niya.

Tumatawa siya.

“Aba, hindi kaya ako mukhang tanga!”

Angil ko habang nakahawak sa bewang ko't nakatingin sa kan'ya. Kung noon napalampas ko na sinabihan niya akong batang hamog, aba hindi na ngayon.

“Totoo naman talaga eh.”

Humarap na siya saakin at nagsimula nang tumawa. Tawang ngayon ko lang nakita mula sakan'ya. Palagi kasing seryoso ang isang 'to eh.

“Bawiin mo nga 'yong sinabi mo! Ang ganda ganda ko kaya.”

Nakasimangot kong pagpupuri sa sarili ko. Sabi nga ng doctor ko, dapat magkaroon ako ng self confidence. Maganda naman daw ako at kahit bata pa ay may hubog na ang aking katawan.

Sa halip na bawiin ang kaniyang sinabi, naglakad siya papalapit saakin at pinisil ang matambok kong pisnge.

“Aray naman!”

Reklamo ko habang hawak ang nasisiguro kong pulang-pula na pisnge. Loko din ang isang 'to!

Inilagay niya ang kaniyang kamay sa kaniyang bulsa ng kaniyang jeans at ngumiti dahilan para makita ang kaniyang pantay at mapuputing ngipin.

“Ang cute cute mo.”

Tumungo siya bago napailing.

“Oh, nevermind. Don't mind what I just said.”

Dagdag pa niya bago ako iniwan sa parke.

Ako naman ay namimilog ang mga mata habang hindi parin gumagalaw sa pwesto ko. A-anong sabi niya?

Ito ang unang beses na sinabihan niya ako ng mga gano'n kaya ganito nalang ang pagkaroon ng paru-paro sa tiyan ko.

Nag-iinit ang aking pisnge at sobrang bilis nang tibok ng puso ko.

“Oh my god.”

Marami na ang nagbigay ng compliments sa'kin, ngunit bakit ibang-iba ang naramdaman ko sa sinabi ni Zach?

“No! Hindi ito pwedeng mangyari.”

Pagkausap ko sa aking sarili. Wala na akong pake kung magmukha akong tanga sa pagkausap ko dito saaking sarili.

Ang sabi ni sister, kapag daw inlove ka, bumibilis ang tibok ng puso mo at paulit-ulit mong nakikita ang mukha niya sa iyong isipan, habang nags-slowmo ang mga ginawa niyo noon at mga sinabi niya.

“Am I inlove?”

Marahas akong umiling bago napahawak sa kadena ng swing. Hindi ako pwedeng ma-inlove, kailangan ko na munang ipaghigante ang pagkamatay ni papa.

Not this time, Zariyah...

Napahigpit ata ang paghawak ko sa kadena dahilan para matanggal ito sa kinakapitan niya. Lagot!

May pagkaluma naman na kasi itong swing na ginawa pa daw noong 1955. Aba, wala akong kasalanan dito dahil kasalanan 'to ng mga taong sumakay dito bago ako. Nagkataon lang na ako ang humawak kaya nasira.

Napalunok ako habang ipinapalibot ang tingin. Sakto naman dahil walang tao dito sa parke. Mukhang kami lang dito kanina ni Zach.

Nanaas ang mga balahibo ko sa batok nang may maramdaman akong nakatingin sa'kin. Hindi ko ma-explain ang kabang nararamdaman ko. Basta huli ko itong naramdaman no'ng nagtagpo ang aming mga mata ng taong pumatay sa papa ko.

Shit!

Hinanda ko ang sarili ko bago ako mabilis na tumakbo pabalik sa loob ng bahay at dumiretso kung saan maraming tao.

_Agratha | Carla

Encountered a Mafia BossWhere stories live. Discover now