Chapter 76

1K 18 0
                                    

EAMB Chapter 76

Zariyah

Madilim.

Nasa isang silid ako kung saan ako lamang mag-isa. Nakasara ang pinto pati ang ilaw. Tuloy-tuloy sa pag-agos ang aking mga luhang kadahilanan ng mga naganap ilang taon na ang nakalilipas.

Araw-araw akong narito sa dilim, nagmumukmok. Minsan lamang akong lumabas, at kapag may schedule lamang ako sa aking psychiatrist. Minahal ko na ang dilim simula pa noong nawala ang kaisa-isang tao sa buhay ko.

Narito ako sa bahay ampunan. Mas pinili kong pumarito kaysa makisama sa step-mother kong napakasama. Sobrang sama.

At kung hindi dahil sa lalaking iyon, hindi ito mangyayari saakin. Wala akong nakuhang pera mula sa pagkamatay ni papa. Hindi manlang ako binigyan ng pera ng mga kamag-anak ko, hindi na dapat ako nag-expect. Ganoon naman talaga ang ugali nila eh.

Nakatulala ako sa hangin nang maramdaman kong kumalam ang sikmura ko. Teka, ilang araw na ba akong hindi kumakain? Kapag binibigyan nila ako ng pagkain at iniiwan lang dito sa loob ng kwarto ko, inaabot ko iyon sa mga batang napapadaan sa bintana nitong kwarto.

Mahina akong natawa habang patuloy parin sa pag-agos ang mga luhang ko. Akalain mo 'yon, ngayon lang ulit ako nakaramdam ng gutom.

Tumayo ako mula saaking pagkakaupo, naramdaman ko pang umikot ang paningin ko dahil sa gutom bago ako nakatayo nang maayos.

Ipinalibot ko ang paningin sa buong kwarto at nakita kong isang kama at lamesa lamang ang laman ng silid ko. Nakakatakot naman dito, parang yung nakikita ko sa mga horror movies.

Pinahid ko ang mga luhang nasa pisnge ko at dahan-dahang lumabas ng kwarto. Nagugutom ako ngayon, kailangan kong kumain. Wala nang masiyadong tao sa dinadaanan ko dahil hating gabi na. Paniguradong natutulog na ang mga bantay dito sa bahay ampunan.

Ilang buwan na din akong narito sa bahay ampunan, ngunit patuloy parin ang pagpasok ko sa eskwelahan. Kahit sobrang hirap sa pakiramdam, sinusubukan ko parin para makapagtapos ng pag-aaral.

Binuksan ko ang ref at napangiti nang makakita ng blueberry cheesecake. Natawa nalang ako sa isip nang maisip na ngayon ulit ako nakangiti nang masaya.

Bahala na kung kanino ang cheesecake na ito. Akin na 'to, hindi ako aamin na ako ang kumain nito.

Kumuha ako ng kutsara at nagsimulang kumain. Maya-maya pa ay may naramdaman akong presensiya mula sa likuran ko. Dahan-dahan akong lumingon at napangiwi nang hindi ko makita ang mukha niya dahil sa dilim, pero nakikita kong bata din siya at mas matangkad saakin.

“Hoy, batang hamog!”

Ako ba ang kausap nito? Baka nga, ako lang naman ang tao dito sa kusina kung eh.

“A-ako? Batang hamog?” Aba, sinusubukan talaga ako ng batang ito ah.

“Oo,” Dumiretso siya sa gawi ko at umupo sa tabi ko. Napatanga ako nang makita ang buo niyang mukha. Makapal ang kilay, pointed nose, may maamong mukha at medyo singkit na mata, matangkad at makinis ang mukha.

Natigilan ako nang pinitik niya ang noo ko. Aray! “What's your name? Why are you eating my cheesecake?” Tanong nito.

Aba, englishero pala ang mukong na 'to. “M-my name is Zariyah, what's yours?” Tumigil ako sa pagsasalita bago sumubo ulit. “Nagugutom ako eh, tsaka akin nalang 'to.”

Nagpakawala siya nang malalim na hininga bago nakipagkamay saakin. “I'm Zach. Zach Gomez.”

Napakurap-kurap ako bago nag-sink in kung sino siya. “Gomez? A-anak ka ng may-ari nitong bahay ampunan?”

Tumango-tango siya bago ako sinaluhan sa pagkain nitong cheesecake niya, at ginamit pa talaga itong kutsara ko. “Yes, I am.”

Napatango-tango nalang ako bago kinuha ang kutsarang ginamit niya at sumubo. Marami namang cheesecake kaya paniguradong mabubusog ako nito.

Nag-usap kami nitong si Zach hanggang maubos ang cheesecake na kinakain namin kanina bago napagpasyahang matulog na.

Ngayon lang ulit ako nakipag-usap simula nang mawala siya. Nakakapanibago nga eh. Ang gaan-gaan nang pakiramdam ko sa batang lalaking iyon. Parang kilalang-kilala ko siya.

Nalaman ko din na sila din pala ang may-ari nung sikat na hospital dito sa Manila. Ang yaman-yaman pala nila. Tsaka mukhang mabait naman siya at friendly.

Sana magkita kami ulit — posible naman iyon dahil sa kanila itong bahay ampunan. Mukhang may magiging kaibigan na ako dito ah.

Napahikab ako nang ilang beses bago tumakilid at nakatulog kaagad.

_Agratha | Carla


Encountered a Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon