Chapter 79

993 20 0
                                    

EAMB Chapter 79

Zariyah

Kung noon magkasabay kami sa pag-uwi ni Zach, ngayon hindi na. Naiintindihan ko naman iyon dahil senior namin sila. Pati na din si Klein. Mas madami silang ginagawa kaysa saaming mga freshmen palang.

May pera ako para magtaxi, ngunit mas pinili kong maglakad. Exercise ko na din ‘to. Minsan lang naman ako naglalakad dahil pala akong nasa loob.

Napangiti ako nang may makitang bagong bukas na store. Tinatayo palang ito nang makita ko noong isang buwan, at tapos na ngayon. Ang ganda!

Nakangiti akong pumasok sa loob ng napakalaking shop na ‘to, malamig pa. Para tuloy akong nasa ibang bansa.

May iba't-ibang bahagi ito. Doon sa gilid, may mga ice cream na ikaw mismo ang kukuha at magd-disenyo. Sa gitna naman ay ang chocolate fountain, at may mga chocolate candies din sa gilid niya.

Marami pa ang nasa loob, ngunit mas pinili kong pumunta sa may mga ice cream. May mga price ang bawat flavor, 50 pesos per scoop.

Kumuha ako ng cone na nasa gilid lang naman at tatlong flavors ang pinili ko; chocolate, cookies & cream, at mango. Dumiretso ako sa mga toppings at kumuha ng chocolate chips, mallows, at nilagyan pa ng chocolate syrup ang ice cream ko.

Sulit naman ang 150 pesos ko dahil napakalaki ng apa at pang-scoop sa ice cream.

Dumiretso ako sa cashier at ibinigay ang bayad ko. Habang naghihintay sa sukli, ipinalibot ko muna ang tingin sa kabuoan.

Nahinto ang mga mata ko sa larawang nakapaskil sa dingding sa gilid nitong cashier.

“Miss, ito na ho ang sukli niyo.”

Mukhang kanina pa ako tinatawag ng cashier, ngayon ko lang narinig dahil sa pagka-focus ko sa larawan ng isang tao. Ngumiti ako bago iyon kinuha.

Mukhang napansin ng cashier na doon ako nakatingin kaya nag-umpisa siyang magsalita.

“Siya ang manager ng sweet shop na ‘to, si Mister Sapuahwan.”

Hindi ako pwedeng magkamali, siya ito. Kasama siya nung pumatay sa papa ko. Nawala man ang ibang memorya ko, ngunit hinding-hindi ko makakalimutan ang mukha ng isang ‘to habang naawang nakatingin saakin noon. Isa siyang tauhan ng lalaking iyon.

Punong-puno ng galit ang puso ko. Gustong-gusto kong maghigante dahil sa ginawa nila sa papa ko.

“Miss, okay lang ho ba kayo?”

Hindi ko namalayan na nanginginig na pala ang labi ko at nakakuyom ang kamao habang nakatingin sa litrato niya.

Pinilit kong ngumiti bago ilang beses na lumunok. Kailangan kong pakalmahin ang sarili ko. Hindi ko alam kung ano ang magagawa ko kapag hinayaan kong magmayani ang galit at puot sa puso ko.

“P-pwede ko bang makausap si Mister Sapuahwan?”

Nangunot ang noo ng cashier at takha akong tiningnan mula ulo hanggang paa. Mukhang sinusuri niya kung sino ako at kung bakit ko gustong makausap ang manager niya.

“Kilala ko siya...” Tumigil ako sa pagsasalita at kumuyom nang mas mahigpit ang kamao. “At k-kilalang-kilala niya din ako.”

“May problema ba dito?”

Isang malalim at baritonong boses ang nakapagpatingin sa cashier sa likuran ko. Siya na ‘to, alam kong siya na ito.

“Nandito na pala siya, Miss. Maaari na kayong mag-usap.”

Anang cashier habang nakangiting nakatingin parin sa likuran ko. Tipid ko siyang nginitian bago dahan-dahang humarap kay Mister Sapuahwan.

“Z-zariyah...”

Tila'y nabuhusan siya ng isang nagyeyelong tubig nang makita kung sino ako.

“Ako nga, Mister Sapuahwan. Long time no see.” Tumigil ako sa pagsasalita para kontrolin ang emosyon ko. “Maari ba tayong mag-usap sandali?”

Naka-ilang lunok siya bago siya tumango at dumiretso sa kaniyang opisina dito.

_Agratha | Carla

Encountered a Mafia BossWhere stories live. Discover now