Chapter 90

878 20 0
                                    

A/N: Someone asked me sa messenger kung sino daw si Carla. 'Diba nga naglalagay ako ng sign na “agratha|carla” after ng isang chapter kaya siguro siya naguluhan. So to make it clear, ako at si Carla ay iisa. My first real name is Carla, while my pen name is Agratha. That's all, thankyou!

EAMB Chapter 90

Zariyah

I fixed our things before brushing my son's hair. Kasama ko siya kapag nagta-trabaho ako sa restaurant ni Thalia. Hinahayaan niya lang din akong isama si Kyzuez dahil gustong-gusto niya rin naman ito. I smiled before fixing myself too.

“Mamá,” He called me with his soft voice.

“Yes, baby?” I answered with a smile on my face while combing my hair.

“I want to see papa, mamá.”

Natigilan ako sa sinabi niya bago muling sumulyap sa malaking salamin na nasa harapan ko. “He's busy, anak. Working for us, for our family, for you.” Lumuhod ako upang magpantay kami.

“Does he loves us po?”

I smiled sweetly. “Of course he loves us, anak.”

“I have a last question po, mama.”

“What is it?”

“Sino po 'yung mga taong humahabol saatin kapag nasa labas po tayo? Nakakatakot po 'yung mga face nila tsaka may mga dala din po silang guns which is masama po kung hindi sila police, right mama?”

“They are bad people, anak. So, dapat maging alerto at maingat tayo. Hindi tayo pwedeng maging aligaga kapag nandiyan sila because they will catch us.”

Dapat lang na magkaroon siya ng idea about doon sa mga lalaking humahabol saamin nang paulit-ulit. Ayokong basta-basta lang siyang magtitiwala sa mga taong nakakasalamuha niya dahil baka isa ito sa kanila.

He nodded. When I saw myself presentable, kaagad kong inilagay sa balikat ang bag ko bago ko kargahin si Kyzuez. Nauna na din kanina si Thalia sa restaurant dahil siya ang magbubukas nito ngayon, kaya mag-isa kaming babyahe papunta doon.

7:45 AM, FIFTEEN MINUTES before my work starts. Ibinaba ko na si Kyzuez bago kami pumasok. Dahil glass ang nasa labas nitong restaurant niya, kitang-kita mula sa labas na marami na ang costumers.

“Hey,” I greeted Nathalia with the smile on my lips.

“Good morning, tita thalia.” Narinig kong bati ni Kyzuez.

“Good morning, Eury and Kyzuez.” She greeted back with the same energy as mine.

Inilagay ko sa tabi niya si Kyzuez bago nagpaalam na magbibihis na ng uniform ko. Pagbalik ko, naglalaro na silang dalawa ng binili kong maliit na kotse. Napangiti nalang ako sa kasweetan ni Nathalia kay Kyzuez. Para niya na nga itong nakababatang kapatid, kahit na tita ang tawag sa kaniya ni Kyzuez.

Dumiretso ako sa kadadating lang na tao bago inasikaso kung ano ang orders niya. Ibinigay ko iyon sa chef naming si Uncle Sanchuo. Nasa 50's na ang kaniyang mukha, pero hindi niya inaamin ang kaniyang tunay na edad.

Sunod-sunod na pumasok ang mga tao sa resto at ako naman ay naging mas busy. Mas dumami ata ang taong kumakain dito ngayon kaysa no'ng isang araw.

“Good morning, sir. May I take your order?” I asked the guy who's sitting beside the door. Nakasuot siya ng facemask, cap, at sunglasses kaya hindi ko makita ang mukha niya.

Tumingala siya saakin at nakita ko ang talim ng kaniyang tingin saakin kahit may takip ang kaniyang mga mata. Fuck! Is this Jishukiea?!

Naging alerto ako at mabilis na hinawakan ang baril kong nakatago sa may hita ko. Naka-skirt ako at apron kaya hindi iyon nahahalata.

Unti-unti niyang ibinaba ang kaniyang cap at tinanggal ang facemask. Nang ngumisi siya, at doon ko napagtanto na hindi pala siya iyon.

I want to kill this person I am facing right now. Kinain na ako ng takot ko kanina dahil kasama ko ang anak ko tapos malalaman kong hindi naman pala siya iyon? Fuck it!

But wait, is this---oh my god!

Mabilis kong kinuha ang baril ko at tinutukan siya. Hindi kami napapansin ng mga tao sa unahan dahil malayo sila saamin, siya lang ang pumwesto sa bandang ito.

“Remove your fucking glasses!” I shouted making sure na kami lang ang makakarinig nun.

He evilly smirked before getting rid of it. Mabilis ang naging pangyayari. Sinipa niya ang baril na hawak ko, kaya naman lumaban kami gamit ang kamay at paa. In short, we're doing or using Judo.

It was Roswald.

_Agratha | Carla

Encountered a Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon