Chapter 3 - Suggest

4.2K 197 6
                                    

EAMB Chapter 3 - Suggest

Zariyah's Pov

Maaga akong gumising dahil baka matraffic ako. Mahirap na, baka masisante agad ako sa trabaho. Sa panahon ngayon, mahirap nang humanap ng desinteng trabaho, kaya kailangan mo talagang magpakahirap para hindi matanggal.

Pagkatapos kong gawin ang morning routine ko ay kaagad ko ng kinuha ang shoulder bag ko at tahimik na lumabas. Hindi naman ako naghintay ng matagal sa taxi dahil pagkalabas ko agad ay may hinintong pasahero ito.

Magalang kong ibinigay ang address at pangalan ng café na pagta-trabahuan ko, kaagad naman itong nakuha ni Manong.
_

7:40 am ako dumating. Sobrang traffic, pero mabuti nalang dahil naka-abot ako sa tamang oras.

"Hi, Ate Zariyah." Masayang bati sa'kin ng isang babae na nasa loob ng counter. "Magbihis na po kayo sa CR." Ibinigay niya saakin ang unipormeng katulad din ng suot nila.

Ngumiti ako at dahan-dahang kinuha yung damit na ibinigay niya saakin. "Ahm, saan po yung CR niyo?"

"Diyan po." Itinuro niya yung kulay pink na pintuan. Tumango ako bilang sagot at kaagad na nagtungo dito para magbihis.

Inayos ko lang nang kunti ang buhok ko at kaagad na lumabas at pumasok sa counter kung nasaan ang chubby cheeks na babaeng bumati saakin kanina. Mukha naman siyang mabait kaya paniguradong magkakasundo kaming dalawa.

"Hi po, ate Zariyah! I'm Jona Mae San Jose." Inilahad niya yung kamay niya na kaagad ko din namang tinanggap.

"Zariyah. Zariyah Eurydice Cervantes."

Tumango naman ito at pinakilala yung iba naming kasamahan na kasalukuyang busy sa kanilang ginagawa.

"Michelle Romian, si ate Zariyah." Pagpapakilala niya dun sa isang waitress. "Clyde Mangaring, si Ate Zariyah."

Tumango ako habang nakangiti at gano'n din ang ginawa nila. In fairness, mukha naman silang mabait lahat. Ilang minuto ang lumipas bago dumating si Mudra. Nakangiti ito saaming lahat bago pumasok.

"Goodmorning, mudra." Sabay-sabay naming bati.

"Good Morning." Maikli niyang tugon bago inilagay ang bag sa table.

Kaagad naman kaming naghanda nang tumunog ang bell na hudyat na open na ang café at darating na ang mga costumers. Kagaya ng ini-expect ko, marami ngang tao ang pumasok kaagad. Karamihan sa kanila ay business man at halatang mayayaman ito.

"Coffee without cream and sugar, Zariyah." Sabi ni Clyde. Nagthumbs-up ako at ginawa ang kape. Pagkatapos kong gumawa ng kape, pinindot ko na yung bell at kinuha na ni Clyde.

Natapos ang araw pero hindi pa kami pinauwi ni Mudra dahil may meeting pa daw.

Kasalukuyan kaming nakaupo lahat at tahimik na nakikinig sa bawat salitang binibitawan niya. Napaka-seryoso na nito at halatang nags-seryoso na siya sa kaniyang mga sinasabi.

"...Hindi ako makakapunta dito sa Coffee shop ng ilang buwan. Inaasahan ko na gagawin niyo parin ang mga tungkulin niyo."

"I need all of your cooperation para masatisfy natin si Mr. Kyle Montenegro."

"Si Mr. Kyle Montenegro ay ang nililigawan nating investor. Malaki ang maitutulong niya saatin dahil mataas ang sales ng kompanya niya. We need him to invest to our Coffee Shop."

"Maaasahan ko ba kayong lahat?"

"Yes, mudra." halos sabay naming sabi.

Tiningnan niya kaming lahat at napako ang tingin niya saakin. "Anong masasabi mo sa Coffee Shop, Zariyah? Pwede ka ring magsuggest."

Nakatingin ang lahat saakin at naghihintay ng sagot kaya napilitan nalang akong tumayo. Shit! Sasabihin ko ba talaga yun?

"I-Is it okay if I say criticism?" Na-iilang kong tanong habang nakababa ang ulo.

Well, nakasanayan ko ng manghusga ng mga gawa dahil presidente ako sa school namin at kailangan talagang bigyan ng negative opinion ang bawat gawa ng mga schoolmates ko pero iba na ngayon eh. Trabaho na ito, at hindi paaralan. Pwedeng-pwede ako masisante kapag sinabi ko ‘yon, pero sabi nga ng mama ko, bawal magsinungaling.

Ngumiti si mudra at tumango. "Yes, you can." Pwede naman pala eh, hindi na dapat ako nag-worry.

Bumuntong hininga ako at nag-ayos ng tayo. "Well, I can say that your coffee shop is old style."

Rinig ko at kitang-kita ko ang pagreact ng lahat sa sinabi ko maliban kay Mudra na nakangiti parin.  What's up with him? Dapat magalit siya kasi napaka-pangit naman ng sinabi ko sa café niya, eh bago pa lang naman ako.

Pinagpatuloy ko ang mga panghuhusga ko kahit medyo naiilang ako. "The theme doesn't rhyme to the place. I suggest brown theme for this Coffee Shop."

"Another one is the interior design and others. This is just my opinion, okay? We need to put a square and Coffee pillow in each chairs. The counter must have a paint atleast one coffee and bread or else. We need to put couches, para kapag barkada sila, hindi sila magkahiwalay ng upuan. Yung mga flowers sa harap nitong coffee shop, kailangang tanggalin dahil parang natatakpan yung itsura ng coffee shop sa loob dahil nga diba glass door 'to."

"Ahm, sa mga kagamitan at sa mga food dito. Yung coffee maker, medyo sira na. Dapat mayroon tayong heater na thermos para madali lang mag-init at kumuha ng tubig. About food, I think... kailangan nating maglagay ng Pizza and something breads or fast foods."

"This is just an opinion for foods. Naisip ko kasi na dapat yung mabubusog talaga yung mga costumers. Like yung mga pangmayaman na dish dahil alam naman nating sosyal lang ang pumupunta dito. So I suggest na maglagay tayo ng ibang pagkain not just coffee."

_Agratha || Carla

Encountered a Mafia BossWhere stories live. Discover now