Chapter 73

1.2K 27 1
                                    

A/N: May sariling kwento itong si Rivo, basta pagkatapos nitong EAMB. Abangan niyo! Gagandahan ko na ang plot doon JWBAJNAISJSISKAONAYSH. Enjoy reading:>

EAMB Chapter 73

Kyle

“So, what's your plan now?” I asked while facing Rivo who's now drinking the most hard drink in this world.

Inisang inom niya lang iyon at mukhang hindi siya nalasing. Mukhang napakalaki nga ng pinoproblema niya ngayon. Rivo is facing his problem on his wife, Tijana. I know who's this girl is. She's one of my blockmates back when I'm still studying.

They became friends and after that, Rivo become the one of the highest rank on Black Organization. Magkaiba ang grupo namin, ngunit mas mataas parin siya saakin.

Tijana's parents are friends with Rivo's, so they made an agreement that when Rivo turned 30, he will marry the second child of Villaceran. Rivo's parents were disperate, so he had no choice than to marry his old friend.

“I will divorce her.” Simpleng sagot nito bago tinungga ulit ang alak. “Tutal, sa ibang bansa naman kami kinasal kay mapapadali ang pakikipaghiwalay namin.”

“Alam mo naman siguro na hindi papayag ang mga magulang mo sa desisyon mong iyan, 'di ba?” Nagsalita na ang kaninang tahimik na si Klein. Napabaling ako sa kaniyang bago tumango-tango. May punto siya, alam kong hindi papayag ang tatay niya kapag nagkataon.

“Bahala na, basta gusto ko nang makipaghiwalay sa babaeng iyon.”

Nagsalin ako ng alak sa baso habang nagtatanong ang matang tumingin sa kaniya. “Bakit ka nga ba galit na galit sa babaeng iyon? Eh, wala naman siyang ginawang masama sa'yo.”

“She ruined everything — They ruined everything. Kung hindi sana siya nakialam noon, edi sana hindi ko siya ngayon asawa. At ang malala pa, alam niya simula pa noon ang lahat ng pangarap ko sa sarili. Ngunit ipinagsawalang bahala niya iyon at ibinaon sa limot para makuha ang matagal na niyang gusto.”

Mahinang tumawa si Klein dahilan para matuon ang nanlilisik na mata sa kaniya ni Rivo. “Si Tijana? She will never do that. I know that innocent girl.”

Kumuyom ang kamao ni Rivo at halatang nagpipigil sa galit. Sa aming tatlo, siya ang may pinakapikuning ugali kaya naman sanay na ako sa aksiyon niyang ganito.

“Innocents are the worst, bud.” Madiin nitong sabi. “Mukha lang silang inosente ngunit iba-iba ang tumatakbo sa utak nila.”

Napa-iling-iling nalang si Klein bilang hindi pagsang-ayon nito sa sinabi niya. Kilalang-kilala nito si Tijana dahil isa ito sa mga naging kaibigan nila ni Zariyah. Alam nito ang ugali. Ako lang ang walang masyadong alam sa kanila dahil wala naman akong pakialam sa mga babae sa campus noon.

“Kumusta na nga pala iyong mga tauhan nating nasugatan sa pangyayari kagabi?” Pang-iiba ng usapan ni Rivo.

“They are now fine. Malalakas naman ang tauhan natin eh, kaya, kaya na nilang lahat iyon.” Mayabang na sagot ni Klein habang nakatingin sa malayo.

Nag-usap pa kami nang ilang minuto doon bago ko mapagpasyahang pumasok sa loob. There, I saw the woman I really love. The love of my life. She's now drying the plates before putting it on a storage.

Zariyah

Muntik na akong mapatalon nang may yumakap na matitipunong braso sa bewang ko mula sa likuran. Kung hindi ko lang naamoy ang mabango nitong amoy ay baka mapaghahampas ko ito.

Isinandal niya ang mukha sa leeg ko bago ako malambing na hinalikan dito. And then, his lips travelled down on my bare shoulder and back to my neck again. “I love you.”

“I love you, too.” Nginitian ko siya bago ipinagpatuloy ang ginagawang pagtutuyo bago ilagay ang mga plato sa storage.

Lumapit si Kyle sa freezer at binuksan iyon. Kumuha siya ng isang ice cream at sakto namang tapos ko ay ibinigay niya iyon sa'kin. I mouthed ‘thank you’ habang binubuksan iyon. Kaagad naman akong dumila sa itaas ng cornettong kinakain ko.

Dumiretso kami sa sala at binuksan ang TV. Napatingin ako sa gawi at napakurap-kurap nang makitang gumagalaw ang adam's apple niya habang nakangiti sa pula kong labi. Napalunok tuloy ako dahil sa klase ng titig niya.

“G-Gusto mo?” Iyon nalang ang sinabi ko para naman mabawasan ang kabang nararamdaman ko.

Umiling ito. “Nope. Pero kung sa labi mo naman iyon manggagaling, why not?” Ngumisi ito dahilan para uminit ang pisnge ko.

Pabiro ko siyang inirapan bago nag-iwas ng tingin. “A-ayoko nga.”

Ngumuso ito at kumurap-kurap. “Isa lang naman, eh.” Ngumuso ulit ito.

Tinawanan ko siya at mabilis na hinalikan ang labi niya. Napangisi naman siya dahil dito.

Katahimikan ang namayani habang nanonood kami ng anime sa TV at siya ang unang bumasag ng katahimikang ito.

“Pa'no mo nga pala nalaman ang abandonadong gusaling iyon? At paano ka nakapasok?”

Alam ko ang tinutukoy niya, iyong nangyari kahapon. Patay!

_Agratha | Carla

Encountered a Mafia BossWhere stories live. Discover now