Action 1! (≧▽≦)

145 5 10
                                    



Eyes On Her








Earth's POV ~°•°

'Waah! Shit. Ayaw ko na. Ayaw ko nang tumakbo! Punyemas naman! Lamunin mo na ako, Lupa! Tangayin mo na ako, Malakas na hangin! Huwaaaaa! Katapusan ko na!'

Sumisigaw na ang isip ko sa sobra'ng takot. Mas binilisan ko pa ang pagtakbo at kasabay nito ang mas pagbilis pa nang tibok ng puso ko. Nang makita ko na ang pader ng paaralan kung saan ako patungo ay nakahinga ako ng medyo maluwag pero ng lumingon ako sa likuran ko nanlaki agad ang mga mata ko.

"Waaaaa! Papa! Tulong!" Naisigaw ko na ang takot na nasa isip ko lang kanina. Dahil nakita ko'ng malapit na 'yong dalawa'ng lalaki'ng naka-itim na mga jacket at kulay abo na mga sumbrero na tumatakbo rin palapit sa akin. Tumakbo pa ako ng mas mabilis pero narinig ko ring mas binilisan nila ang takbo palapit sa akin.

"Waaaaah! Aaaaa-ach! Aray!" Malakas kong daing ng yakapin ako ng sahig. Mabilis kong nilingon ang likuran ko at

Kasalukuyan na akong tumatakbo sa gilid ng matataas at mahahaba'ng pader ng paaralan kung saan ako nag-aaral. Hindi ko alintana ang mga usok ng sasakyan na humaharurot sa kalsada na nasa kaliwa ko. Patuloy ako sa mabilis na pagtakbo.

"ACH!" Napahipo ako sa balikat at sumigaw sa sakit. Para akong nabunggo sa bakal.

"Ano ba, miss? Tumingin ka naman sa dinadaanan mo. Ang lakas pa ng boses mo. Nakakarindi." Inis na pamumuna ni kuya'ng nakabunggo ko. Tiningnan ko si kuya matapos kong bumawi mula sa pagkakabunggo ko sa kanya.

"Ikaw kaya yung hindi tumitingin! Bakit kung nakatingin ba ako sa tingin mo hindi tayo magkakabungguan? Malay mo meant to be tayo! Oh joke lang. Binabawi ko na agad. At isa pa kuya, alam mo bang nagmamadali ako? Oh diba, ayun! Ikaw kuya eh. Ikaw yung hindi tumitingin. Kasi kung nakita mo kong nagmamadali iiwasan mo ko at hindi tayo magkakabungguan! Nuggets?!"

"Ha?" Kunot-noo'ng sabi ni kuya.

"Ha? Hatdog? Oy kuya! Nuggets ang sabi ko. Mas masarap ang nuggets kaysa sa hotdog. Yung nuggets may iba't-iba'ng shapes yung hotdog straight lang! Ay naloko ka na kuya!"

"Ewan ko sa 'yo, Miss! Ang inggay mo!"

"Hoy Mister!"

"Oh bakit!?" Maangas na sabi ni kuya matapos ko rin siya'ng sigawan.

"Ang gwapo mo. Joke! Oy muntik na siyang maniwala!" Humalakhak ako.

"Miss, baliw ka ba? Hindi tayo close. Kung kausapin mo ko akala mo close tayo." Sabay walk out ni kuya.

"Close? Bakit tindahan ka ba kuya! Sarado ka gano'n? Ahhy ambut, babye kuya! Nuggets bilhin mo huwag hotdog ha! Kuya, ingat ka d'yan! May mga lalaki d'yan na nanghahabol ng mga ta--," Nakangiti at sumisigaw kong kausap si kuya habang naglalakad ng hindi tumitingin sa daan. Pagilid pala ako ng pagilid hanggang sa mauntog ako sa pader kaya natigil ako sa kakasigaw, "--Ach. Arouch."

"Hahaha!"

"Baliw."

"Hahah! Ingay kasi," komento ng mga tao'ng dumadaan nang hipuin ko ang ulo ko. Napanguso ako at napatingin doon sa gawi ng mga lalaki'ng humahabol sa akin. Nang wala na akong makita'ng anino nila ay nagpatuloy na ako sa paglalakad.

Nasa labas na ako ng room namin. Mula sa labas rinig ko ang ingay ng mga kaklase ko. Pagpasok ko ay napatingin ang ilan sa akin saka may sumigaw.

"Si Miss Clumsy andito na!" Sabay tawanan ng lahat. Nakatingin sila sa akin habang nagtatawanan.

When I am With Miss Clumsy (Season One) ✔Where stories live. Discover now