Action 61! (>_<。)

10 1 0
                                    

Missing

Lolo Le's POV ~°•°

Hinahalo ko ang limang itlog para gawing scrambled fried egg. Pero imbes na nakafocus sa ginagawa, bumabalik sa isip ko ang mga sinabi ni Em kahapon.

Sa sobrang tigas ng ulo niya at sa sobrang init ng ulo niya, dalawang beses ko pa siyang pinilit kahapon. Unang beses ay nang hatidan ko siya ng tanghalian, pero hindi niya ako pinansin. Kaya kahapon din ng gabi ay binalikan ko siya sa kwarto niya para pilitin. Kahit ang pagkain ay hindi niya ginalaw ng puntahan ko siya ng pangalawang beses. Hindi pa ata halata sa kanya na nag-aalala ako.

Pagpasok ko sa kwarto niya napatingin ako sa pagkaing nasa tray at nasa side table na hindi nagalaw. Nilingon ko ang bintana na madilim na, at siya na nakaupo sa kama habang nakatalikod sa akin.

Nagpatuloy ako sa pagpasok at tumapat sa likuran niya habang nakatayo at nakalagay sa bulsa ang mga kamay.

"Kahit pag-urong ng kutsara at tinidor ay hindi mo manlang ginawa," sabi ko sa kanya ng sulyapan ko ang pagkain at muli siyang balikan ng tingin.

Napayuko siya mula sa pagtitig sa bintana, "Tss. Hindi ako natanggap ng awa."

"It's concern, Em."

"That's the same kapag sa'yo nanggaling... Gustong-gusto ko ng umalis dito alam mo ba 'yon?" Wala akong mabasang emosyon sa tono niya.

"Em... Hindi ko kayo pinapaalis."

"But the memories pushes me to. Kahit bumalik nga ako para ipamukha sa mga ala-ala na 'to na mas malakas na ako kaysa noon."

"Iho, hindi mo kailangang maging malakas." Mahinahon kong sambit.  Umiling siya.

"I really not needed to, 'cause I really want be."

"Em—"

"I can kill you now. But I don't know why I am not still doing it. You'd contributed to my misery. And you are damn thinking that I will eat the foods you'd prepared? At susundin ko ang sinasabi mong tawagan ang cellphone ng babae. Sorry, I am not that young boy who left you years ago."

"Ang lolo, ang lolo mo ang sinasabi mong isa sa dahilan ng kamiserablehan mo. Hindi ako, dahil hindi mo ako kinikilalang Lolo. These foods are friend's concern. At ang babae, alam kong concern ka rin sa kanya."

"Fuck that concern! Huwag nating gamitin ang salitang concern, nakakababa ng dignidad. Lalo na para sa'yo na isang gang."

"Wala akong pake. Ayokong makipagtalo sa'yo tungkol sa gang. Kumain ka na, at tawagan mo ang cellphone ni Earth, ngayon na."

"I hate commands. Nagsasayang ka lang ng layaw."

"Then eat up. Kahit kumain ka nalang muna."

"Can you please stop that!" Dahan-dahan siyang tumayo at hinarap ako, galit na nagsalita.

"Stop what!?"

"Your damn actions! 'Yang pinapakita mo! Naiinis ako old man."

"Hindi ko rin gustong maging ganito sa taong hindi naaappreciate ang ginagawa ko. Nandito ako, para kay Earth. Nakikiusap na tawagan mo ang cellphone niya, dahil doon siya nakokontak ng mga taong nag-aalala pa sa kanya."

"You know what made me different from before? I am not that young boy who shivered in his shoes when big guys stands in their way. People shivers at me now. No ages, no genders, no class. Kaya huwag mo kong utusan." Naglakad siya palabas pero agad ko siyang pinigilan.

When I am With Miss Clumsy (Season One) ✔Where stories live. Discover now