Action 18!(•ө•)♡

24 2 0
                                    









Ay hala!


Maecy's POV ~°•°

"Ay hala!" sigaw ko matapos kong patayin ang cellphone ko at mabilis akong napatakbo papasok sa building. May mga tao parin na lumalabas at pumapasol sa loob. Nakipagunahan ako sa kanila. "Excuse me. Teka padaan excuse po."

Nakalagpas ako sa entrance at mabilis na pumunta sa elevator. Pinindot ko ang buton pero may tao pa sa loob ng elevator. Mahina pa naman ang tuhod ko sa pag-akyat sa hagdan. Napailing ako. "Tsk. "

Tumakbo ako sa harap ng hagdan at tinignan ito.

"Para kay kuya foreigner at para sa love!" Bumuntong hininga ako at buong lakas na umakyat sa hagdan. Mas binilisan ko pa pero pagdating sa second floor bigla ng nanghina ang mga tuhod ko at hiningal ako.

Nakarating na ako sa third floor at paliko na ako sa hallway kung saan naroroon ang room ni kuya foreigner, pero bigla akong bumagal.

"Ang tagal naman ng susi. Nasaan na?" Boses ni Aenna kausap ang isa sa hotel worker.

"Ah parating na po si Jes, ma'am, hawak niya ang mga duplicate keys. Pasensiya na po," paliwanag ng kausap niya. Binalingan ni Aenna si... Si sir Mat! Oo! Si sir Mat siya!

"Sorry, sir, lets wait for a bit." Ngumiti si sir Mat. Bakit ba kasi kamukha siya ni kuya Foreigner? Tsk.

Huminga ako ng malalim ng medyo makalapit na ako sa kanila. Nanlaki ang mga mata ko ng dumaan sa gilid ko si ate Jes na hinahanap ang tamang susi sa room 27. Natulala pa ako. Nakita kong binigay na ni ate Jes ang susi kay sir Mat at ilalagay na ito sa door knob.

"K-kuya FOREIGNER!" sigaw ko at napatingin silang lahat sa akin. At s-si ma'am Aenna... Pinandidilatan niya ako ng mga mata.

'Para sa love... Gagawin ko 'to. Kahit mawalan pa ako ng trabaho!' Matapos bumulong ay tumakbo ako palapit kay sir Mat at pikit-mata ko siyang niyakap.

May mga napasinghap sa gulat.

Nakapikit ako at napalunok. Nanatili akong nakayakap sa kanya. Pero siya, nakataas ang mga kamay sa gulat at hindi ako niyakap.

'Nakakahiya 'to...'

"T-teka Maecy!" saway ni Aenna sa akin at tinulak ako palayo kay sir Mat. "Anong ginagawa mo! Sir Mat ang pangalan niya, hindi kuya foreigner. Pwede ba, Maecy, bestfriend kita pero huwag mo naman ipamukha sa akin na nagkamali ako ng paghire sa tulad mo. Nakakahiya ka."

'Masakit. Masakit marinig ang mga 'yon sa tinuturing kong kaibigan. Pero ano bang mas matimbang, ang pagmamahal or pagkakaibigan. Hindi ko kayang hindi gawin 'to para kay kuya Foreigner. Minsan lang manghingi ng pabor si Kuya Foreigner. Iyong una niya ngang pabor, hindi ko nagawa...'

"Ang sakit! Ang aga naman ng kasawiang to," sabi ko habang naglalakad papunta sa front desk. Galing sa room 27 at nagbigay ng breakfast sa manhid na taong andoon.

"Oh, maam Maecy, anong mukha yan?" tanong sa akin ng babae sa front desk, si Kasshi.

"Wala. Tsk. Kas, naranasan mo na ba ang mafriendzone? Iyong gusto mo ang isang tao pero ang gusto ng tao eh, kaibiganin ka lang."

"Ah si sir Porenoy ba iyon? " Napatango ako. "Ma'am alam mo po, pagdating sa mga ganyan dapat maging masaya kayo, kasi hindi man naging kayo ng taong gusto mo eh kaibigan niyo naman siya. Iyong iba nga eh, kilometro ang layo mula sa mga minamahal nila, iyong iba hindi magkasundo at ang malala may mga nagmamahal ng mga taong suntok sa buwan na magkakatuluyan. Kaya dapat smile at maging happy ka ma'am," payo ni Kas. Ngumiti naman ako sa sinabi niya.

When I am With Miss Clumsy (Season One) ✔Where stories live. Discover now