Action 57!(--〆)

11 1 0
                                    




Antayin mo


Em's POV ~°•°

Maingat akong naglakad habang nakatutok sa lapag ang hawak na baril.

Malawak ang paligid at tahimik. May mga kagamitan sa loob at medyo masikip. Sa may kalayuan ay may bukas na roll up door at tanaw doon ang malawak na labas. Mas malakas kong naririnig ang tunog ng mga eroplano.

Habang dahan-dahan akong naglalakad isang putok ng baril ang umalingawngaw. Mabilis akong nagtago sa likod ng pader.

"You are indeed brave," ani ng boses na malalim. Nakarinig ako ng mga pagkasa ng baril. Mukhang marami sila.

Nag-antay ako ng tiempo. Nakarinig ako ng kaluskos sa likod ng isang box. Mabilis ko itong pinaputukan.

"Ach!" Pagdaing ang narinig ko at kasunod no'n ay pagbagsak.

Napangiti ako, "Instinct."

"Come out Em! Damn you!" Pinakinggan ko ang pinangagalingan ng boses. Nilingunan ko ang boses saka pinaputukan ang kinaroroon ng may-ari nito. Muling may tumumba.

Tila ba isinugal ng lalaking sumigaw ang sarili. Dahil ng lumingon ako ng panandalian maraming nagpaputok ng baril. Wala pa sa alaskuwarto akong muling napatago.

Segundo ang lumipas at tumahimik. Mabilis akong tumakbo at lumipat sa isa pang pader pero nakita ako ng isang Sunder at mabilis niya akong tinutukan ng baril. Mas nakahanda ang baril ko at nauna kong kalabitin ang gatilyo ng akin. Kaya bmagsak siya bago ako mabaril.

"Three down," bulong ko.

"Coward! Come out Em we will kill you!" Naalerto ako sa mga naririnig na pagtapak ng sapatos. Tila ba mga pomuposisyon. Natigil ang ingay.

May katabing karton ang pader na pinagtataguan ko, dahan-dahan akong gumawa ng butas doon gamit ang nguso ng baril at pinagkasya iyon. Mahinahon ko itong nilusot. 

Ngumiti ako. Saka diniin ang gatilyo matapos gawing automatic. Umingay ang sunod-sunod na paglabas ng bala mula sa baril ko. Nakatanggap din ako ng mga putok ng baril na nakikita kong tumatama sa pader sa likod ko. Nakakarinig ako ng pagbagsak at pagdaing.

I release the trigger and keep silent. Pinakiramdaman ko sila.

Biglang sumulpot ang isang lalaking nakasuit, ang baril ay nakaangat sa tapat ng balikat. Tinutok niya iyon sa akin at mabilis kong binisigan ang kamay niya at pinukpok ang handle ng rifle sa noo niya dahilan para mahimatay siya. Nakarinig ako ng pagputok ng baril at naagaw nito ang atensiyon ko.

Nagbitaw ako ng isang bala at nagtago agad. Pagdaing at pagbagsak ang sumunod kong narinig.

'Ilan na kaya lahat ng nakahiga.' Napangiti ako sa naisip. Nalingonan ko ang lalaking nakahandusay. Hinila ko ang katawan nito sa kinaroroonan ko at nagtago.

Hinubaran ko ang lalaki at sinuot ang damit nito. Saka ko kinuha ang hikaw niya at tinusok ko sa tenga ko. Dumugo ang tenga kong walang butas kanina pero ngayon ay meron na. Pinunasan ko ang dugo. Saka ko sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri.

Sinuot ko ang wireless air tube stereo niya at mula doon naririnig ko ang order sa kanila.

[ Todavía tienes 10 minutos antes de que venga el helicóptero, mata a ese bastardo y listo. O simplemente lo dejó ... a Austeres. Engañarlos, hacer lo que quieras mi Sunder, en 10 minutos (You still have 10 minutes before the helicopter come, kill that bastard and it's done. Or just left him... to Austeres. Decieve them, do what ever you want my Sunder, in 10 minutes.), ] panuto ng Padrone sa sarili nilang lenguwahe. Ikinagulat ko ang naintindihan.

When I am With Miss Clumsy (Season One) ✔Where stories live. Discover now