Action 22! ٩(๑'^'๑)۶

16 2 0
                                    






Do not save me

Em's POV~°•°

"Kotse ba hinahanap natin? Saan tayo papunta?" Napasulyap ako sa babaeng nagsalita at parang bata na dumadaan sa ibabaw ng street gutter kung saan kami tahimik na naglalakad mula sa hotel.

Iisipin ko sanang naiinis na siya kasi pinabalik niya ang kotse at ngayon ay naglalakad kami, pero sa tono ng boses niya parang naglalaro lang siya at walang iniisip. Wala ata 'tong isip. Walang pakiramdam. Parang hindi napapagod maglakad. Ewan ko ba kasi kung bakit ko siya sinunod.

Asar.

Tumingin ako sa harap at nagpatuloy sa paglalakad, binalewala siya.

"Ouy," tawag niya sa akin at bumaba siya sa dinadaanan niya, kasalukuyan na siyang naglalakad sa gilid ng gutter. Habang nakatingin sa harap, nakita ko sa 'di kalayuan ang mismong lusutan ng kanal na may mga naistock na tubig at kalat na sa tingin ko ay nagmumula sa isang bahay sa 'di kalayuan, doon nagmumula ang tubig na mukhang may naglalaba.

Tiningnan ko ang babae. Patuloy padin siya sa paglalakad habang sa akin nakatingin at inaantay ang sagot ko. Nauuna ako sa kanya ng isang hakbang. Mabilis siyang humakbang ng isa at tumalon ulit sa ibabaw ng curve ng street gutter at nagpantay na kami. Umiwas ako sa kanya, baka pagkamalan akong baby sitter. Tsk.

"Hala. Bakit ka lumayo? Wala akong amoy nuh." Inamoy nito ang hininga. "Amoy hotdog lang naman. Hindi naman masyadong mabaho eh. Ano nga kuya? Saan tayo papunta?" Pangungulit niya.

Malapit na kami sa kanal at tumigil ako sa paglalakad. Tumigil din siya. Tumingin ako sa harap para tumingin din siya at makita niya ang lalakaran niya. Pero ng tingnan ko siya ay nakatingin lang siya sa akin.

Nag-aantay ng sagot. Haisyt. Asar.

"Ano? Saan tayo papunta? Baka kung saan mo ako dadalhin ha. Sa playground kaya? Ay baka sa beach na tayo papunta kuya? Hahahahahah! Naku sabi ko sayo salbabida muna bago beach kuya! Hahahahah!" Humalaklak siya ng malakas kaya napaiwas ako ng tingin at lumakad ulit.

"Hahahahahah! Ouy! Hahahah! Teka lang hahahahah!" Natatawa niya akong naabutan at nakapantay ulit sa paglalakad. Inayos ko ang backpack na suot at medyo binilisan ang paglalakad.

"Kuya hahahah! Alam mo sa beach may hahahah! Sa beach kuya may letter L na nagliligtas ng buhay hahah nagliligtas ng mga malulunod hahaha kung sakaling walang salbabida hahahah!" Tiningnan ko siya habang nagsasalita at tawang-tawa sa walang kwentang sinasabi. I make a 'so-what' face then I escape her sight. Pero siya, hindi tumigil. "Hahahahah! Anong L ang tinutukoy ko kuya? Hahahah!"

Hindi ko alam kung ako ang tinatanong niya. Kasi siya na ang sumagot, "May sumagot kuya hahahahah! Sagot niya Lifeboy hahahahahahahah!"

Sa sobrang inis ko ay nagsalita na ako, "Anong nakakatawa doon?"

"Ah... HAHAHAHAHAH! Meron pang nakakatawa doon! Hahahahahahah! Sumagot iyong nagtanong hahahahah! Sabi, 'Mali'. Iyong letter L daw hahahah! Katunog ng brand ng sabon hahahahahahahh!" Kumunot ang noo ko. May nakakatawa ba?

"Sumagot iyong tinanong, kuya! Hahahahah! Sabi niya, safeguard. HAHAHAHAHAHAHA!" Mas lumakas ang tawa niya at napahawak siya sa tiyan niya, nawawalan na siya ng mata sa sobrang tawa at nalalamon na ng bunganga niya ang buo niyang mukha.

I stop my face from showing my smile. Siya ang nakakatawa. Napaiwas ako ng tingin.

Nagpatuloy siya sa pagtawa at nang lingunin ko ulit siya, "Hahahahahahaaaaaaahh---!"

When I am With Miss Clumsy (Season One) ✔Where stories live. Discover now