Action 9! \(◎o◎)/

41 3 7
                                    




Not just close


Den's POV ~°•°

Tahimik.

Nag-aantayan.

Nagkakatitigan.

At handang magpatayan.

Ganyan ko mailalarawan ang paligid ng bahay ni Miss Delvalde. Walang second floor ang bahay nila pero maganda ito at mukhang mayaman ang desenyo. Bakanteng bahay ang nasa kaliwa nito at tahimik naman ang bahay na nasa kanan. Samantalang ang kaharap naman na bahay ay may mga taong nag-uusap sa loob, na posibleng makita ang kilos na gagawin namin.

Samantalang ang loob ng bahay naman na minamanmanan namin ay hindi mailarawan.

"HAHAHAHAHAH! HAHAHAHA!" Nanunuod ata siya ng video. Ewan ko ba sa babaeng target namin, parang walang taglay na karakter na nakakainteresado.

Buti sana kung sexy siya, maganda,  makinis at maputi,  palaban. Eh kaso hindi siya 'yon.

"HAHAHAHAH! Ayoko na. Hahah!" Ang lakas pa ng boses niya habang hinihingal kakatawa. Nakaupo siya sa sofa ng sala nila at nakahawak sa tiyan habang tumatawa.

Napatingin ako sa Austere na kasama namin na nasa labas ng bahay nila miss Delvalde.

"Hmhaha." Tumatawa ito na akala mo eh walang trabahong ginagawa. Sumisilip siya doon sa bintana nila miss Delvalde at nanonood. Anak ng hayop 'to!

Tinitingnan ko lang siya at inoobserbahan ang paligid. Wala pa namang nakakapansin sa Austere na kasama namin. Wala pa namang umaatake rito.

Ayon sa nakikita ko... Sa kasamaang palad may sampung Mafias ang nagkalat sa street. May limang Gangsters. Limang Bratvas, Xanadus, Yakuzas, at anim na Cosa nostra. Sampung Austeres at dalawang Fiavazas. May lima pang grupo na halos lima ang miyembro pero hindi ko alam ang pangalan ng grupong kinabibilangan nila. Basta sigurado ako na nandito lahat ang 13 organizations na under ng Fiavaza. Akala naming Austere, kami lang ang may planong ganito.

Ang Austere at Mafia ang nagkalat sa lugar. Pero syempre... Austere lang ang may pinakamalapit ba posisyob kay Miss Delvalde. Ang kaso ayon nga, mukhang hindi alerto ang lalaking inasign ko sa puwestong iyon.

Malapit ako sa dulo ng kalye at simpleng nakaupo lang at nagmamasid. Nasa tabi ko naman si Nam at nakatayo't nakasandal sa pader.

Napatinigin ako sa relo ko.

'9:50.'

"Nagmamadali ka bang mahuli siya?" Tanong ni Nam dahilan para mapatingin ako sa kanya. Tumayo ako at sumandal din kung nasaan siya.

"Gusto ko lang matapos to agad," sagot ko.

"Natatakot ka ba?" 

"Bakit ako matatakot? Walang dahilan para matakot ako, Nam."

"Kung ganoon, bakit hindi tayo ang maunang sumugod at kunin ang babae?" Nagsindi siya ng sigarilyo.

"Kasi hindi pa oras. Bakit parang ikaw naman ang nagmamadaling mahuli siya."

"Hindi pa oras? Ganoon ba..." Turan nito saka nilagay sa bunganga ang sigarilyo at nagsigarilyo. "Hindi sa nagmamadali ako... Mas gusto ko lang sumugod na agad... At hindi nagmamanman dito at walang ginagawa. Hindi dapat ang ibang mga organisasyon na nakakalat d'yan ang bantayan at manmanan natin. Dapat ang Dauntless Fiavaza... Diba, Den?"

Napaisip ako sa sinabi ni Nam, may punto siya.

"Wala naman ang Dauntless Fiavaza..." Pangangatwiran ko kahit wala sa lugar.

When I am With Miss Clumsy (Season One) ✔Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora