Action 35! ( ︶︿︶)

15 1 0
                                    


War 0.1

Em's POV ~°•°

Pumasok ako sa mall at naghanap ng makakainan. Masyado pang maaga kaya kaunti pa lang ang bukas na stall. Ilang minuto pa akong naglakad at napagdesisyunan na pumasok sa isang korean restaurant. Habang kumakain hindi ko sinasadyang mapatingin sa babaeng mag-isang naglalakad sa labas ng resto.

'Maecy...'

Luminga-linga ang babae at nakompirma kong si Miss Tividad nga ito. Napayuko ako at nagpatuloy sa pagkain, kunyaring hindi siya nakita.

Bigla akong kinutuban ng masama. Binilisan ko ang pagkain. Saka lumabas ng resto matapos masiguradong wala si Maecy sa paligid. I don't want to be with her. I don't want to be involve with someone. It's a safe thing to do. Pinagsabihan ko na rin siya noong huli naming pagkikita na lumayo. Kaya tama lang na hindi kami magkita.

Mabilis kong tinahak ang daan palabas ng mall. Pero—

'Oh come on...'

Bahagya akong napatigil dahil sa mga lalaking papasok ng Mall.

"Paanong—Shit." Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko sa sarili ng bigla akong makita ng isa sa kanila at dali-dali akong tumakbo.

Tatakbo na sana ako palabas sa kabilang entrance pero sakto namang may mga lalaki ring papasok mula roon. Nakita ako ng ilan at hinabol din ako. Hinanap ko ang parking lot ng mall pero nagulat ako ng may mga lalaki ring nandoon.

"Hindi pwedeng dito tayo gumawa ng gulo, mga bata," bulong ko. It's a public place. Masyadong nasanay ang mga 'to na sa pampublikong lugar gumawa ng eksena.

Ang tanong... Paano nila ako nasundan dito? They are fuck.

Tumakbo ako at pumasok sa men's boutique. Dumeretso ako sa mga Tshirt at pumili ng damit na ibang-iba sa suot ko saka ko ito binili at nagpalit. Pinagmasdan ko ang labas ng boutique at nakita ang ilang lalaki na nasa labas. Naghanap ako ng madadaanan at naghanda na sa paglakad pero hindi pa ako nakakalabas ng—

"Kuya EM!"

Mabilis na lumapit ang babae sa akin saka ako niyakap. Kinagulat ko ito saka ko siya hinila papasok pa sa loob ng boutique.

"Ah ach. Ouy bakit?" Taka niyang tanong.

"What are you doing here Maecy?" I asked instantly.

"Ha? Ah may binili lang sa Watson tapos kumain din sa Jollibee. Ikaw kuya—ay... Em. "

'I missed you.' Habol niyang bulong matapos na umiwas ng tingin sa akin.

Binalewala ko iyon at tiningnan ang labas. May mga lalaking nakatingin sa boutique kung nasaan ako, kami.

Tiningnan ko si Maecy at napansin ang sumbrero na hawak niya kasama ang binili.

"Can I borrow this one?" I asked.

Tiningnan niya ito, "Ah ito? Oo naman. Sige." Nakangiti niya itong binigay at kinuha ko naman, mabilis ko itong sinuot at tiningnan ulit ang entrance ng boutique. Palapit ang ilang lalaki na mukhang may hinahanap.

"Walk normal, Maecy. "

Tiningnan ko ang babae at saka inakbayan at sabay kaming naglakad palabas. Napansin ko ang pagkagulat kay Maecy pero hindi ko iyon inintindi. Habang naglalakad ay nagkasalubong na kami ng mga papasok ng boutique. Pinakikiramdaman ko ang paligid.

Nakalayo kami sa boutique ng hindi napapansin. Binitawan ko si Maecy at hinatid siya sa exit ng mall.

Binigay ko ang cap niya, "Go home now, Maecy."

When I am With Miss Clumsy (Season One) ✔Where stories live. Discover now