Action 38! ~(^з^)-♡

15 2 0
                                    

quEstion


Em's POV ~°•°

"Ayaw ko! Saan ka pupunta? Alam mo bang gabi na! Hindi ako makatulog pagwala ka rito sa bahay. "

What the fuck! What's with my head! Paulit-ulit kong naririnig ang boses niya! Arrghh! Asar.

I should focus myself on what I am going to do. Papunta na ako sa lugar kung saan magkikita ang Haram at Fiavaza na kausap nito.

Pagkatapos ng laban kaninang umaga ay sinundan ko ang mga Haram at nalaman ko ang headquarter nila rito sa bansa. Medyo malayo kaya natagalan ako. Kailangan ko pang takutin ang isang Haram bago ko makuha ang impormasyon na 'to.

Umuwi ako para kumuha ng baril dahil alam kong marami sila. Magaling sila sa malapitan tulad ng nangyari sa mall kaya nila ako naisahan. Kaya gagamit ako ng baril para madali ko lang silang madispatya, wala pang kapaguran.

Sa nangyayari ngayon, obviously, mali sila ng nakuha. Akala nila ang babaeng kasama ko ay si Miss Delvalde. Kaya ito, nadamay pa si Maecy.

But I Wonder why, bakit nang tawagan ng Padrone ng Haram ang Fiavaza ay gusto parin nitong makuha si Maecy kahit hindi ito si Miss Delvalde? Sino kaya ang nasa kabilang linyang iyon, bakit niya kukunin si Maecy?

I should find it out.

"Sir, andito na po," sabi ng taxi driver.

Yah, embarrassingly, nag-taxi ako. Ewan ko ba hindi ko magawang kumuha ng kotse simula no'ng nagbalik ako ng nanakaw ko n dahil sa babaeng maingay.

Tumango ako at bumaba ng sasakyan. Madilim ang paligid ng gusali na mukhang abandona. Tiningnan ko ang relo, ilang minuto na lang at alastres na ng madaling araw.

Humanap ako ng malulusutan mula sa sira-sirang pader na nakapalibot sa gusali. Nagawa kong makaakyat at makalagpas sa pader.

Sakto naman ang pagdating ng inaantay ko. Mabilis na nagkalat ang Haram sa paligid. Mabilis din akong naglambitin sa mga nakausling bakal ng gusali at nakaakyat agad ako sa pangalawang palapag. Ilaw ng buwan ang nagsisilbi kong liwanag. Masyadong madilim kaya humanap ako ng tamang puwesto.

Pinagmasdan ko ang mga tao sa paligid. May mga umakyat sa gusali at pumunta sa roof top. May nasa una hanggang pangatlong palapag. Naiwan sila Maecy at ang ilang Haram sa harap ng gusali, sa harap ko na rin. Pinuwesto ko ang assault rifle at binilang ang malapit sa akin na babarilin ko.

Napatingin ako kay Maecy na hindi sinasadyang nakita ako. Nagtataka ang hitsura niya at hindi makapaniwala. Habang tinitingnan niya ako naagaw ang atensiyon namin ng papalapit na helicopter.

Hindi ko ito makita dahil sa rooftop ito lumapag. Inaantay ko ang pagbaba ng kung sino man ang dumating.

At ng nasa hagdan na siya nakita ko ang lalaki gamit ang liwanag ng buwan...

'Brother...' bulong ko habang palayo ng palayo ang pigura niya sa akin at palapit naman ng palapit kanila Maecy.

Sandali silang nag-usap. "You never change... You always want to play things," sabi ko habang nilalagyan ng bala ang baril.

Napatingin ako sa kanila ng biglang tulakin ni Maecy ang Fiavaza at maalerto ang lahat. Pumuwesto ako.

Nagkaroon ng abutan ng bagay. At ng mapansin ko kung ano iyon ay napatingin ako kay Maecy. May kung anong bagay ang nasa katawan ng babae at ang hawak ng Haram na ipapalit sa suitcase ng Fiavaza, ang siyang magpapagana rito. Kailangang mag-ingat.

'At kailangan na ring kumilos. Give me a signal, and I'll make a rain of bullet.'

Napatingin ako kay Maecy na naguguluhan ang hitsura at kasabay no'n ang pagsigaw niya na ginawa kong hudyat.

When I am With Miss Clumsy (Season One) ✔Where stories live. Discover now