Action 92! (^▽^)√

19 1 0
                                    



December like

Earth's POV ~°•°

One year later...

"Alam mo ba kung bakit 'hohoho' ang sinisigaw ni Santa Claus?" Nanliliit ang mga mata ko habang nagtatanong kay Sir Eman, tagabake ng cake rito sa coffee shop.

Inakbayan niya naman ako saka tumingin sa nakabukas na pintuan ng kusina at tiningnan ang poster ni Santa na nakadikit doon sa glass na pader ng shop.

"Kasi hindi 'ha ha ha'." Damang-dama niya ang sagot niya pero tinawanan ko lang siya.

"Sir hinde hahahahah! Intindihin naman natin si Santa, malamig kasi sa North pole at lagi siyang giniginaw kaya lagi siyang nag-'hohohohohoho'!" Niyakap ko ang sarili na parang giniginaw saka nakanguso'ng nag'hohoho'.

"HAHAHAHAH! Ginawa mong matsing si Santa!" sigaw ni sir Eman at binitawan ako. "Doon ka na nga mapagalitan pa ako ni Glen." Pabiro niya akong tinulak at pinapalobo ko ang ilong habang naglalakad palabas.

Nagtatawanan sila sa loob at iyong iba napapailing. Mga nababaliw na sila.

Sumilip ako mula sa pintuan.

'Wala si ma'am Glen. Oras na para maghasik ng lagim.'

Maangas akong naglakad papunta sa counter habang ginagawang singkit ang mga mata at nakangiti. Nauuna ang tiyan sa paglalakad at nahuhuli ang ulo. Chinese businesswoman.

"Woouy!"

"Haaaaaah!"

Nanlaki ang mga mata ko ng mabangga ko si Jai at muntik ng malaglag ang dala niyang tray na bumangga sa tiyan ko. Lumubo ang pisnge ni Jai at nagdikit ang mga labi niya.

"Peace. Hehehe!" Nagpeace sign ako at umirap siya. "Ay mataray si misis Wilcox."

"Hoy! Earth! Bunganga mo!" Bigla siyang naalerto at kinurot ako sa tagiliran ko.

"Aa-aaah arey. Masakit. Huwag jan. May kiliti ako jan." Natatawa kong banat at umiiling siyang tumawa. Namumula pa ang mukha niya. "Bakit ka ba lumabas? 'Di ba sabi ni maam Glen sa kusina ka lang? Naku papagalitan ka nuh!"

"Eh. Sabi niya magtratraining ako ngayong araw. Tapos sa loob ng kusina lang pala ako pinapatambay. Dapat umuwi na lang ako sa bahay, namimiss ko na si Kuya Pating." Nakanguso ako habang nagsasalita.

Si ma'am Glen kasi eh, nakakapagtampo. Sabi niya sa akin, itong coffee shop binigay sa akin ni Ulan my labs. Kaso si Ma'am Glen sabi kailangan kong gayahin si Ulan at magtraining para maging magaling na may-ari. Eh training ba 'yong pagtitig sa kusina at nakaistambay lang? Maam Glen, let's talk about it!

Waaaaaah! See that! See that?! Ganda ng English ko diba? Si Kuya Pating may gawa niyan sa akin! Yiiiieeee! Nagkakamabutihan lang naman kami. Flip hair to the right.


"At anong nginunguso-nguso mo dyan?" Dahan-dahan at inis na sabi ng boses ni ma'am Glen. Sana boses na lang siya!

Napalingon kami ni Jai kay maam na nasa gilid ng counter.

"Ma'am Glen." Pacute kong tawag sa kanya.

Natatawang umalis si Jai at binelatan ako. Aba loko yon ah!

"A-ang bad nun. Sabi sa akin oh - bleeeh—!" Ginaya ko si Jai habang nasa harap ako ni Maam Glen.

"Ano?!" Umasim ang hitsura niya at masama akong tiningnan.

"Cha! Char! Charo! Charot! Charots! Karots! Hehehe! Maam Glen gusto mo hugot?" Niyakap ko siya saka nagtanong. Kinuha niya ang basahang bilog sa gilid saka ako nilingon. Yakap ko siya ng nakatagilid at inaantay ang sagot niya.

When I am With Miss Clumsy (Season One) ✔Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt