Action 5 (⊙o⊙)?

45 3 6
                                    








Get close

Earth's POV ~°•°

At dahil nakaisip ako ng magandang ideya matapos kong maumpog sa gate kanina, kasalukuyan na akong naghahanap ng signal gamit ang lumang selpon ni Ulan. Nagbabakasakali akong uubra 'tong naisip ko. Nagluluksa parin ako sa pagkawala ng selpon ko. Ang hirap kapag nasanay ka na sa isang bagay tapos biglang nawala. Chouz!

Pero ito ako ngayon, paulit-ulit na dinadial ang cellphone number ng touch screen kong phone dito sa hawak kong may keypad. Ang mahiwagang selpon ni Ulan na nailigtas niya noong world war 1. Jok ulit!

"Ayyyss! Ang tagal naman kasi nito magsend eh. May load naman ako. Ang tagal makakontak. Ang tagal makasend ng message. Wow talaga, petmalu to ah. Hoy! Cellphone. Huwag kang chossy ng amo mo. Napipilitan lang din akong gamitin ka. Chossy nito ayaw gumana sa akin. Ibato kita, siguradong patay ka eh. Isa na lang, pag-ikaw hindi gumana siguradong katapusan mo na." Nangigigil kong kausap sa selpon na hawak.

Namimiss ko na ang totoo kong selpon. 'Yon hindi man lang ako ini-stress ng ganito. Eh halos puno ba naman 'yon ng mga jokes. Puno ng mga images ng notes na tinamad akong kopyahin. Mga contacts ng importanteng mga tao na hindi ko kinabisado. Sayang talaga. Ang kabisado ko lang 'yong mismong number ko na three days bago ko matandaang maigi.

Natigil ako sa kakatype sa cellphone ng maalala ko ang luma kong phone. Saklap.

'Yong mahigit 3000 images sa gallery na puro idols ko sa Kpop. 'Yong limang jokes na app. 'Yong mga musics na nakakatawa, 'yong pinapalitan yung lyrics ng totoong kanta, marami akong ganoon. 'Yong mga videos pa na puro nakakatawa.  Ang dami pa namang laman no'n.

Napatadyak ako sa sahig ng maalala ang lahat. "Sana naman maibalik pa iyon sa akin kahit gaano katagal. Kahit may sira na basta gumagana. Kahit puno ng gasgas at may basag na. Kahit pinalitan yung battery basta bumubukas pa. Kahit inalis nila 'yong profile doon. Kahit burahin nila 'yong mga mukha ko sa gallery. Kahit palitan nila 'yong mga jokes app. Kahit baguhin nila lahat at alisin lahat basta iiwan nila yung.... Mga picture ng notes sa school at 'yong case na may pororong key chain!"

'Naku. Humanda sa akin magtanggal no'n.'

"Maidial na nga ulit malay mo may sumagot na at makuha ko na ulit ang selpon ko." Bumalik ako sa pagdadial at naglakad naulit.

"Calling," basa ko sa nasa screen habang tumutunog ang selpon ng 'ring-ring-ring'.

"Oh my! Ayan na matagal nagriring," napabulalas ako kasabay ang paghinto ko sa paglalakad dalawang bahay ang layo mula sa isang kanto. Kung saan pagliko sa kantong 'yon ay makikita na ang highway na paderetso sa pader ng university na papasukan ko.

Bigla kong naalala 'yong dalawang lalaking nanghahabol sa akin no'ng isang linggo. Andito kaya 'yong mga 'yon? Baka naman may manghahabol nanaman dito. Dapat pala hindi na lang ako dito dumaan. Ano ba naman 'to! Kinakabahan ako eh.

Habang nakalagay ang cellphone sa tenga ko ay dahan-dahan akong naglalakad paliko sa kanto. Suot ko ang pants na kulay yellow green at  mabulaklak na blouse. Nakajacket ako ng hindi masyadong makapal, 'yong tama lang at kulay yellow ito na sa sobrang haba eh halos takpan na ang kamay ko. Nakalkal ko lang 'to sa damitan ni Ulan eh. Wala siya kaya ayos lang 'yon. Wala namang magsusumbong!

Oh balik na tayo sa cellphone. Ito hanggang ring parin. At ang pault-ulit na opereytor.

[Sorry, the number that you have dialed is busy at the moment, please try your call later.]

"Try ko nanaman daw ulit? Lagi ganito sinasabi nito pero wala namang nasagot. Ang engeng naman ng babaeng nagsasalita na to. Tsk. Ito na idadial ko ulit."

When I am With Miss Clumsy (Season One) ✔Where stories live. Discover now