Action 63! >...<

11 1 0
                                    

Nine

Earth's POV ~°•°

"Ouy kuya nasaan tayo?" Kinalabit ko ang lalaking hawak ako sa braso. Nakatingin siya sa kasama niyang nagbubukas ng bakal na gate.

Hindi nila ako pinansin kaya napanguso ako.

Pagbukas ng gate ay pumasok kami sa malawak na lugar na parang tambakan ng malalaking kahon at iba pa. May mga nakaplastic, may mga patong-patong na karton basta parang ipunan ng gamit.

May dalawang daanan ang malawak na lugar, doon kami pumasok sa kanan tapos may dalawa pang lusutan doon na walang mga pinto. Sa kanan ulit kami pumasok. Kasing laki ng klasrum namin sa iskol itong huli naming pinasukan.

May mas malalaking karton dito. May nag-iisang ilaw na kulay dilaw sa itaas. Ang itaas hindi natapos ang kisame sa paggawa. Sa baba ng ilaw may nag-iisang upuan na monoblock na blue green! Heheh! At may lubid.

"Seat!" sigaw ni kuya na may hawak sa akin saka ako tinulak pangudngud sa upuan.

Napaderederetso ako at tumama ang baba ko sa dulo ng upuan. Napaupo ako sa lapag ng maurong ang upuan at nagtawanan silang tatlo. Napahimas ako sa baba. Masaket 'yon ah.

"Go and seat stupid." Nang-aasar na sabi ng isang lalaki. Halos pare-parehas na silang tatlo, may blue na mga mata at nakakulay itim na damit. Kuya 1, 2, at 3 na lang ang tawag ko sa kanila.

"Oo nga ako si stupid," sabi ko habang tumatayo at umuupo sa upuan. Malungkot akong tumingin sa kanila, "Ayan na po nag-seat na."

"HAHAHAHAH!" Nagtawanan nanaman sila. Tumayo nga ako at nilapitan ang kuya na nasa gitna. Kasi nakakainis hindi nila sinasabi sa akin kung bakit sila nagtatawanan!

Bigla naman siyang tumigil sa kakatawa kasabay ng dalawa. At pinandilatan ako ng mga mata na parang tinatakot.

"Ha Hahahah! Hahahaheheheh!" Ginaya ko ang mga tawa nila at dahan-dahan akong bumalik sa pagkaka-upo.

"Stupid!" sigaw ni kuya 2. At senenyasan si kuya 3. Lumapit siya sa akin at kinuha ang lubid.

"Ahy sabi na masasama kayo eh! You all bad boys?! Right?" sigaw ko sa kanila. Nakangiti silang tumango.

"Yes, Miss Delvalde. Very very very bad," nagtawanan sila, "And we are very thankful that you are obedient," puri ni kuya 1. Napangiti ako.

"Yes, of course. I am obedience." Pagmamalaki ko sa kanila. Nawala ang mga ngiti nila.

"It is 'obedient' not obedience!" sigaw ni kuya 2.

"That's the same! My dictionary says." Pagmamayabang ko.

"Hahahahah! Such an idiot and stupid!" sabi ni kuya 1.

"Idiot and stupid nyenyenye. Hmp! At least obedience! Hahahaha!"

"HAHAHAHAH!" Nagtawanan kaming lahat.

"It is done!" sigaw ni kuya 3 at natigil kami. Napatingin ako sa ginawa niya at nakita ko ang kamay na nakatali.

"Y-you tali-tali me?" Nauutal kong tanong.

Nagtawanan lang sila.

"B-bakit niyo ako tinali?! May nakakahawa ba akong sakit? May nagawa ba ako? Hoy bakit?!" tanong ko sa kanila. Pumunta sa harap ko silang tatlo at ngumiti.

Maganda ang kulay na blue. Kaso, kapag nasa mga mata ng malalaking tao tulad nilang tatlo, natatakot ako. Masasama ba sila? Pwede. Kasi tinali nila ako. Pero kasi, tumatawa sila. Mukha silang mabait kapag tumatawa.

When I am With Miss Clumsy (Season One) ✔Where stories live. Discover now