Action 70! ~.~

14 2 0
                                    

Don't care

Lolo Le's POV ~°•°

Alasais na ng gabi ngayong naglalakad ako sa loob ng subdivision at pauwi sa bahay. Sumama ako kanila Glen para mananghalian pero nauwi kami sa mas maraming kwentuhan matapos kumain. Seryosong kwentuhan. Except whenever Earth interrupted us.

Ngayong mag-isa ako, nagkakaroon ako ng oras na mas mag-isip tungkol sa mga nangyayari. At sa mga nangyari.

No'ng mga panahong bumibisita ako sa hospital ay madalas kong nakakausap sila Gigs at Glen.

Pareho silang katrabaho ni Earth, pero hindi lang katrabaho ang turing nila kay Earth. Kakilala nila ang pinsan ni Earth, at ang mga magulang nito. Ang pinsan din ngang iyon ni Earth ang siyang namamahala ng coffee shop kung saan nila nakilala si Earth.

Hanggang sa ilang buwan na ang nakakaraan, nagpaalam ng isang linggo'ng bakasyon ang pinsan ni Earth, kwento ni Glen. Binilin kay Glen ang shop pati na rin si Earth. May sariling bahay sila Earth. At sa pagkakaalam ko doon unang beses na inatake si Earth ng mga gangs.

Nagimbestiga sila at sinabi pa ni Jai na nakita nila sa mga nakahandusay ang tattoo ng mga gangs. Mga nakahandusay na si Em ang may kagagawan. Hindi ko sinabi sa kanila na isa rin ako sa mga gangs. I just told them I know a little. I gave warning and advice. At sinabihan silang itigil na ang pagkalap ng impormasyon.

Si Art din ay mayroong sariling pagkakataon kung saan niya nakilala si Em at Earth. He told us that he had met Em and Earth when they had one car to repair. Kwento niya, hindi si Em ang una niyang naging close. Kung 'di si Earth. Pero nasundan ang pagkikita nila at sa pangalawang beses na 'yon ay mas nakilala niya si Em. Nagsuspetsiya pa sila na miyembro si Em ng gang. Pero wala naman silang mahanap na ebidensiya. Walang tattoo si Em.

I know that I don't have rights to tell them that it's Em's job to protect Earth. Siya nga hinayaan si Earth na lumayo na lang sa kanya and just warned Glen and then let them all leave. Let us all leave.

Tapos bigla kong sasabihing trabaho niyang protektahan si Earth? Iyon ba ang pagproprotekta? Isa pa, sinabi niya ring responsibilidad niyang protektahan si Earth, pero heto ngayon at malayo siya kay Earth. Hindi ko maintindihan ang apo ko.

And what's worst when I told them something, they will be eager to know more. At kapag nagkataon wala akong masasagot sa kanila, o ayokong sagutin ang mga magiging tanong nila.

Bukod sa, 'Ano ang nangyari sa apo ko sa nakaraang tatlong taon?' ay gusto ko ring malaman, 'Bakit nasa papa ni Earth ang pera at nasaan ito ngayon?'

Hindi agad ako makakakuha ng mga sagot pero hangga't kaya ko, sasali ako sa gulong 'to. Hindi para magpasikat sa mga tao o mag-ingay sa mundo ng mga gang, kung 'di para mabalik ang tiwala ng apo ko sa akin.

Pagpasok ko sa bahay ay natigil ako ng makita ko si Em na pababa ng hagdan. Nakapants siya at leather jacket na may white t-shirt sa loob, at rubber shoes. Suot ang bag niya sa kanang balikat. With no emotions he walks casually towards the door behind me.

"Where do you think you are going, grandson?" tawag ko sa kanya. Wala akong pake kung sapakin niya ako ora mismo.

Pero hindi 'yon ang nangyari. Nilingon niya lang ako. At hinarap ko rin siya.

"Acting the same old man years ago?" Walang gana niyang sambit.

"Stay," utos ko.

"Tss. You are funny." Bahagya siyang natawa. Sarkastiko.

"That is not. Just my decision. It's also your mom." May diin sa bawat salita ko habang nagtatapat.

Kumunot ang noo niya at sumabay ang pagkagulat sa pagkalungkot. Ilang segundo ang lumipas at unti-unti iyong nawala at naging seryoso siya.

When I am With Miss Clumsy (Season One) ✔Where stories live. Discover now