Action 81! ?,~

10 2 0
                                    

Plan

Em's POV ~°•°

Walang gana akong nakatingin sa kanila habang tinatawanan no'ng babae at lalaki si Art na namumula.

"By the way, I am Kurd Schumann." Nakangiti ang babae. Agad akong napakunot noo. Parang pamilyar siya. Hindi ko alam, pero narinig ko na ang pangalan niya. 

"The name is Golib, Mister." Nakipagkamay si Golib kay Art at Gigs, pati kay Jai at nagpakilala rin ang tatlo.

"Mine is Frieg." Formal na ani ni Frieg at bahagyang yumuko sa kanila. Sinulyapan ako saglit ni Frieg at nag-iwas din.

And that annoys me.

"Pwede ba kung may pag-uusapan kayo, huwag dito? I bet the house owner wanted to rest for now," I said with full of sarcasm.

"Kailangan natin si Earth dito," sagot ni Old man.

I tsked, "Anong kailangan?! What exactly the hell are you talking about?" Inis kong tanong. 

"M-mister Em. I-it is a plan. F-for to-tomorrow..." Nauutal na sabi no'ng Kurd.

"Hah. Wow. It's like a pack of cats planning to steal one fish, or two. For tomorrow? What, the invitation? You already said that the guy on the other line is a wicked. And you are planning to involve Clumsy in your plan. Morons." Nginitian ko sila. "Stop what you are doing. Hindi sasama ang Clumsy na 'yan bukas. Ako ng bahala sa hostages. Now, go out." Matapos kong ituro ang kusina kung nasaan si Clumsy ay tinuro ko ang pinto.

"Ikaw lang?" tanong ni Art.

Tumango ako, "Should I say it for the fucking second time?" 

"I-I want to come, Em." Biglang sulpot ni Ian sa likod ko habang nakataas ang kamay. Napatingin sa kanya lahat. Ang ilan ay kumunot ang noo. "A-ah hehe my name is Adrian Wilcox, British-Filipino, 20 years old. Sorry pero hindi bakas sa akin ang pagiging British kasi palipat-lipat kami ng tirahan. Apelyido ko lang ang British. At kaibigan ko si Earth. Agree ako kay Em na huwag siyang sumama. P-pwede ako na lang kapalit sa kanya?" Pagpapakilala niya habang lumalapit sa kanila.

Nanliit ang mga mata ko. Asar. Ano bang gusto ng lalaking to. Hindi pa natuto sa pagkasapak ko kanina.

"Ahmm..." Kurd hum.

"Tabi ka nga. Kung ano-ano pinagsasabi nito." Nakanguso si Clumsy na tinulak si Ian at lumabas mula sa kusina habang may hawak na hotdog at sinusubo iyon. Dere-deretso siyang naglakad at hindi alintana ang mga luha sa gilid ng mga mata. Umupo siya sa gilid ng upuan ni Jai.

"Sama ako Lolo Le. Kami ni Kuya Pating invited, hindi naman kayo. Magbabalot na lang kami para sainyo. Saka... Gusto kong makita si Paping at ate Maecy. Baka kung ano ng ginawa sa kanila," paliwanag ni Clumsy sa seryosong tono habang nakain ng hotdog. I didn't know if she really is serious.

Hinuli ni Jai ang pisnge ni Clumsy saka pinunasan ang mga luha sa mata nito gamit ang hinlalaki. Hindi umangal si Clumsy at sumiksik pa kay Jai sa upuan. 

'Damn it. I envy Jai. And fuck! At the same time I want to punch her for touching Clumsy.'

"A-ah... Pero Earth... Kung ayaw mo talagang sumama gagawa kami ng paraan. Kasi delikado doon," Old man explained.

"Eh kasi kaya lang naman delikado dahil doon sa lalaking tumawag. Ayys! Ayoko na siyang isipin. Sinigawan ko na siya kanina sa tawag. Sasama ako Lolo Le. Makikibirthday lang naman kami ni kuya Pating. Saka kasama ko si Kuya Pating, hindi 'yan delikado." Kalmadong kwento ni Clumsy.

Ayoko siyang papuntahin, pero may punto ang sinabi niya.

Tinuro ni Golib si Clumsy, "Exactly. Sinabi ko nga sa kanila yan." Ngumiti si Golib. Pinandilatan siya ng mga mata ni Kurd. "Never mind." Pagbawi nito sa sinabi.

When I am With Miss Clumsy (Season One) ✔Where stories live. Discover now