Action 88! '?_?

10 1 0
                                    

Favor

Art's POV ~°•°

Kakalabas ko palang sa kwarto ni Em ng biglang tumunog ang cellphone ko. Boses ni Lolo Le ang bumungad sa akin.

[Nasaan ka?]

"Ah kakalabas ko palang po sa kwarto ni Em, Lolo Le. May pupuntahan po sana ako. May kailangan po ba kayo?" tanong ko at nagsimulang maglakad.

[Pwede ka bang dumaan sa kwarto ko saglit? At... Pwede ba akong makisuyo?]

"Opo naman. Kayo pa ba? Sige po Lolo Le papunta na po ako."

Agad ko ng pinatay ang tawag at tinahak ang daan papunta kay Lolo Le.

Sumasagi sa isip ko si Earth. Buong araw kahapon hindi siya natigil sa kakaiyak. Cheneck na siya ng doctor at lahat-lahat pero umiiyak padin siya. Wala siyang pakialam sa kung sino ang kasama niya o sa kung sino ang magpapatahan sa kanya.

Wala si Em at buong araw na walang malay. Hindi niya nakita si Earth sa ganoong sitwasyon. Halos lahat kami nasa tabi ni Earth ng mga oras na 'yon... Pero wala kaming magawa.

Sobrang bigat sa dibdib na makita mo ang taong lagi kang pinapasaya, na nasasaktan. 'Yong taong laging nakangiti, umiiyak. 'Yong taong palatawa, humahagulgol. 'Yong taong hindi deserve masaktan, nahihirapan. Pero alam kong kaya niyang lumaban.

At lalaban si Earth. Naniniwala ako sa kanya.

Siya ang una kong pinuntahan kaninang mga alasais ng umaga, maaga siyang nagising at inayos ang sarili sa pag-uwi. Iniwanan ko siya at nagpaalam akong babalik na kay Em.

Paniguradong kasama na niya sila Frieg at Golib para iuwi siya. Iyong dalawa ang inutusan ni Lolo Le na mag-uwi sa kanya.

Em did his promise... He made Earth safe... Pero hanggang kailan?

Kumatok ako sa kwarto ni Lolo Le at nakangiting pumasok ng makitang nag-uusap sila ni Kurd.

"Kamusta na ang binti at braso mo Lolo Le?" Bungad kong tanong.

Nakangiti si Kurd ng makita ako, "Wow, nurse?"

Medyo tumawa sila ni Lolo Le. Nakaupo siya at nakasandal sa unan. Nakangiting tumango si Lolo Le, "Mabuti naman ako... Si Em kamusta?" Nawala ng dahan-dahan ang ngiti ni Lolo Le.

Nakangiti akong tumango, "Gising na po siya. May nakaincharge na nurse na magpapakain sa kanya ng ganitong oras."

"Mabuti naman."

Nagtinginan si Kurd at Lolo Le. Napakunot-noo ako.

"Ah ito pala Art-" Kinuha ni Lolo Le ang wallet at nagsalita pero pinutol ko siya.

"May gusto po ba kayong sabihin sa akin?" Nagtataka kong tanong.

Natigil si Lolo Le. Nag-iwas ng tingin si Kurd.

Tahimik ako at inaantay lang ang sasabihin nila.

Tumikhim si Lolo Le, "Art. Noong mga panahong nalaman ko na nakatira ka sa Lola mo, gumaan lalo ang loob ko sayo. Nakumpirma kong mabuti ka ngang bata. Napalaki ka ng maayos. At... Pinagkakatiwalaan kita."

"S-salamat po..." Nag-aalinlangan kong tugon.

"May isa sa pinakamahalagang bagay akong gustong sabihin sa'yo."

Kinakabahan akong napangiti, "Lolo Le. Ha. Kinakabahan naman ako dyan. Ano po ba yon?"

"Sana mapapanghawakan ko ang tiwala'ng ibinigay ko sa'yo. Huwag mong sasabihin kahit kanino, tulad ng pagtago mo sa ginawa nating paglibing sa kaibigan ko."

When I am With Miss Clumsy (Season One) ✔Where stories live. Discover now