Action 79! π~π

8 1 0
                                    

Broken into pieces

Em's POV~°•°

"Kuya Pating saan mo 'ko dadalhin? Bakit mo inaway si Adrian? Hindi mo dapat ginawa 'yon." She questioned me and taught me. "Kuya Pating, naiwan ko pa 'yong TV sa bahay bukas. Tapos may isa pang hotdog 'di nakain doon..."

Nagdadaldal siya at hindi ko siya pinapansin. Iniisip ko kung bakit sa hospital kami pinapapunta ni Art. I can't help but follow it. My curiosity is the one ordering me to do so.

I focus myself to the things that has the possibility to happen. Inaalis ko na sa isip ko ang inis na naramdaman kanina ng makita si Ian kasama si Clumsy. Pero mahirap kalimutan kapag paulit-ulit pang binabanggit.

"Kuya Pating Crush mo si Adrian? Sus! Sinapak mo siya kasi gusto mong maramdaman 'yong pisnge niya. Crush mo siya nuh! Titig na titig ka kaya sa kanya kanina. Yiiiieee!" Pang-aasar niya.

I look at her madly and bring my focus back at driving.

"Shut up," I commanded.

"Sige." Natatawa niyang sabi saka tumahimik. Pero mahina siyang tumatawa.

At bumulong, 'Sayang kuya Pating. Bakla ka pala. Crush pa naman kita.'

"Fuck!"

Mabilis kong itinigil ang kotse sa hindi malamang dahilan. At nasagi ko ang preno.

Gulat na napahawak si Clumsy sa harap na bahagi ng kotse at dilat na dilat ang mga mata na nilingon ako, "JUSMEYO MARIMAR KUYA PATING! Ayoko pang mamatay!"

Bumuntong hininga ako saka lumunok ng laway at dahan-dahang pinaandar ang sasakyan ulit, "I told you to shut your mouth up. Right?"

"Hindi na nga nagsasalita eh. Sino bang naririnig mo. Hindi ako 'yon." Ngumuso siya at pinalobo ang pisnge. Habang nanliliit ang mga mata.

"Stop doing that!"

"Ang alin?! Nakaupo lang ako kuya Pating. Inis na inis naman to oh. Ayoko na nga. Gusto ko ng maging patatas!" Para siyang bata na naiinis dahil hindi nabigyan ng lolipop.

"Shut up."

"Tahimik na nga ko kanina eh prumeno preno ka pa—."

"Sabi mo bakla ako." Inis kong sabi. At 'crush mo ko', those fucking words are the reason.

Tiningnan niya ako, "Ah sinabi ko ba 'yon? Hahah! Eh bakit namumula mukha mo? Pareho kayo ni Adrian namula—."

"Stop talking about him. Ayokong kasama mo siya, Clumsy. At hindi ko siya gusto. At mas lalong hindi ako bakla. Stop talking now."

"Hindi raw bakla eh kung maka—"

"Gusto mo bang mamatay? Ibabangga ko 'tong kotse kapag nagsalita ka pa."

'O hahalikan kita para tumahimik ka at malaman mong hindi ako bakla.'

Wala na akong narinig na kahit ano. Sa wakas.

'Aargh! Shit! Damn! Namumula pa ba ako? Namumula pa ba ako?! What the fuck, Em. This really can't and shouldn't be happening.'







HABANG papasok sa loob ng hospital sinusundot-sundot ni Clumsy ang dagiliran ko, "Ouy. Adrian hahah! Yiii! Ikaw ha!"

Pinipilit ko ang sarili na hindi siya pansinin. Hinawakan ko ang kamay niyang sumusundot sa tagiliran ko at iginaya siya papunta sa nurse na nasa desk. Pinagpatuloy niya ang pagsundot sa tagiliran ko gamit ang isa pang kamay, "Kuya Pating, ako bahala sa inyong dalawa. Ipaglalapit ko kayo sa isa't-isa," bulong niya sa akin.

When I am With Miss Clumsy (Season One) ✔Where stories live. Discover now