Action 26! (^^)/

20 1 0
                                    






Know HER

Maecy's POV ~°•°

'Kapag mahal mo ang isang tao, huwag mong sukuan. Kapag mahal mo ang isang tao huwag mong bitawan. Kapag mahal mo ang isang tao dapat mong ipaglaban. Kapag nagmahal ka... Hindi mo maiiwasang masaktan.

Pero paano kung nagmamahal ka ng taong biglaan mo lang namang nakilala? Ano bang tawag doon? Love at first sight? Ang hirap naman no'n. Hindi ko yata kayang magmahal ng taong biglaan ko lang nakita... Pero kapag nagmahal kasi tayo... Doon nakita makikita kung paanong ang mga impossible ay nagiging possible. Dahil hayoon na ang puso ko. Hawak na ng isang taong hindi ko pa naman gaanong kilala. Ewan ko ba, noong makita ko ang taong iyon parang kusang inabot ng mga kamay ko ang puso ko at binuksan para sa kanya. Ngayon... Kasalukuyan ng nakatira ang lalaking 'yon sa pusong ipinagmamalaki ko pa dahil never pang nasaktan.

Ano ng gagawin ng tulad kong halos hindi niya kilala at halos hindi siya kilala? Tama pa bang habulin siya at hanapin siya? Eh walangjo naman kasi! May naiwan ako sa kanya! Umalis siyang hawak ang pagmamahal ko.'

"Hooy! Maecy! Pagkain ang binibili natin bakit may hawak kang napkin?" Bumalik ako sa diwa ko ng biglang sumulpot si Ate Main sa gilid ko.

"A-ah. Ay. Sorry naman. Hindi ko alam bakit 'yan ang dinampot ko. Ito na ibabalik na nga eh." Binalik ko sa lagayan ang balot ng napkin na piga-piga ko na parang puso'ng nasasaktan.

"Ano ka lutang? Batok ba kailangan mo? Tara bagsakan kita." Pinuwesto na ni ate ang kamay sa ulo ko ng pigilan ko siya.

"Ouy. Wait ate naman eh. Masakit 'yan, huwag na. Okay na ako." Kunot noo kong katwiran.

Kinuha ni ate Main ang basket ng mga pagkaing nakasabit sa braso ko at nilagay ang dalawang balot ng biscuits na hawak niya saka kami naglakad.

"Sino? Si mister Foreigner ba 'yan?" Hindi na ako nagulat sa sinabi ni ate. Hindi kasi ako malihim lalo na sa pamilya ko. Komportable akong magkwento kahit ano. Kahit nakakahiya nagkwekento ako sa pamilya ko. Kaya napagkakatiwalaan namin ang isa't-isa.

Tumango ako, "Isang araw palang noong makita ko ulit siya ayan nanaman gusto ko nanaman siyang makita. Saka may pangalan siya nuh, Em. Iyon ang pangalan niya."

"Oh eh in love ka nga d'yan sa Em na yan," deklara ni ate habang papunta kami sa counter.

"Ate naman. Okay nga, gets ko na sige. In love na ako. Hindi na ako denial. Pero anong gagawin ko ngayon? Gagamitin ko ba iyong pinangtawag niya na number para kontakin siya? Tatambay ba ako sa hotel para antayin na bumalik siya? Bukod doon ate wala na akong maisip na gagawin. Seryoso." Problemado kong sabi. Nakakunot ang noo akong tinitigan ni ate, "Oh ano?" Pagtatanong kong muli.

Ngumiwi si ate at tumingin sa dinadaanan. "May pwede ka naman palang gawin bakit hindi mo pa gawin? Babatukan talaga kita eh."

"Sure ka? Kahit saan sa nabanggit ko okay lang sayo na gawin ko?"

"Oh eh bakit ano namang mapapala ko kung pigilan kita?"

"Hindi ka magagalit tulad ng iba na patitigilin na ako sa pagmamahal sa taong malabo ko pang maabot?" Mangha kong sabi.

"Eh alam mo namang hindi mo pala  siya maaabot. Saka sayo na galing na 'hindi pa'. Alam mo Mae," hinarap niya ako at tumigil sa paglalakad, "Malaki ka na. 20 ka na 'di ba? 20 ka na at wala ka pang experience sa love. Ako 21 at tatlong beses na akong naheartbroken. Unfair naman yata kung magtwe-twenty-one ka na at hindi ka pa nasasaktan. Malay mo 'yang lalaki na ang sisira sa pinagyayabang mo sa aming puso mo. Pero, Mae, malay mo rin eh swerte ka talaga at hindi ka niya sasaktan. 'Di ba? Pero gusto ko talagang masaktan ka, bhe. Pramis." Nginitian niya pa ako saka naglakad na ulit.

When I am With Miss Clumsy (Season One) ✔Where stories live. Discover now