Action 44!('∀`)♡

16 2 0
                                    

dEnial

Em's POV ~°•°

Tahimik na ang kalsada kung saan ako naglalakad pauwi. Iniwan ko ang kotse na nakuha ko lang mula sa mga Haram. Hindi nakabubuting dalhin ko pa iyon.

Nasa mga bulsa ng pants ko ang dalawang kamay at nakatingin ako sa dinadaanan habang ang ilaw sa poste ang nagsisilbing liwanag pati ang buwan. Tinatadyakan ko ng mahina ang batong nakita.

'Hindi ko maiwasang isipin na isa sa mga minuto mula ngayon... Bigla nalang magkakagulo ulit at may susugod para patayin ako at kunin ang babae. Trabaho kong protektahan at huwag hayaang mawala ang babae na iyon... Pero aaminin ko na hindi naman talaga trabaho ang dahilan kaya ako pumayag sa kasunduan.

Bukod sa magbebenefit ako financially, maisasakatuparan ko rin ang gusto ko... 'Yon ay ang maubos o 'di kaya ay mabawasan ang mga miyembro ng gang. At ang makaharap ang taong sumira sa kabataan ko, at ang taong dahilan kaya mag-isa ako ngayon.

The word vengeance is still here in my heart, mind and soul. Na para bang gusto ng maisagawa sa tuwing nakakakita ako ng gang member... I want them to suffer. Ayon ang pakay ko dito sa bansang ayaw ko sanang balikan.'

Pinaaalala ko sa sarili ang layunin ko at pinag-ugatan ng lahat habang patuloy na tinatadyakan ang bato. Hanggang sa malakas ko itong nasipa. Napalayo ito ng tuluyan, naglakad pa ako at nang makalapit ay sisipain ko na sana ng matigilan ako.

"Ayon bato!" Napalingon ako sa babaeng mabilis na dinampot ang bato na nasa harap ng paa kong pabuwelo. "Ahehe ganda nito ah," komento niya sa hawak at hindi man lang ako napansin.

Umayos ako ng tayo. Napaiwas ng tingin at nang tingnan ko ulit siya ay nakatingin na siya sa sapatos ko.

"Hala may mamâ..." Unti- unting humina ang boses niya habang paangat ng paangat ang ulo at tuluyang makita ako.

"Kuya Emmm!" Para siyang nag-DoReMi dahil sa tono niya. "Ikaw pala 'yan! Akala ko sinong mamâ!" sabi niya habang tumatayo at pinapagpag ang bandang tuhod. Masigla niya akong hinarap.

Ngumiti siya at tiningnan ako. "Saan ka galing? Nasaan na iyong kotse mo? Tapos si Ate Maecy? Nasaan?" tanong niya.

"Bakit nandito ka pa?" tanong ko. Nagtataka niyang tiningnan ang sarili sa kinatatayuan.

"B-ba-bakit? Bawal ba rito? H-hindi ba ako pwede rito? Hahaha! Ano bang sinasabi mo kuya Em? Nakakatakot ka sa sinabi mo eh. Sino bang nagsabing bawal ako rito? Bakit ako bawal dito? At ano bang—."

"Shut up."

"Sige." Tinikom niya ang bibig matapos pero nakangiti parin. At tinitingnan padin ako.

Humakbang ako ng isa habang tinititigan din siya. Nakangiti parin siya. Inosenteng ngiti.

"Stop wearing that smile, young lady." Seryoso kong banta habang magkatitigan padin kami.

"Stop? Ha? Teka? Nakasuot ba ako ng ngiti?" Para siyang tanga habang kinakapa ang mukha. "Baliw 'to si kuya Em. Hindi naman ako nakasuot hahahah!"

"Ganyan ka nga siguro talaga."

"Hm? Anong ako? Hehe!"

"Nothing."

"Kuya Em... May sasabihin ako."

"What?"

"Ang tipid mo magsalita. Ano ba 'yan kuya? Bakit ka ganyan? Hindi ka ba kinakausap noong bata ka? Wala ka bang kalaro noon? Nasaan mama at papa mo? Hindi ka ba kinakausap sa inyo? Ako nga eh kahit walang mama at papa may mga kausap ako noong bata ako. Tapos kada kapitbahay namin kinikilala ko. Pero huwag mo na akong tanungin kung sino-sino sila kasi nakalimutan ko na. Tapos lahat sila—."

When I am With Miss Clumsy (Season One) ✔Where stories live. Discover now