Action 34! (ー_ー)

13 2 0
                                    


Goodmorning!

Em's POV ~°•°

"Goodnight, Clumsy," bulong ko matapos niyang humingi ng tawad. She's sincere, fine. But that doesn't mean we're okay. Now, I confirmed that she is a total clumsy being. Hindi ako ganoon kacurious sa kanya kaya ayoko ng isipin kung sino siya at bakit ganyan ang kalagayan niya. If she really says the truth, then... I just feel pity for her. End.

Pinikit ko na ang mga mata at dinalaw na ako ng antok. Saka nakatulog.


NAGISING ako bigla ng makarinig ako ng kalabog. Bumungad sa akin ang puting kisame. Nilingon ko ang paningin ko at nakita ang liwanag sa bintana. Tumagilid ako ng higa at natigilan.

"Krrrrkk... Hrrk."

Napaupo ako bigla. Ilang beses akong napalunok. Nakaramdam ako ng kakaiba sa loob ng ilang segundo. Hindi sinasadyang magdikit ang mga tuktok ng ilong namin ng malingunan ko siya. At hindi ko ring sinasadyang... Mapatitig sa mga mata niya. Tulog siya. Wala naman siyang ginagawa... Kaya bakit biglang hindi ako makahinga, ang bilis ng tibok ng puso ko. Weird but... Damn.

"Aaarrghh!" Hindi ko siya malingon ulit. Pinilit kong silipin siya.

'Asar.'

Mukhang nalaglag siya sa kama. Naiwan ang mga paa niya sa kama at ang kalahati niyang katawan ay nasa higaan ko na. Ang ulo niya... Malapit sa unan ko. Ang dalawa niyang kamay ay nasa tiyan niya. Napansin kong walang palit ang mga damit niya. Magulo ang buhok at mukha siyang nakangiti habang natutulog. What the! Even she's sleeping still she is annoying.

Tumayo ako at niligpit ang higaan ko, nang padabog.

"Yah! Rise up!" sigaw ko habang pinaghihila ang hinihigaan niyang hinigaan ko. Tinandayan niya ang unan ko. Napaayos ako ng tayo at napaiwas ng tingin.

"Sshhk. Huwag mo ko iwan..." Tiningnan ko siya habang kapit na kapit sa unan. Hindi ko alam kung maiinis ba ako o ano. I hate being frustrated just because of stupid little things.

"'Di ko alam pauwi hehe..."

"Shut up!" sigaw ko. Pero hindi man lang siya nagising.

"Krrrkk... Krrk hrk." Badtrip na umaga 'to.

"Paghindi ka pa tumayo d'yan papatayin kita. Stand up or I will kill you now." Kalmado kong sabi.

"Krrkk... Krrk hrk."

"What the-."

"She is totally asleep, Em. Huwag kang maingay baka magising mo siya." Sinulyapan ko ang matanda na kakapasok lang sa loob ng kwarto. Ang isa pang nakakainis.

"So? Ano naman sa'yo? You should knock. Can you please go out, old man?"

"Tsus tsus tsus... How cold, young man. Ang aga-aga oh. Alisin mo nga 'yang ganyang hitsura. Don't wear that face in this early morning," sabi niya at nilagay sa loob ng cabinet ang naligpit ko na na mga gamit.

Binalingan niya ang babae. "Wake her up calmly," sabi niya saka naglakad palabas. I rolled my eyes.

Nakakabadtrip. Sinong nagsabing utusan niya ako? What? Feeling niya guardian ko siya ngayong nandito ako sa lugar niya? Tsk, well... Wala akong guardian, that's what I know from the start.

"Hoy babae!" sigaw ko saka siya niyugyog sa balikat. Mabilis siyang napabalikwas at sinubukang tumayo pero hindi niya magawa dahil sa paa niyang nasa kama. Stupid.

"Ah. Ach!" Pinipilit niyang tumayo hanggang sa maatras niya ang sarili at malaglag ang mga paa. "Ahha ha ha." Hinihingal siyang tumayo habang hawak ang unan. "Goodmorning! Hehehe!" bati niya sabay kamot sa... Hayst! She is like a kid with her hand on her buttocks.

When I am With Miss Clumsy (Season One) ✔जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें