Action 84! {×-×}

14 1 0
                                    


Padrone to Padrones

Art's POV ~°•°

Nakatitig lang ako sa seryosong si Kurd habang nakatutok sa computer na kaharap. Sa mabilis nang pagta-tap niya sa keyboard napapanganga ako. Sa ekspresyon ng maganda niyang mukha na hindi kailan man maiistorbo, napapatitig ako. At sa bawat bulong niya ng mga salitang, 'bingo!', 'gotcha!', 'ohhkaay!' ay napapatulala ako. 

'Ang lakas ng dating niya. Ewan ko ba...'

Hindi ako makapaniwalang napapailing. Nasa loob kaming dalawa ng yacht ni Kurd. Nakaupo ako sa sofa at binabantayan siya, pero hindi ko alam kung yon talaga ang purpose ko rito eh. Nung inabutan ako ni Golib ng baril tumanggi ako. Ngumiti lang si Kurd at nagthumbs up tapos tumawa si Golib. Hindi ko minsan maintindihan ang taong iyon. 

Napatingin ako sa baril na nasa holster sa ibaba ng tuhod ni Kurd. Sa kanya ang baril na yon na hindi ko alam ang tawag. Napabuntong hininga ako at sumandal sa sofa. Hindi na gaanong kita ang yacht na sinasakyan namin dahil madilim na, pero tanaw namin ang cruise ship kung nasaan sila Earth.

"Shit." Napamura si Kurd at mabilis akong lumapit sa kanya.

"A-anong nangyari?" Kinakabahan kong tanong. Yumuko ako para makita ang nasa computer.

"It takes 10 minutes for me to hack the CCTV cameras. At nandoon na sila Mister Gestoso. In just five minutes ay makakapasok na sila ng tuluyan doon. Hindi sila pwedeng makita." Problemadong ani nito. At tinuro ang maliit na bagay sa gilid ng screen ng computer na nagloloading.

"Sadya ba yang ganyan o may kailangang gawin para mapabilis yan?" tanong ko.

"All we need to do is to wait... And inform them," ani niya saka ginalaw ang maliit na mikropono sa gilid ng computer. "Mister Gestoso. It will take time of hacking. Just stay still there for five minutes."

[What? Kurd ang lamig dito! Ikaw kaya nasa ibabaw ng tubig sa ilalim ng gabi!] Golib complaints. Naririnig ang boses nila sa maliit na speaker sa tabi ng mic.

[Aakyat na kami Kurd. Mag-iingat lang kami,] boses iyon ni Lolo Le.

Napailing si Kurd. Napaayos ako ng tayo habang nakatingin sa computer. Nandoon ang tila skeleton blueprint ng buong cruise ship. Ang astig lang tingnan. 

"Maybe I insist that Em should wear that wireless earphone, too. Hindi natin alam ang situation nung dalawa. I just wonder." Kalmadong sabi nito at nag-aalala.

Dahil nakaupo siya at nakatayo ako, mukha akong matangkad. Pero kamalas-malasan dahil parehong bansot ang mama at papa ko. 160 cm ang height ko at si Kurd kapag tumayo medyo matangkad sa akin ng mga dalawa hanggang apat na sentimetro. Maputi ang balat niya at halatang kutis may pera. Kumpara sa balat ko na laging babad sa baho at dumi ng mga sasakyan na kinukumpuna. Panglalaki ang gupit ng buhok niya na may kahabaan hanggang sa gitna ng batok at kulay brown ito na straight na nagdagdag sa kaastigan niya. May matangos na ilong at medyo singkit na mga mata. Kulay pula ang lipstick niya na bumagay sa kulay ng balat niya. Nakasuot siya ng gray na fitted blouse na pinatungan ng black na vest at short na maong hanggang itaas ng tuhod. Nakaboots ito ng itim na may takong. At para siyang older version ni Jai sa paningin ko. Pero mas maganda siya kay Jai.

Napalunok ako ng tingalain niya ako. Napaiwas ako ng tingin.

"Hindi mo ko narinig nuh?" Panghuhuli nito.

"M-may sinabi ka?" Nahihiya kong tanong.

"Hmhahah! Huwag mo na ngang pansinin. Pwede paabot na lang softdrink sa ref?" 

"Ah sure. Sure. Kunin ko lang." Natataranta akong lumapit sa maliit na ref at kumuha ng in canned soft drinks, isa para sa akin at isa rin para sa kanya. Bumalik ako at inabot iyon sa kanya.

When I am With Miss Clumsy (Season One) ✔Where stories live. Discover now