Action 62! %>_<%

12 2 0
                                    


Phonecall

Em's POV ~°•°

Ang mga sibilyan na kanina ay sinulyapan ko lang ngayon ay nasa harap namin at nagtataka. Matapos magtanong ni Art ay naagaw naman ng mga ito ang atensyon namin ng magtanong din ito ng parehong tanong.

Nasa harap namin ang dalawang babae at isang lalaki. Ang nauunang babae na nasa tapat ng matanda ay nasa edad 24-28, samantalang ang isa pang babae na maliit na ay nasa edad 18-21, at ang lalaki nilang kasama ay nasa edad 27-30 kung tatansiyahin.

Ang babaeng nagtanong ay may mahabang buhok na nakalugay hanggang beywang. She looks distress and matured. Ang lalaki naman ay mas matangkad sa kanilang tatlo. He looks not that old. At ang isa pang babae na katabi ng lalaki ay maliit, na halos kasingliit ni Clumsy. She looks... Street smart and boastful. Pare-pareho silang kayumanggi.

At silang tatlo ay nagtatakang nakatingin sa amin.

"Who are you?" tanong ko saka sila isa-isang tiningnan.

"Kayo ang sino!? Bakit narinig kong pinag-uusapan niyo si Earth? Kilala niyo ba 'yong lalaking si Art? Kaibigan siya ni Em at ni Earth at siya ang nagturo sa amin dito. 'Yong Lolo Le na nakausap ko? Ikaw ba 'yon?" tinuro niya ang matanda sa harap ko, "Sino-sino ba kayo? A-at 'yong Em, 'yong laging kasama ni Earth? Kilala niyo ba 'yon? Bakit niyo pinag-uusapan si Earth at anong pinagsasabi ninyong nawawala? Sino kayo?" Nag-aalalang tanong ulit ng babae.

"I said who the hell are you? Stop minding our business." Inis kong sabi.

Tiningnan ako ng matanda na tila inuutusang manahimik, "Ako si Leonico, ang lolo Le ni Earth." At binalingan ang mga bagong dating.

Napatingin kami sa maliit na babae na galit na dumukot ng cellphone sa bulsa ng jeans niya saka may pinindot doon at lumapit sa akin. Mariin niyang nilapit sa mukha ko ang cellphone. Bumungad sa screen ang isang message kung saan nandoon ang lokasyon ng bahay na kinaroroonan namin, mensahe iyon mula sa nangangalang Art. Sumama ang tingin ko sa pangalan na nasa itaas ng screen ng cellphone.

At unti-unti kong tiningnan si Art na biglang natakot. Matapos ay nagtataka niyang tiningnan ang tatlong bagong dating. Nagtinginan lahat kay Art.

"We are not 'the hell' mister. Kung ikaw si Lolo Le, edi nasa tamang bahay kami." Tinuro niya ang matanda habang mataray na nakatingin sa akin. Hinawakan siya ng lalaking kasama at pinatabi sa kanila.

"Ako po si Gigs, siya po si Ma'am Glen," tinapik ng lalaki ang balikat ng babaeng puno ng pag-aalala. "At ito po si Jai, mga kaibigan kami ni Earth." At inakbayan niya ang maangas na maliit na babae.

"A-ako si Art." Nahihiyang tumingin sa akin si Art matapos magpakilala. Tiningnan siya ng tatlo.

Bumuwelo sa pagsalita ang matanda, "Kung ganoon mga kakilala kayo ni Earth?"

"Mga mas naunang kaibigan." Mataray na sabi ng maliit na babae, pinigilan na siyang magsalita ng isa pang babae at binalingan ang matanda.

"Nasaan si Earth? Ano 'yong sinabi niyo kanina na nawawala siya?" Nag-aalalang sabi nito kay Art at sa matanda. Kung mag-alala siya para siyang magulang o guardian ng babae.

"O-oo iha, nawawala si Earth—"

"Damn it. Will you stop, old man! We didn't have more information about these people. Stop giving information to them!"

"Sino ba 'tong hindi makaintindi na to?" ani ng maangas na maliit na babae. Napabuntong hininga ako.

"Pwede ba umalis na kayo." Tiningnan ko rin si Art.

When I am With Miss Clumsy (Season One) ✔Where stories live. Discover now