Action 7 ! (¯~~¯٥)

43 2 2
                                    










Getting Started



Earth's POV ~°•°

"...'Yong papel sa bag ko na may M na pangalan... 'Yong dalawang nakaitim na nanghahabol sa akin last month... 'Yong anim na nagtatakbuhan at nakaitim din tatlong na nakaraan... At 'yong mga nakaitim sa loob ng van kaninang tanghali na mukhang mga masasamang tao. Aaarrggh! Ang sakit sa ulo! Dagdag pa 'yong lalaking binato ako ng bato at tinawag na M. Haisyt! Paulit-ulit kong naiimagine ang mukha niya! Bakit?! May ibigsabihin din ba 'to sa science na absent ako kaya hindi ko alam? O dikaya---."

"Present ka at nakikinig sa subject teacher mo pero sad'yang hindi mo naintindihan." Sabay straight ng bunganga na sabi ni Jairyll ng lingunin ko siya. Matapos ko siyang sulyapan ay umupo ako sa upuan malapit sa akin at sinandal sa lamesa ang mop na hawak ko. Wala namang tao sa table na 'to kaya ayos lang. Umupo naman si Jairyll sa tapat na upuan.

Tiningnan ko siya na nakatingin din sa akin. Nakapatong sa lamesa ang dalawa niyang kamay, nakatshirt siya at nakajeans na pinatungan ng puting apron na may logo ng coffee shop namin. Nakahairnet din siya at ang simple ng make-up niya.

"Anong nangyari?" Tanong niya dahilan para mapaisip nanaman ako tungkol sa pinagsasabi ko kanina.

"Ayon... Itlog na bugok." Matamlay kong sagot.

"Ha? Anong itlog na bugok?"

"Ako. Itlog na bugok. Hindi ko na alam kung anong pinag-iisip ko. Basag na basag na utak ko eh." Malungkot kong sabi.

"May nababasag pa ba d'yan?"

"Ano?"

"Ang ibig kong sabihin... Amoy basag na itlog sa kitchen kaya ako lumabas."

"Ganoon? Baka pagalitan ka ni Ma'am Glen, siya pa naman 'yong temporary manager na pinalit ni Ulan. Dumadami na rin ulit yung mga costumer oh." Tumayo ako at kinuha ko ulit ang mop saka naglinis sa gilid ng mesa.

"Ayos lang 'yon. Coffee serving naman ako incharge at andoon naman sila kuya Migs at Herald. Kaya na nila 'yon. Ikaw... Bakit ka nga pala late?" Sabay tanong niya.

"Ah. May sugat kasi ako. Kaya medyo tinamad akong pumasok. Medyo lang naman kasi. Talagang medyo lang."

"Talaga? Eh kung hindi nga ata tumawag si ma'am Glen siguro wala ka rito ngayon."

"Tinatamad talaga ako." Bagsak ko sa katotohanan sabay kamot sa ulo.

"Ayon. Oh eh change topic na nga. Kaya kita nilapitan kasi nagsasalita ka nanaman mag-isa. Ano ba 'yong mga pinagsasabi mo kanina? Nagkakabisado ka ba ng jokes?"

"Wala. Mukha ba akong natatawa sa mga pinagsasabi ko? Eh mangiyak-ngiyak na nga ako kakaisip dito eh. Saka hindi ako ganoon magkabisa ng jokes. Tumatawa ako mag-isa kapag nagkakabisa ako."

"Eh? Mukha ngang walang joke sa mga pinagsasabi mo. Pero... Ano bang problema? May problema ka ba?"

"Ayt hahaha nag-aalala siya sa akin hahaha! Crush mo nanaman ba ako Jairyll? Naku naku ang cute mo pa naman ngayon. Nagpapaganda ka sa akin ah hahah!"

"Cute? Hindi nuh. Baliw mo. Concern lang ako sayo. Saka pwede ba kahit napakarami ng pinggan at mga baso ang nababasag mo rito gusto ka parin naming maging kaibigan. Kaibigan lang. Kaso 'yon nga lang 'yong pinsan mo, ayaw kang ipakausap sa amin."

"Ayst. Hayaan niyo si Ulan. Ang dami no'ng pinagbabawal sa akin. Pero kahit ganoon 'yon naiintindihan ko naman siya. Siguro kaya ayaw niyang ipakausap ako sa inyo kasi baka mahawa kayo sa kagaslawan ko at makabasag na din kayo ng mga pinggan. 'Yon pa naman ayaw na ayaw na puro basag ang mga binibili niya. 'Yon nga siguro, bukod doon wala na akong maisip na dahilan. Pero ayos lang 'yon. Saka wala naman siya ngayon kaya mag-uusap tayo hangga't gusto natin."

When I am With Miss Clumsy (Season One) ✔Where stories live. Discover now