Action 67! >,<

15 1 0
                                    

Panganay

Lolo Le's POV ~°•°

Mabilis ang ginawang pag-ilag ni Em sa ginawang pagsugod ni Ten. Dumaosdos si Ten at nakatiempo si Em na tingnan si Art.

"Leave the place." Mabilis niyang utos. Tumayo agad ng maayos si Ten saka naghanda si Em at binato ang cellphone na hawak.

Lumabas sila Art at sa tabi ko dumaan. Nakatingin lang ako kay Em na sinugod ng suntok ni Ten, pero hinawakan niya ang kamao ng kalaban saka siniko at tinulak. Humakbang ako para sana lumapit at samahan si Em. Pero natigilan ako ng magsalita siya.

"This is my battle. Just make the girl safe, old man," utos niya ng hindi ako nililingon at unti-unting inaangat ang kamao para sa pagsugod.

Napatingin ako kanila Art na napatigil sa paglalakad ng tutukan ng baril ng babae at lalaking kasama ni Ten. Sinulyapan ko pa si Em saka nagdesisyong ibagsak pababa ang gate at lumabas.

Agad na napatingin sa akin ang babae. Mabilis niyang pinihit paharap sa akin ang hawak na baril, pero alerto akong tinutok din sa kanya ang baril na nasa belt ko. Dahan-dahan ang galaw ko habang palapit kay Art, para icover sila. Nang makarating ako sa puwesto, ngumiti ang babae.

"One wrong move mister... Gestoso." Maangas na sabi ng babae. Nawala ako sa focus ng banggitin niya ang apelyido ko. Kilala niya ako? Ganito ba talaga katinik ang organisasyon nila pagdating sa mga impormasyon?

Mukhang ang babaeng ito ang right hand ni Ten. Gusto ko na sana siyang maliitin, pero hindi. Naaalala ko sa kanya ang anak ko, si Vantrin. Na kahit babae, hindi mo pwedeng banggain at basta labanan.

Lumuwang ang pagkakahawak ko sa baril.

Nasa likod ang dalawa kong kamay habang naglalakad sa garden ng mansyon. Habang patungo sa gitna nito, kung saan naroon ang shooting range. At mula roon rinig ang walang patawad na pagkalabit ng gatilyo at pagputok ng baril. Mula sa tunog ay malalaman mong galit na galit ang kumakalabit ng gatilyo.

Tumigil ako pagdating sa bukana ng shooting range. Sa gilid ko ay may iba't-ibang uri ng halaman at mga bulaklak. Sa harap ay ang malawak na lugar kung saan may mga nakatayong bote ng wine sa 'di kalayuan, may mahabang mesa kung saan nakalagay ang iba't-ibang uri ng baril, maliit man o malaki. At nandoon si Vantrin, walang kahit anong suot na safety gear habang hawak ang CZ-75 na baril, inuubos ang bala nito kahit natumba na lahat ng bote na tatamaan niya.

Sinubukan niya pang bumaril pero ubos na ang lamang bala ng hawak, padabog niyang hinampas ang mesa kasabay ng pagbaba ng baril. Napayuko ako saka hinawakan ang bulaklak na malapit sa akin.

Paborito ni Vantrin ang mga bulaklak. Ang palibot ng mansyon ay puno nito, mula sa dinaanan ko kanina, itong shooting range lang ang pagitan at panibagong hardin nanaman na puno ng iba't-ibang uri ng halaman at bulaklak, mga galing ibang bansa, at meron ding dito lang sa Pilipinas. Naramdaman ko ang tingi'ng pinukaw ng anak ko sa akin.

"Nagsasayang ka ng mga bala sa maling patatamaan," sabi ko saka siya nilingon at tama nga akong nakatingin na siya sa akin.

Malalim ang buntong hininga na binitawan niya saka umiwas ng tingin. Bumaba ang tingin niya sa kanyang malaking tiyan at hinawakan ang ibabang bahagi nito. Muli akong nagsalita, "Kabuwanan mo na, one of these days manganganak ka na."

Naglakad ako palapit sa kanya ng nasa likod parin ang dalawang kamay. Kumalma ang kanina niyang nangangalit na hitsura.

"At kahit ganoon, hindi parin nila ako tinitigilan. Hindi niya kami tinitigilan, Papa. Dapat alam niyang kabuwanan ko na, pero anong ginagawa niya? Ngayon sugatan ang asawa ko dahil sa kanya. Imbes na siya ang nagtatanggol sa akin at ginagampanan ang pagiging ama niya. Pero hindi eh, gusto niyang patayin si Troy at gusto niya akong saktan!" Hindi nawala ang galit sa tono ng pananalita niya. Napahawak siya sa mesa at mas lumapit ako sa kanya.

When I am With Miss Clumsy (Season One) ✔Where stories live. Discover now