Action 100! [︶~︶]

27 1 0
                                    

Two days

Manila, Philippines
5:12 pm December, 24

Mister Delvalde's POV ~°•°

"Namamasko po!" sigaw ng gusgusing bata na kumakatok sa salamin ng taxi na kinaroroonan ko.

Sa sandaling pagtigil ng mga sasakyan, kanya-kanya ang mga bata sa pagtakbo at paglapit sa mga ito. Pagkatok sa mga puso ng mga pasahero at nagmamaneho. Nagbabakasakaling ang isa o dalawa o higit pa sa mga taong nasa kalsada ay mahandugan sila ng kahit anong aginaldo.

"Sir, sorry po. Ganyan talaga rito sa Pilipinas. Huwag niyo na lang po pansinin sir," ani ng taxi driver sa pag-aakalang hindi Pilipinas ang lupa kong kinagisnan.

"Pakibaba ng salamin," utos ko sa kanya at nagtataka siyang sumunod sa akin.

Bumungad ang madungis na batang lalaki sa harap ko. Pinasok niya ang kamay sa loob saka nakangiting nagsalita, "Namamasko po, Lolo!"

'Lolo nga. Sabi ko, lolo ako. Walangyang bata to, wala pa naman akong apo. Jusko ang nag-iisa kong anak na babae hindi ko kakayanin kapag nagkaanak na.'

Umasim ang mukha ko at mabilis na kumuha ng isang balot ng mga pagkain sa loob ng bag. May tinapay at palaman sa plastic na inabot ko sa kanya.

Hindi siya umangal at ngumiti, "Salamat po! Maligayang pasko!"

Tatakbo na sana siya ng pigilan ko, "Sandali, apo."

'Sige karerin na natin ang pagiging Lolo.'

"Pwede ba kitang pagkatiwalaan?" tanong ko sa kanya.

Agad siyang tumango, "Opo. Saan po?"

"Sir, huwag po kayong agad maniniwala sa mga batang pagala-gala rito sa Manila," sekond demosyon ng taxi driver.

'Demonyong taxi driver to.'

Nalungkot ang hitsura ng bata ng marinig ang sinabi ng driver. Tiningnan niya ako, "Huwag na lang daw po."

"Wala na! Nasabi mo na, na pwede kitang pagkatiwalaan. Oh heto," nakangiti kong sabi saka kinuha ang natitirang tatlong balot ng mga tinapay sa bag. Nagulat pareho ang bata at driver sa laman ng bag ko. Inabot ko iyon sa bata, "Bigyan mo mga kaibigan mo. At ito pa," inabutan ko siya ng limang daan, "Kain kayo ng spaghetti ha! Damihan mo ng hotdog. Maligayang pasko! Sige-sige na tabi ka na. Umaandar na ang mga sasakyan."

Dahan-dahang umiyak ang bata habang hawak ang mga binigay ko, "Salamat, Lolo. Magdasal din po kayo Lolo. Kasi kanina pinagdasal kong makabili ng spaghetti. Tapos po, tinupad ni Papa God. Mali si Papa, sabi niya hindi totoo si Papa God." Natigil ang bata at napatingin sa mga umaandar na nasasakyan.

"Sige sige na! Tabi ka na!" Nag-aalala kong sigaw.

"Maligayang pasko po!" sigaw niya habang tumatakbo paalis.

Tiningnan ko ang driver ng isara na niya ang bintana at paandarin ang taxi. Nakayuko siya at umiiwas ng tingin sa akin.

"Hatid mo ko sa Quiapo," ani ko rito na biglang nagtaka at tumingin na sa akin. Naluluha pala kasi ang mata niya.

"P-po? Sir? Naku mahirap po sa Quiapo ngayon at hapon na. Maraming tao na nagrurush sa pamimili, lalo pa at Christmas eve na mamaya." Pagpapaalam niya sa akin.

"Pero ihatid mo 'ko roon. Huwag kang mag-alala, mukha lang akong matanda at hindi tagarito pero kaya kong magbaybayin at magsalita ng malalim na tagalog. Sample gusto mo?"

"H-hindi na ho. Sige po. Sa Quiapo tayo, Sir." Nahihiya siyang ngumiti at tumingin na sa daan.

Nginitian ko siya saka ako sumilip sa labas ng bintana. Nagsisimula ng lumubog  ang araw. Marami-rami pa ang mga tao sa labas, at natraffic pa nga ako kanina. Pilipinas, walang pagbabago, heto parin.

When I am With Miss Clumsy (Season One) ✔حيث تعيش القصص. اكتشف الآن