Action 52! -_-!

16 2 0
                                    


Nickname

Em's POV ~°•°

Kunot-noo akong napamulat ng makarinig ng hindi kaaya-ayang tunog at makaramdam ng nakadagan sa akin.

Pagdilat ng mga mata ko napataas ako ng kanang kamay at bahagyang umangat ang ulo ko. Nakatagilid parin ako paharap sa babae na nakatulugan ko ang posisyon. Samantalang ang babae naman yakap ako habang ang ulo nasa tapat ng dibdib ko at nakatingala sa akin habang humihilik. Malakas na paghilik.

'Ang aga-aga. Badtrip.'

Pumikit ako ng mariin saka nilapat ang kanang palad sa mukha ng babaeng nakanganga'ng humihilik. At nang magmulat ay puwersiyahan ko siyang tinulak hanggang sa malaglag siya sa kama. Tuluyan akong nakawala sa pagkakayakap niya.

Tinuko ko ang kaliwang siko na nakalaya upang makaangat ng bahagya at makita siya.

Kumalabog siya at iyon ang gumising sa kanya. Nangamot siya sa ulo habang umuupo. Nakapikit padin na tila ba hindi nasaktan. Pinilig niya ang ulo sa kama habang nakaupo sa lapag saka bumulong ng, "Aray."

Tiim-bagang ko siyang tiningnan, "Lazy head."

Tumayo ako sa kama saka hinawakan ang sapin nito kung saan nakapilig ang ulo niya. Malakas ko itong pinagpag at mabilis pa sa alaskuwatro niyang inangat ang ulo at nanlaki ang mga matang papikit-pikit habang nakanguso.

Nilapit ko ng kaunti ang ulo at tiningnan siya, "Hoy babae. Gising."

Napapikit-pikit siya at tuluyan ko ng iniwan saka ako pumasok ng CR.

'Bangag, simpleton.'

Ilang minuto ang lumipas at lumabas na ako ng CR, basa ang buhok at nakatapis ng tuwalya ang ibabang bahagi ng katawan. Wala na ang babae at bukas ang pintuan ng kwarto habang magulo parin ang kama.

"Kababaeng tao hindi marunong mag-ayos." Sinara ko ang pintuan at inayos ang kama. Hindi pa ako nagbibihis ng makita ko sa sofa ang bag kong dala mula pa sa hotel.

Umupo ako saka binuksan iyon at hinanap ang listahan ng gangs. Nilagyan ko ng ekis ang pangalan ng Mungi Organization.

"Dalawa na. Mayroon pang labing-isa." Tiningnan ko ang iba pang laman ng bag at nakita ko ang wallet na may lamang isang libo, halos maubos ko kahapon ang pera sa kakakain at pagpapainggit sa babae.

'Tapos napahamak lang siya... '

Umiling ako. "No one cares."

Trabaho ko siya. 'Yon lang. Inisip ko ng maigi to kagabi. At kailangan kong panindigan ang napagdesisyunan, na ipokus ang sarili sa nais na gawin. Ang harapin ang gang world.

Napangiti ako ng makita ang ATM card ko, 'Sahod pala ngayon.'

Umiiling ko itong binalik at sinara ang wallet. Mamaya nalang ako magwiwidraw. Hindi pumapalya ang Mister Delvalde sa pagbibigay ng sahod ko. Kahit ako ay pumalya na sa pagsunod sa utos niya. Pero hindi niya naman malalamang nasugatan ang babae. Walang magsusumbong.

Tiningnan ko ang sumunod sa listahan.

'Sunder Organization. Wala ring ibubuga to. Tss.'

Sinara ko na ang bag at tinabi. Saka ako kumuha ng damit sa cabinet. Napansin kong uulitin ko nanaman ang damit. Napabuntong-hininga ako at naisipang bumili ng bago.

Napatingin ko sa nakatiklop na blouse sa gilid. 'Yong tshirt niyang pangsoccer ang suot niya. Naisipan ko tuloy siyang bilhan din. Bahala na nga.

Matapos ay bumaba ako at dere-deretsong lumabas ng bahay. Narinig ko pa sila ng matanda na nagtatawanan tungkol kuno sa panaginip ng babae.

When I am With Miss Clumsy (Season One) ✔Donde viven las historias. Descúbrelo ahora