Action 29! (≧∇≦)b

14 1 0
                                    



Rotating the mood.

Em's POV ~°•°

Naunang naglakad ang matanda at sumunod ako. Wala ng nangyaring pag-uusap hanggang sa makarating kami sa kusina.

Natigil sa pagpasok ang matanda at nakatayo sa pinto habang may tinititigan. Nang makalapit ako ay nakita ko ang babae... Sarap na sarap siya, sa kinakaing manok. Tsk. Nagkakamay pa. She is so disgusting.

"Aah... Hmm... Hmmm aahmm..."

Natulala ang babae ng makita kami. Natigil siya sa pagkain habang ang manok ay naiwan sa bibig niya.

Ngumiti siya at binaba ang manok na nasa bunganga, "Hehehe! Tara. Kain na po tayo," sabi niya saka nagmamadaling naghanap ng plato malapit sa lababo.

"Ah iha ako na sige na upo na," ani ng matandang nasa gilid ko saka pumunta sa babae at tinulungang kumuha ng plato. Tsk. Pakitang-tao. Masamang tao naman.

I admit thinking this, na masama siyang tao, kahit pa kamag-anak ko siya. Miyembro siya ng gang. At higit sa lahat masama siya dahil hindi niya pinaninindgan ang pagiging miyembro ng isang pamilya.

Biglang nanlaki ang mga mata ng babae habang nakatingin sa matanda. Bahagya akong nagulat habang naglalakad na palapit sa upuan ng mesa kahit ayokong makasama sila sa pagkain.

"L-lo! Lolo Le! Nagdudugo po ang gilid ng labi niyo! Saan po kayo nadapa? Nasubsob po ba kayo? Naku! Lolo matanda na po kayo dapat nag-iingat kayo!" Nagulat ako sa babae ng nag-aalala niyang pinagsabihan ang matanda. Ang sarili niya sana napagsasabihan niya rin.

"Ah naku huwag mong pansinin. Hindi ko alam iha kung magagalit ba ako. Salamat sa pagsabing matanda na ako pero hindi ako nadapa at kaya kong mag-ingat. Salamat sa concern iha, ayos lang ako," tugon ng matanda at pag-upo ko sa upuan ay bumalik na rin ang matanda sa upuan niya at nilapag ang plato sa harap ko.

Nagtaka ang babae pag-alis ng matanda sa harap niya. Mukhang may iniisip na kung ano. Tumawa siya at... Mukhang kalokohan nanaman ang iniisip.

"Kain na nga lang uli ako." Rinig kong sabi niya ng tingnan ko ang pagkain sa harap.

Maya-maya ay nakaupo na rin siya sa harap ko at... Nginingitian ako. Crazy.

"Masarap 'yang chicken, kuya," she said happily.

'Obvious naman. Kailangan niya pang sabihin, nakita ko naman siya kanina.'

"Yah I saw a while ago," sagot ko. Nginitian niya pa ako saka kumagat sa manok niya.

She is really crazy. Hindi niya ba ako narinig? I am sarcastic. Tapos ngumiti pa siya. Tsk, baliw.

Kumuha ako ng isang sandok ng kanin. I use fork to get the fried chicken. Then I saw the girl, she stop from eating.

Nakalunok ba siya ng buto?

Tinitigan ko siya matapos maglagay ng manok sa plato. Nagtataka na ako ng bigla itong ngumiti at sumandok ng kanin.

Masama kong umiwas ng tingin sa kanya. Psh. Bakit ba ako nag-aalala sa baliw na 'to.

"Oh hala sige iha, kain lang."

"Ah hehe salamat po. Sige kakain pa po ako," sagot niya at masayang kumain, tiningnan ko ang kamay niya.

'Why didn't she use those utensils around her plate? Ano? Hindi ba siya marunong gumamit? There are all what she needs, the spoon, fork, knife for chicken. Ano bang trip nito? Hindi naman siya taong pulubi na pinulot ko lang. Or taga squatter area at walang pambili ng kutsara. Haisyt. Ayokong magtanong.'

When I am With Miss Clumsy (Season One) ✔Where stories live. Discover now