Action 85! -_-#

20 2 0
                                    

War 5.6

Em's POV ~°•°

Ilang minuto na ang nakalipas ng matigil ang cruise ship na may kalayuan sa port. Everyone is casual. Eating. Waiter serving foods and each of them are doing what they want. 

But the strange thing is... That familiar waiter didn't come back for our foods. Fine, we didn't ordered anything but... What I am thinking is, what happen to that waiter now. 

Umalis si Red, ang right hand ng Blood Organization ni Buer. Si Xan na right hand ni Shax sa Xanadu ay hindi nawawala ang ngiti sa amin. Nakaupo siya sa gilid ng stage at parang hari ng empyerno ang presensiya at hitsura. I knew them. Everyone of them. Lahat ng andito ay pinagsamang Blood at Xanadu organization. As I guess, mahigit 50 na mga gang members ang nandito. At lahat sila gustong-gusto ko ng patayin. 

"... Nagets mo kuya Pating?" Nakangising tanong ni Clumsy sa akin. 

"What?" tanong ko na ikinabagsak ng balikat niya.

"Ang dami ko ng sinabi eh." Mangiyak-ngiyak niyang pag-amin. "Saan ka ba nakatingin? Nagsasalita ako eh. Ulitin ko sayo ha. Sabi ko—"

Tinakpan ko ang bunganga niya. Inalis niya ang kamay ko sa bunganga niya.

"Ako na. Baka mangalay ka," sabi niya saka tinakpan ang bibig. Nalungkot ang hitsura niya.

"Good," usal ko. Buti naintindihan niya ang gusto kong sabihin.

Pinakiramdam ko ang kamay na pinangtakip sa bibig niya.

'Her lips... Are soft.'

Nangalumbaba ako sa mesa at pasimpleng nilagay sa pisnge ang kamay. Mukha akong bored sa posisyon ko. 

'But fuck! I can still feel her lips on my palm. Fuck! Why did I done that!?'

Lumilinga-linga si Clumsy ng saglit kong sulyapan. Takip ang bibig at nililibot ang paningin ng tahimik lang. Naalerto ako ng tanggalin niya ang kamay sa bibig at may ngitian.

Napatingin ako kay Xan na nakatitig kay Clumsy. Ngumiti si Clumsy sa kanya. Inalok pa nito si Clumsy ng alak na hawak niya. Nakangising umiling si Clumsy. 

Binalik ko ang kamay sa likod ng upuan ni Clumsy. But this time hindi ko na lang sa upuan nilagay ang kamay. Inikot ko iyon sa ulo ni Clumsy at tinakpan ang mga mata niya.

Napatingin sa akin si Xan. I smirked and face him my pinky finger. It's a sign of distate towards people in China. Or their kind of middle finger. 

Umasim ang mukha niya at napaiwas ng tingin.

"Kuya Pating bawal pang tanggalin ang piring?" Biglang nagsalita si Clumsy. 

Maingat kong nilingon ang mukha niya papunta sa gawi ko at sumunod siya.

"Kuya Pating? Anong meron?"

Tinanggal ko ang kamay ko. At mukha ko ang bumungad sa kanya. 

"Sa akin ka lang tumingin," utos ko sa kanya.

At dahil siya si Clumsy, "Halaaa pagkain na natin 'yon!" sigaw niya habang tinuturo ang silver cart na may tatlong chafers. Doon siya nakatingin.

Humalukipkip ako at sumandal sa upuan. Tinitigan ko ang cart na papalapit sa akin.

Pumapalakpak si Clumsy na excited sa pagkain. Sa likod ng lalaking tumutulak sa cart ay si Red. Hindi na iyon ang familiar na waiter kanina  na kumuha ng order namin. At sa pagkakaalam ko, isang Blood member ang lalaking ito na nagbihis ng uniform ng mga waiter.

When I am With Miss Clumsy (Season One) ✔Where stories live. Discover now