Action 6! \(^o^)/

47 5 0
                                    










Competition is His Desicion


Earth's POV ~°•°

"Bssshhh. Bssshhh. Ang sakit padin. Bssshh." Hinihipan ko ang sugat na mahapdi. Tatlong araw na 'to pero hindi parin naghihilom ang sugat. Masarap kasi tiklupin eh.

Sinabihan ako ni Ulan na lagyan ko raw ng band aid. Kaya bumili ako sa tindahan at ito lalagyan ko na. Hindi ko naisip to no'ng una eh. Ang ginawa ko lang hinugasan ko at sinabunan ko no'ng humilom siya tinuklap ko, tapos sumakit kaya tinawagan ko na si Ulan at matapos akong sermunan sinabihan akong bumili ng band aid para hindi ko na tiklupin ang sugat. Yung band aid na lang.

Biglang nagring ang lumang selpon ko at sinagot ko ito agad.

"Hello? Sino po sila? Paano niyo po nalaman bago kong number? Kilala niyo po ba ako? Taga-saan po kayo banda? Ano pong apelyi---."

[Nasaan ka? Kanina pa nag-end ang school hours mo ha. Bakit wala ka rito sa coffee shop?]

"Ay Maam Glen. Oo nga po pala. Sorry po maam. Malalate po ako maam ha. Sorry po."

[Malalate ka? Late ka na nga! Talaga 'tong bata na 'to. Anong oras ka pupunta dito? Ang daming costumer.]

"Talaga po? Hala. Sige po papunta na ako. Pupunta na po ko ma'am. Mga ahm mga 15 minutes ay hindi 20 minutes po and'yan na ako ay mga 10 minutes ata. Ay mga twenty--."

[Simulan mo na ang maglakad,] utos ng nasa kabilang linya.

"Ngayon na? Talaga? Saglit lang po ma'am. Kasi--- "

[Anong saglit? Half-day ka na nga lang kinalahati mo pa yung half-day na shift mo. Pwede bilisan mo na lang? Kasi dumarami pa ang mga costumer.]

"Half-day? Alam mo po kung ano yung half-day maam Glen?"

[Ha?! Ay naku! Bilisan mo na Jexy.]

"Ma'am 'yon po yung nararamdam pagnagkaroon ng sugat ang isang tao. Parang ako po ngayon ma'am..." napatingin ako sa sugat ko. "Masakit po yung sugat ko maam, ma-half-day po."

Walang sumagot sa kabilang linya.

"Hello? Ma'am Glen."

[WAHAHAHAHAH! TAMA! GALING MO EARTH! HAHAHAHAH!] Biglang nagtawanan ang MGA nasa kabilang linya. Narinig ko rin ang boses este tawa ni ma'am Glen. Lahat ng mga tao sa kitchen ng coffee shop... Narinig ang joke ko hehehe!

"Hahahah! Ma'am Glen. Maglalakad na po ako!"

[Ewan ko sayo. Bilisan mo na.] Natatawang sabi ni ma'am Glen at pinatay na ang selpon niya.

"Eh sa totoo naman eh. Mahapdi kaya talaga. Ang sakit-sakit. Pero... Seryoso na ako. Ano kayang gagawin ko sa lalaking 'yon pagnagkita kami ulit? Batuhin ko rin kaya siya. Psh. Ewan. Wala akong pake sa kanya kahit sino pa siya. Basta ako... Tatawanan ko lang siya hahahah! Hindi niya ako mapapatay ng ganoon-ganoon na lang. Ha!" Napangiti ako sa mga linyang binitawan ko.

'Ang astig ko. Hihihi!'





(Austere)Den's POV ~°•°

Kasalukuyan kaming nasa loob ng puting van at naka-park apat na bahay ang layo mula sa bahay ni Miss Delvalde.

"Siya ba?" Tanong ng katabi ko paglabas ng isang babae mula sa bahay nito. Tumango ako.

Lima kaming nasa loob ng van. Ako ang nasa driver's seat. At isa ako sa Six Aust. Lahat ng kasama ko rito ay Austeres. Walang ibang organization ang sumama dahil nagkaroon ng problema sa head quarters ng gang organization dahil sa huling laban ng Fiavaza's Paragon.

When I am With Miss Clumsy (Season One) ✔Where stories live. Discover now