Action 59! (๑^ں^๑)

12 1 0
                                    

Paper Bags

Art's POV ~°•°

Nilapitan ako ng kaibigan kong pulis at tinapik ang balikat ko, "Salamat sa pagtawag. Kung hindi dahil sayo, hindi namin sila mahuhuli. Iimbestigahan namin ang buong pangyayari. At hahanapin ang 'di umano'ng babae na sinakay nila sa puting van ayon sa ilang saksi. Walang nakitang bangkay ng babae sa loob, pero ang nagpaputok sa parke ay nahuli, ayon sa statement mo at ng ibang saksi. Nakumpirmang iyon nga ang nagpaputok."

"A-ah, b-buhay pa ba ang lalaki?" tanong ko habang nakatingin sa sasakyan ng ambulansiya sa likod ng sasakyan ng mga pulis na nakaparada.

Tumango ang kausap ko, "Oo. Sa kabila ng dalawang tama ng bala at ilang bali na buto nito ayon sa mga tumingin sa kanyang nurse at doctor ay buhay pa ito."

"A-ah ang iba pang tao sa loob?" Turo ko sa likod ng gate na tambakan ng mga kagamitan para sa ipapatayong gusali at ipapalit sa kalsada.

"Maraming kritikal ang kalagay sa mga nasa loob. Pero sa may kalsada, mas marami ang sugatan lang." Sinabi ko rin sa kanila na ang nasa malayong bangkay ang nagpaputok sa park, at dahil sa ilang sibilyan na sumunod sa mga pulis, paglabas ng panghuling lalaking nakumpirma iyon. 

"S-sige salamat din." Tumango siya saka umalis sa harap ko. Bumalik siya sa pagsasaayos ng lugar.

Mabilis akong pumasok sa loob ng kotse. At ng mapansin ang nag-aalisang mga sibilyan ay sumunod na ako sa mga ito.

Habang nagmamaneho pabalik sa subdivision paulit-ulit kong naaalala ang mga sinabi ni Em kanina. Hapon na, ngayong pauwi ako hindi sa shop ko na nagsisilbing bahay ko, kung 'di sa bahay ng Lola ko doon sa subdivision na mayroong Park. Naihatid na siya ng kaibigan kong Pulis, kaya ligtas siya. At dapat kumakalma na ako ngayon... Pero hindi nakikisama ang isip ko.

'I am 19.' 

"Nineteen years old lang siya." Mangha kong bulalas.

'P-paano niya nagawa ang mga bagay na 'yon? Eksperto siya sa pagmamaneho at determinadong matalo ang mga lalaking kumuha kay Earth. Sa edad niyang 'yon saan siya kumukuha ng lakas ng loob? Kay Earth ba? Pero sino si Earth? At bakit siya kinuha ng mga lalaking 'yon?'

Mabilis kong hininto ang sasakyan ng makarating ako sa parke. Napahilamos ako sa mukha.

Sino ba ang mga taong nakasama ko? Hanggang ngayon, hindi ako makapaniwala. Gusto kong magtanong ng magtanong pero alam kong wala akong makukuhang sagot.

Kilala ko si Earth at Em, pero hindi pa ganoon ka kilala. Ang kabaitan at kakulitan ni Earth ang pinanghahawakan ko, sa kabila ng mga nangyari na dahilan ng pagdududa ko. Dahil kinuha si Earth, na tila ba may ginawa siyang masama. At hindi iyon hinayaan ni Em, na tila galit na galit pa.

Si Em, sa mga kilos niya blangko ang pagkatao niya.  Habang tinitingnan ko siya, naisip kong tila hindi sapat na rason ang kinidnap si Earth para maging ganoon ang kilos ni Em, lalo pa at alam kong wala naman silang relasyon. Kaya bakit? Bakit ganoon kumilos si Em?

Napukpok ko ang manibela saka inis na pinaandar ang sasakyan papasok sa subdivision.

Sobra akong binabagabag ng nangyari. Pero habang naaalala ko ang paraan ng pakikipaglaban bi Em at ang mga huli niyang sinabi, mukhang dapat ay hindi ko na isipin iyon. Tila ba binabalaan niya ako sa mga posibleng mangyari kapag nagkataong magkita ulit kami.  Pero ang mga tanong ko na nais ng kasagutan ay nangingibabaw. 

Tinigil ko ang sasakyan sa tapat ng bahay ni Lola. Bumuntong hininga ako at saka tinanggal ang seatbelt. Doon ko napansin ang bagay na nasa backseat. Napakunot noo ako at maalala ang paper bags na hinagis ni Em sa likod. Pagkatanggal ng seatbelt ay kinuha ko ang mga ito.

When I am With Miss Clumsy (Season One) ✔Where stories live. Discover now