Action 66! ~o~

14 2 0
                                    


"Hello."

Lolo Le's POV ~°•°

"Para siyang bata." Mahinang sabi ni Em saka umiling. Lumuhod siya at hinarap ang bomba.

'Ano kamo? Parang bata? Bakit niya nasabi 'yon? Buhay ang pinag-uusapan dito. Wala iyon kung parang bata ang paraan ng pagpatay. Kung 'di nasa buhay na nakasalalay.'

Kalmado niyang hinawakan ang bagay.

"Kaya mong idefuse 'yan?" Gulat na tanong ni Art.

"Hindi ako miyembro ng bomb disposal team o ng kahit anong agent ng gobyerno," kalmado niyang paliwanag.

"O-oo tama! Tumawag na lang tayo ng FBI!" Suhestiyon ng kanina pang nagpapanic na si Jai.

"Walang tatawag ng kahit sinong under ng gobyerno." Malamig na sabi ni Em. Natahimik si Jai.

"M-may kakilala pa naman sana akong pwede nating tawagan," boluntaryo ni Art. Masama ang pinukaw na tingin ni Em kay Art. Umiwas ng tingin si Art.

Muling tiningnan ni Em ang bomba saka ginalaw. At sinubukan niyang tanggalin ang tape na nagdidikit sa mga parte nito pero kahit dahan-dahan ang ginawa niya ay napailing parin siya dahil sa pagkabigo.

Luminga-linga si Em na tila may hinahanap. Dumukot si Art sa bulsa niya saka naglabas ng kutsilyo. Natatakot niyang inabot iyon kay Em, "Mukhang kailangan mo 'to."

"Saan galing 'yan?" tanong ko kay Art. Kinuha agad 'yon ni Em saka binalingan ang bomba.

"D-doon sa nadaanan namin ni Jai na pinalo ko." May pagturo pa kay Jai na kwento niya.

Hindi na ako sumagot at tiningnan na lang namin si Em. Dahan-dahan ang galaw niya habang iniisa-isa sa pagtanggal ang mga parte ng mga bomba.

Una niyang natanggal ang cellphone na luma na nakadikit dito. Ito ang magtritrigger sa initiator para sumabog at kasabay no'n ang pagsabog ng main explosive. Ang pwede nalang naming gawin sa mga minutong 'to ay magdasal na huwag tawagan ang cellphone hanggang sa hindi ito tuluyang nailalayo mula sa initiator at sa ilang parte, na siyang ginagawa na ni Em. Without even asking, he knows what to do.

Pero kahit ganoon ay hindi parin safe dahil mayroon paring main explosive. Kailangan itong madala sa lugar na hindi marami ang tao. Dahil kahit wala na ang cellphone at initiator, marami paring mga paraan para matrigger ang main explosive. Minuto lang ay malapit ng matapos si Em sa pagtatanggal ng mga parte at pagpuputol ng mga wire.

Tiningnan ko si Art, "Art, pwede ba akong makahiram ng cellphone?" tanong ko kay Art ng maalalang may tatawagan sana siya na makakatulong sa amin. Iniabot naman niya sa akin ang cellphone na dinukot niya sa kabilang bulsa.

Lumabas ako ng kwarto at dinial ko ang number ni Freig. Tatlong ring lang ay sumagot na siya.

[Who is this?] tanong ng kalmadong lalaki sa kabilang linya.

"It is me." Pagpapakilala ko gamit ang boses. Segundo ang lumipas bago niya akong sagutin muli.

[Padrone. Why you are using a new number?] May pag-aalala sa tono niya.

"I am not using my own phone. It is a long story, but now I need your help." Seryoso ang tono ko.

[What's the situation?] tanong niya na tila handa sa ano mang mangyayari. Rinig ang pagkalabit niya sa keyboard, marahil ay nasa harap siya ng sariling computer.

"A bomb. It was already defused. But I know that it is not safe still."

[And you call the right guy, Padrone. Location identified. I'll be there in three minutes.] Agad niyang pinatay ang tawag.

When I am With Miss Clumsy (Season One) ✔Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora