Action 19!Σ(゚Д゚)

18 1 0
                                    









Ako to ih!

Em's POV ~°•°

Nakahalukipkip akong umaakyat sa lumang hagdan ng lumang lugar kung nasaan kami.

Hindi pa ako tuluyang nakakaakyat ay nakatigil na silang lahat na nasa itaas. Sumunod sa akin ang ilang tao sa baba. At nasa likod ko ang babaeng magulo ang buhok na nakaundearwear pero pinaabutan ko na ng tuwalya pambalot sa katawan nito.

Pagdating sa itaas ay humawak ako sa dulong parte ng pasimano ng hagdan. Walang emosyon kong tinitigan ang lalaking may dugo sa braso na kasalukuyang nanginginig at dahan-dahan akong nililingon mula sa paghalik sa leeg ng babaeng halata rin ang pangingnig.

Nang tuluyan na niya akong maharap, kumpleto na ang lahat na nakatingin sa akin. Pati ng babaeng—

'Pasaway.'

Naluluha ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Nanginginig niyang tinulak ang lalaki at nagkandadapa-dapa habang palapit sa akin. Malapit na siya ng kamuntik ng masubsub pero nasalo ko.

"Waaahh! Huhuhu!" Mahina itong napahagulgul habang tinatayo ko. At nang makatayo na siya ay pinunasan niya ang mga luha niya na parang bata.

Saka ko binalingan ang mga lalaking hubad at nagpapaiyak ng mga babae.

"Gangster, Mafia, Austere at Yakuza... Mga miyembro kayo ng mga nabanggit ko hindi ba?" Nilingon ko ang lahat at mula sa hagdan mas marami pa ang nakinig sa akin. "Alam niyo ba na mas maigi kayong mga patapon na kaysa sa mga miyembro ngayon ng mga organisasyon nyo?"

"Anong sabi mo?" tanong ng isang lalaki.

"Sa labas ng bahay na 'to kung saan nagkakaisa kayong lahat... Nagkakasiyahan, nagtatawanan at nakikipagsex sa kung sino-sino... Kabaliktaran ang totoong buhay."

"Ano bang sinasabi mo ha... Em." May angas na tanong ng lalaking may sugat.

"Gusto ko lang sabihin sa inyo na lahat ng mga organisasyon ngayon ay nagpapatayan at handang mamamatay para sa utos ng padrone ng mga Fiavaza." Napasinghap ang iba at nagulat. May mga umatras at pumasok sa mga kwarto. May mga nanginig at halatang kinabahan. Hindi makapaniwala sa narinig.

"Ano?" Takang tanong ng isa.

"Habang kayo ay nagsasaya. Sila naman may misyon na hulihin ako... At ang babaeng kasama ko." Ramdam ko ang tingin ng babae sa akin.

Tumingin din sila sa babae, "Habang pakupas na ng pakupas ang mga tattoo niyo sa katawan at palaos na ng palaos ang inyong mga kakayahan lahat ng pinuno niyo nagkakapera na at lahat kayo rito kinalilimutan. Wala ba kayong balak gawin sa buhay niyo ha!" sigaw ko sa pagka-inis.

"Mag-isip kayo. Huwag ninyong hahayaang ipamukha sa inyo ng mga Padrone niyo na wala na kayong kwenta. Huwag ninyong patunayan sa mga sarili niyo na wala na kayong silbi at patapon na. Wake up bunches of trash, ilagay ninyo ang mga sarili niyo sa tama."

Naglakad ako sa gitna nila. Tinitigan ko ang lalaking may sugat sa braso, "You touched someone I owned, trash. Hindi ako nagpapahawak ng pag-aari ko. Walang ni isa sa inyo ang gagalaw sa babae. Naiintindihan niyo ba ako?" Yumuko ang iba tanda ng pagkaintindi. Ang ibang miyembro rito ay natuto na ring magtagalog sa tagal ng panahon kaya hindi ko na kailangang magsalita ng kahit anong lingguwahe, isa pa mas marami ring mga Austeres ang narito.

Dalawang beses akong umatras bago sila tinalikuran. Hindi ako tumigil sa paglalakad, agad ko lang kinuha ang pulsuhan ng babae at sinama siya sa pagbaba.

When I am With Miss Clumsy (Season One) ✔Where stories live. Discover now