Action 83!(@~@)?

15 2 0
                                    


New ally

Daniel's POV ~°•°

Nadagdagan ang takot na naramdaman ko ng biglang umandar ang cruise ship.

'This can't be happening! Oh man!'

Nasa resto lang ako kanina at nagseserve ng mga pagkain tapos ngayon pakiramdam ko mamamatay na ako. Shit marami pa akong pangarap, man. Sobrang dami, kaya huwag ngayon. Grabe na ang pawis ko at hindi ako makapokus sa trabaho. Waterfalls na ang kamay ko na nakahawak sa mantle ng mesa.

Sino bang hindi kakabahan at matatakot kapag may makita kang mga taong parang mga hayop kung parusahan. 

'Ang pawis ko! Tumatagaktak!'

Hindi ako makapaniwala sa kung ano ang meron sa napakagandang Cruise ship na to. Hindi ko sinasadyang makarinig ng mga pagsigaw kanina ng maihatid namin ang mga pagkain. Bumaba ako sa nakitang hagdanan at sinundan ang sigaw, ah hindi malalakas na daing! 

At nasilip ko ang hindi ko inaasahang makikita. Mayroong dalawang tao sa isang kwarto doon at nakagapos. Pinapaso ang likod nila ng kung ano mang bagay na hawak ng taong hindi ko na nakita. Nakakatakot! Nakakainis tong takot na nararamdamam ko! Ang trabaho ko lang namam ay ngumiti at tumanggap ng mga orders. Yon lang! Hindi ako kailanman nakaranas ng ganitong sitwasyon sa tana ng buhay ko!

Buti nakita ko iyong dalawang bagong waiter. Hindi ko sila kilala at malamang sa alamang ay galing silang ibang branch. Sa kanila ko sinabi ang nakita. At kahit sila... Gusto na ring umalis sa lugar. 

Pero ng tumigil ang cruise ship malayo-layo sa port, naging 10 times ang kaba na naramdaman ko.

"Sorry for the sudden move. We just wanted you all to feel the breeze of the night sky in the middle of the water." Napatingin kaming lahat kay sir Red ang lalaking pinakaoutstanding sa lahat ng lalaking nakared ang necktie. Ito ang nakausap ng manager namin at ang isa pa nitong kaibigan na si sir Xan, na siya namang pinakaoutstanding sa lahat ng kapareho rin ng suot niya.

Sa una normal lang naman lahat. Pero unti-unting nagiging weird ang lahat. At kinakabahan ako sobra. Kalalaking tao nerbyoso ako, ewan ko ba bakit?! Siguro kasi hindi ako sanay sa ganito. 

Tiningnan ko si Earth. Naalala ko ang pangalan ng napakafriendly na babaeng ito. At ninenerbyos din ako para sa kanya.

"Continue the fun!" sigaw ni sir Xan na nasa tabi ni sir Red. Nagpatuloy ang lahat. Naglagay ng mga pagkain ang mga waiter sa mga mesa ng bisita. 

Pero ang utos sa akin ay kunin ko ang gustong kainin ng dalawang taong nasa gitna ng mga mesa. Kaya andito ako. Dapat hindi ako ang nandito pero wala akong magawa dahil busy ang head waiter namin sa branch at ako ang pinadala rito.

"B-bakit gumalaw? Umandar tayo?" Takang tanong ni Earth. Napatingin ko sa kanya na hawak-hawak ng boyfriend niya. Hindi ko na matandaan ang pangalan ng lalaki at sa pagkakatanda ko ay boyfriend niya ito. 

Ang tanong! Bakit sila andito?

Mabilis akong kunyaring nagsulat sa maliit na notebook na hawak ng tingnan ako ni sir Red. 

"Yes, sir. Okay. Copy that," sabi ko habang natataranta. Nagpapanggap na may sinabi na nga sila. Napatingin silang dalawa sa akin at nagtaka.

[Umlis na kyo r2, may tinutorture sa ibba. Kailangan m ng ilgtas ang gf m dhl hnd mgnda ang kutob k sa mga tao r2.] 

Sinulat ko iyon sa papel sa pinakamabilis na kaya ng kamay ko. 

Nanginginig ko itong pinakita sa kanya, "Is this all, sir?"

When I am With Miss Clumsy (Season One) ✔Where stories live. Discover now