Action 43! (・'з'・)

11 1 0
                                    









Stay.Away.


Maecy's POV ~°•°

Nasa biyahe na kami at ihahatid ako ni Em sa bahay. Pero pakiramdam ko hindi pa oras para magkahiwalay kami. Madami pa akong tanong na gusto kong masagot. Pero kinakabahan ako sa malalaman mula sa sagot.

"You may rest. Gigisingin kita kapag ka nandoon na tayo sa inyo." Hindi siya nakatingin sa akin habang nagsasalita. Nasa daan lang siya nakatingin. Naka-GPS ang destinasyon namin kaya hindi ko na tinuturo.

Napayuko ako. 'Itatanong ko ba?'

Paano kapag ito na talaga ang huli naming pagkikita? What if?  Magconfess na kaya ako? Pero teka! Ayaw ko. Paano kung girlfriend niya pala iyong si Earth? Shit naman!

'Walang mangyayari kung hindi rin  ako magsasalita!'

"Em..." Waaaah! Bakit ganito? Kinakabahan ako.

"Yes?" Tipid niyang sagot. Napatingin ako sa kanya pero hindi siya sa akin nakatingin, sa daan padin.

"P-pwede ba akong magtanong? "

Narinig ko ang buntong hininga niya bago siya sumang-ayon. "Sure. I'll try to answer it."

"O-okay... Ahm. Magkikita pa ba tayo ulit? "

Bakas ang bahagya niyang pagkagulat sa tanong ko. Sinulyapan niya ako at naka-awang ang mga labi na parang hindi makapaniwala. Pero bumalik din siya siya ng tingin sa daan ng magsalita na.

"I expected that you'll  ask something about those thugs or about me... Why was that Maecy?" Seryoso  niyang tanong.

"A-ah wala lang. Naitanong ko lang..."

' I am waiting  for your answer Em... Please. Sana oo ang isagot mo.'

"We will not."

"Ahh h-ha? P-pero bakit?" Pinipigilan ko ang luha habang nagsasalita. Buti at hindi siya sa akin nakatingin. Umayos ako ng upo at sa harap din tumingin.

"I don't want you to be hurt. Ayokong  may ma-iinvolve sa akin, sa kung sino ako. I know that you have clue on who I am and to what my world is. At alam kong itatago mo iyon, Maecy. At hanggang doon lang 'yon. Mapagkakatiwalaan ba kita sa bagay na iyon? "

'Saan?  Sa grupo ng mga pumapatay? Sa mga may hawak ng baril?  Saan?! Sa kumuha sa akin? Kay sir Mat? Kung sino ka Em? Sino si sir Mat? Ang mundo?  Na alin?  Na may gang? O kung anong grupo ng bigilante? Ha! Shit naman. Sa lahat ng iyon wala akong pake! Pero sayo Em meron. Oo natatakot ako sa kanila at alam kong delikado sila. Pero hangga't alam kong andy'an ka nawawala ang takot ko. Ikaw lang Em. Pero bakit ganoon? Bakit hindi na pwede...'

Tumulo ang luha ko. Ngumiti ako at tumango. Nagmamadali kong pinunasan ang mga traydor na luha.

"Thank you... Huwag  kang maglalabas ng kahit  anong information, okay? Ikapapahamak mo iyon Maecy. Naiintindihan mo ba? " Muli akong tumango at maingat na umiiyak ng walang tunog.

"Isa pa, kung ano man ang nalaman mo o nakita mo o napagtanto ng isip mo tungkol sa nangyari, lahat iyon Maecy isantabi mo. Mamuhay ka tulad ng ikaw noong una mo akong  makita sa hotel. "

'Ano ba naman! Bakit kailangan mo pang sabihin. Bumalik tuloy sa akin ang mga araw na crush lang kita, ng sabihan mo iyan. Araw na hindi  pa malala ang  nararamdaman ko sayo. Araw na normal lang ako sa mundo, nagtratrabaho,  masaya, walang masyadong problema. Araw na alam kong hindi ko na mababalik pa simula ng makita at makilala kita.'

When I am With Miss Clumsy (Season One) ✔Where stories live. Discover now