Action 60! <(ToT)>

15 2 0
                                    

Nanaman

Em~°•°

"Kuya? Kuya gising kaaa! Kuya?" Dahan-dahan akong napamulat dahil sa pagyugyog sa akin at sa ingay na naririnig ko.

Agad akong napaatras ng makitang ang gumigising sa akin ay kaharap ko sa higaan habang umiiyak.

"W-what are you doing clumsy?!" Galit kong sigaw. Para siyang bata na nagpunas ng luha at kumamot sa puwetan.

"Ka-kasi naalala ko 'yong cellphone ko kuya," nakanguso siya at halatang kagigising lang din, "Kakagising ko lang din eh napaisip ako ng jokes kaso wa-wala pala sa akin cellphone ko. Naalala ko na nasa paper bag iyon kuya. Kaso 'di ba nawawala 'yong paper bag kahapon pa? Kuya! Nawawala nanaman cellphone ko!"

"You mean dito ka natulog?"

Tumango siya habang umiiyak sa palihis kong tanong, "Opo. Kagabi,  dito ako humig—"

"Why the fucking hell did you sleep with me!"

"H-ha? Ba-bakit kuya? Wala naman akong ginawa sayo ah!" Mas umiyak pa siya at napahiga ako ng patihaya.

'Bullshit. Ang aga niya akong ginugulo.'

"Go out."

"Kuy—." Nagmamakaawa ang boses niya habang mas lumapit sa akin at tinapik ang braso kong nananakit.

"Arrgh!"

Napatakip siya sa bibig habang ako namilipit sa sakit. Mabilis siyang tumayo sa kama at umiiyak akong tiningnan. "Sorry," bulong niya saka tumakbo palabas.

"Fuck!" sigaw ko matapos marinig ang pagsara ng pinto. Umayos ako ng higa saka tiningnan ang sugat. Pumikit ako at pinilit ulit matulog.

'Damn it.'






Lolo Le's POV ~°•°

Nadatnan kong umiiyak si Earth habang nakaupo sa baitang ng hagdanan.

Agad ko siyang nilapitan, "Iha? Bakit ka umiiyak?"

Mabilis siyang lumapit sa akin, at ng nasa huling baitang na siya napadausdos siya sa lapag.

"Iha! Ouy naku!" saway ko habang tinutulungan siyang tumayo. Parang wala lang iyon sa kanya, tumayo siya sa tulong ko saka yumakap sa akin na ikinagulat ko.

Humagulgol siya, "Nawawala po cellphone ko. At pinagalitan ako ni kuya Pating!"

Hindi ako nakasagot agad. Hinagod ko ang likod niya.

"Sshhh. Iha, tahan na muna." Hinimas ko ang likod niya. Bumitaw siya sa akin at nagpunas ng mga luha, "Kakausapin ko si Em. Ako ang bahala okay? Maibabalik 'yon. Huwag ka ng iiyak. Tahan na."

Ngumiti siya, "Salamat po."

Ginulo ko ang buhok niya, "Hilamos ka na, iha. Tapos deretso ka sa kusina para kumain okay?"

Tumango siya at iniwan ako. Napatingin ako sa second floor kung nasaan ang kwarto nila.







NATAPOS kaming kumain ng umagahan. Kahit alam kong may iniisip na problema si Earth ay nakangiti parin siyang nakaupo sa sofa na parang hindi umiyak kanina.

Nilapitan ko siya habang nanunuod ng TV, "Iha?"

"Hindi na po ako naiyak, Lo." Nakangiti niyang tugon, "Pangalawang beses ko na pong nawalan ng cellphone. Pakiramdam ko po, babalik parin 'yon heheh!"

"Ang bilis mong maging positibo."

"Kaso po... Gusto ko paring kausapin si Kuya Pating..."

"Tungkol saan?"

When I am With Miss Clumsy (Season One) ✔Where stories live. Discover now