Action 51!。^‿^。

15 1 0
                                    





Bawi tayo

Earth's POV ~°•°

Nakakapagod umiyak.

"Huhuhuhuhu!"

Pero umiiyak parin ako. Mabilis kong pinunasan ang mga luha at umupo mula sa pagkakahiga. Pero kahit anong punas ko hindi parin matigil.

Paano ba naman kasi, naalala ko 'yong nangyari kanina, para bang naririnig ko parin ang mga pagdaing ng mga lalaki at nakikita ko parin ang mga dugo. At iniisip ko si kuya Em, baka biglang may dumating na pulis at hulihin siya. Ganoo kasi sa mga palabas eh. Pero ang pinakainiiyak ko... Itong hapdi ng mga sugat ko.

"Huhuhuhu!"

Hindi ako makatulog sa sakit, at sa kakaisip. Humiga ulit ako at nagkumot. Suminghot ako kasi nararamdamam kong mahuhulog na ang sipon ko. Pinunasan ko ang mga luha. Tumingin ako sa bintana. Ang dilim-dilim na. Siguro malapit na mag-alasdose.

Sumilip ako sa pinto ng kwarto na nakabukas, 'Nasaan na si kuya Em? Baka hinuli na siya ng mga pulis?!'

"Huhuhuhuhu!"

Nagtalukbong ako ng kumot at umiyak pa lalo. Saka ako nakarinig ng pagsara ng pinto. Mabilis akong napaupo at ngumiti nang makita si kuya Em na nakatalikod habang sinasara ang pintuan. Pinunsan ko ang mga luha.

"Kuya akala ko hinuli ka na ng mga pulis?!"

"What? Psh. Gusto mo siguro akong mahuli ng mga pulis."

Hindi ko mapigilang umiyak dahil sa sinabi niya, "Ayokooooooooo!"

Tinakpan ko ng kumot ang mukha at umiyak nanaman.

Paano nga kung mahuli si kuya ng mga pulis dahil sa ginawa niya? Makakauwi pa ba ako? Hindi naman alam ni Lolo Le pauwi sa amin eh. Saka 'di ko rin matandaan. Si kuya lang kasi siya ang nagkuha sa akin mula sa bahay. Isa pa, wala bang pamilya si kuya? Paano kung magalit sila kasi nakulong si kuya. Tapos baka kung anong mangyari sa mama niya kapag nalamang nakulong ang anak niya. Tulad no'ng sa mga palabas sa TV na nahihimatay ang mga magulang. Ay sa balita ko pala napanood 'yon. Paano kung ganoon ang mangyari?

"Ayokong makulong si kuya," bulong ko. Pramis bulong ko 'yon.

"Hindi ako makukulong," tumugon siya na ikinagulat ko at naramdaman kong umupo siya sa kama. Tiningnan ko siya at nakatalikod siya sa akin. Nakayuko.

Mabilis kong pinunasan ulit ang mga luha. Pakiramdam ko malungkot siya.

"Kuya... Dito ka nalang sa kama higa. Ako naman d'yan sa lapag." Boluntaryo ko para naman sumaya siya. Kaso pababa palang ako ng kama pinigilan niya na ako.

"No. Hindi ko kailangan ng malambot na kama," sabi niya at inangat ang ulo. Nakatingin parin ako sa likod niya.

"Ahm..." Wala akong maisip na sabihin. Naiwan ko ang cellphone ko sa sala. Hindi ako makaisip ng jokes.

"Bakit hindi ka pa tulog?" tanong ni kuya at saka tumayo. Tiningnan niya ako. At pakiramdam ko, sa minutong 'to may emosyon siya! 'Di ko lang alam kung anong tawag sa emosyon na 'yon. Nag-aalala kaya? Baka malungkot? Hindi ako sigurado.

"Eh ah, hindi ako makatulog kuya eh. Iniisip ko kanina baka mahuli ka ng mga pulis. Tapos 'yong nangyari kanina... Saka, masakit." Turo ko sa mga galos ko.

Tinitigan niya ang mga sugat ko sa braso, tuhod, siko at paa. Ngumiti ako sa kanya.

Bumuntong hininga siya, saka mukhang nag-aalinlangan akong iniwan. Pumasok siya sa CR. Napalobo ko ang bunganga.

When I am With Miss Clumsy (Season One) ✔Where stories live. Discover now