Action 45! ๏︿๏

14 1 0
                                    








Hidden Trouble

(Austere member) Iyo's POV

Paghikbi nila ang maririnig.

"Ma... May masakit ba sa 'yo?"

Ito nanaman 'tong madradrama na mga tao na 'to. Ako ang naiinis dahil araw-araw nalang.

"Rey... Ayoko na rito." Mahinang sabi ng babae.

Nakatali sa magkatalikod na upuan ang dalawang tao. Ang lalaki sa kanila ay may dugo ang labi at may mga pasa. Samantalang ang babae ay may bakat ng sampal ang pisngi at pawis na pawis na. Kanina pa sumisigaw ang babae at nagpupumiglas. Samantalang ang lalaki bugbog na ang katawan.

'Ang titigas kasi.'

"Aaaaaaaaaahhhhh! Tulong!!" sigaw nanaman ng babae habang umiiyak.

"How can we shut her up?" tanong ng Mafia. Nakatayo siya kasama ang isa pang kamiyembro sa gilid ng babae.

Isa naman ako sa tatlong Austere na nandito sa sekretong basement sa Pilipinas, kasama ang dalawang Mafias. Sila ang pansamantala naming mga pinuno.

Ako si Iyo, kasama ang dalawa pang Austere na sina Jak at... Gam. Ako ang namuno sa dalawang 'to upang traydorin ang organisasyon namin. Oo, traydorin ang tamang salita para sa mga ginagawa namin.

Mayroon kaming alas na hawak, na nasa organisasyon ng Mafia namin binigay at hindi sa Austere kung saan kami kabilang. Pero kahit ganoon may tattoo parin kami ng Austere at ginagamit namin ang pagiging Austere para malayang magawa ang gusto namin rito sa bansa. Kaya hindi kami nagpapahuli sa Padrone ng Austere. Marami pa kaming pwedeng gawin lalo pa't hindi na kami sumusunod sa utos ng Padrone. Hindi kami magiging patapon. May sarili kaming isip at mga dahilan para magpatuloy sa laban.

"Iyo," tawag ni Jak mula sa pintuan kasunod si Gam.

"And'yan na pala kayo." Tumayo ako sa pagkakaupo at sinalubong sila saka kinuha ang dala nilang beer at mga pulutan.

"Sir. Come on, let's drink!" pag-aaya ni Jak. Lumapit naman sila sa amin mula sa kinatatayuan at umupo sa upuan sa tapat ng medyo malaking kahoy na mesa.

Nasa harap namin ang dalawang nakatali pero medyo malayo sila. Nakapiring ang mga mata nila kaya hindi rin nila kami nakikita. Patuloy lang silang umiiyak at sanay na kami dahil mag-iisang buwan na silang ganyan mula ng kidnapin namin sila.

Nagsimula kaming uminom ng alak. Nag-uusap ang dalawang Mafia gamit ang sariling linguwahe. Seryoso sila.

"Anong balita Jak?" tanong ko. Tahimik lang si Gam na umiinom. Malungkot at galit ang hitsura ni Gam.

"Wala parin silang ideya tungkol dito. Kahit nga mga kaibigan niyang mga 'yan." Nginuso niya ang mga nakatali. "Wala silang alam. Kahit pulis hindi kumikilos."

"Mabuti. Ang alam ko, wala namang ibang kamag-anak ang mga 'to."

"Iyang lalaki, mayroong mga magulang na negosyante. Samantalang 'yang babae nasa ibang bansa ang magulang, at may pinsan dito."

"Hindi rin siya hinahanap ng pinsan niya," komentaryo ko. Nagkibit balikat si Jak.

"May sakit sa utak ang pinsan niyan." Biglang sabi ni Gam.

"Ah. Hahaha! Kawawa naman 'tong mga 'to. Pero bakit kaya sila pinakuha sa atin ng Padrone ng mga Mafia?" tanong ni Jak.

"Hindi ako sigurado... Pero ang alam ko, kasama itong dalawa na 'to sa napakalaking proyekto ng gang world."

When I am With Miss Clumsy (Season One) ✔Where stories live. Discover now