Action 86! {×o×}

12 1 0
                                    

20 minutes

Maecy's POV ~°•°

"A bomb." Mahina kong usal ng marealize kung ano ang ibigsabihin ni sir Mati.

Kaya pala. Kaya pala niya ako tinuruan at tinulungan makipaglaban dahil alam niyang hindi ko rin iyon magagamit. Hinuli ako ng dalawang lalaking tinatawag nilang Padrone at ni hindi ako makapalag. Ngayon namang nakatakas ako ay mamamatay lang din ako.

'Wow. Sir Mat. Wow... Ubos na ubos na talaga ang paghanga ko sa'yo.'

Inaalalayan ako ng lalaking Reyvin ang pangalan, at may isa pang hindi ko kilala. Kahit siya, si Reyvin ay pinahirapan. Hindi ko alam kung bakit. Basta gusto nilang sumigaw kami sa sakit. Mga walang puso!

"Kailangan na nating umalis!" sigaw ng isang lalaking nakahubad at nakipaglaban kanina. Iyong puro hamon ang alam.

Nag-angat ng baril ang lahat. Kahit iyong mga lalaki na nasa likod nila Em sa gilid ng hagdan paakyat sa pinanggalingan nila ay naglabas ng baril.

"No. We will die here." Nag-aalinlangang sabi no'ng Padrone na nasa harap ng TV.

"Fuck!" sigaw no'ng Padrone na may hawak sa matanda na pamilyar sa akin. Nakalimutan ko ang pangalan niya. "This is his plan?!" Dugtong nito.

"We have no choice. If we live with them, Shax... Sir, will hunt us. They will escape and then we will still be dead. So no! We will be here, all dead!" sigaw no'ng kausap niya.

"19. Enemies are 19, and we are greater than you." Nangangaralgal na sabi ng lalaking katabi ko.

"What are you talking about?" Ang Padrone parin na nasa harap ng TV. Tinutok nito ang baril sa gawi namin.

"Ha. Hahah!" Napatingin lahat kay Em. Hindi maganda ang pagtawa niya. Pero nakakakita ako ng pag-asa doon.

Natutuwa akong nandito siya. At ng makita ko kung paano siya galit na galit sa lalaking sumampal kay Earth, pinakiramdam ko ang damdamin kung may selos ba akong nararamdaman.

Masaya akong wala. Wala na... Ang galing maglaro ng tadhana. Ang dami kong natutunan sa kanya. Isa roon ay ang, matutong pakaingatan ang sariling nararamdaman.

Hindi por que nasabi mo o naramdaman mong mahal mo ang isang tao ay siya na. Minsan dumarating talaga ang ganoong pakiramdam ng bawat isa para sa maling tao, para turuan tayo. Mapaglaro ang tadhana, pagmamahal at kapalaran... At kung hindi ka marunong maglaro. Tuluyan ka nitong mauuto.

"What's funny? Going in hell?" Galit na sabi no'ng Padrone na hawak ang matandang lalaki.

"Let me again, interpret what he had said. He wanted you all to know that... Go to hell, alone!"

Mabilis na umalingawngaw ang putukan ng baril. Mula sa itaas ng hagdanan ay may bumabaril din. Nagsasapakan at nagpapatayan.

Mula sa isang pintuan, madaming tao ang lumabas. May hawak silang patalim at iba pang bagay na gamit sa kusina. Nakikita kong nababaril ang ilan. Nasusugatan. Humahandusay. Nawawalan ng malay.

Natulala ako habang nakikita ang lahat. Napasinghap ng biglang sugurin ang lalaki sa kaliwa ko. At si Reyvin ay suntukin din ng isang lalaking nakasuit.

Lumapit sa akin ang isang lalaki na nakasuit at ginalaw ang pulang necktie niya.

Umamba siya ng suntok na agad kong inilagan. Sinipa ko ang gitna ng hita niya. Pero gamit ang ulo na yumuko dahil sa pamimilipit ay sinuwag niya ako ay natumba kami pareho.

"ARRRGHH!" daing ko ng madiin sa sahig ang sugat sa likod.

Akmang sasapakin niya ako ng may malaking kaldero ang nagpatulog sa kanya.

When I am With Miss Clumsy (Season One) ✔Where stories live. Discover now