Action 54!(─‿─)

14 2 0
                                    

Pleaseeee




Earth's POV ~°•°

Nakangiti ako habang nakatitig kay kuya Pating na natutulog. Mahigit hindi-ko-na-mabilang-na-minuto na akong nakaganito sa kanya kasi inaantay ko siya magising.

Pang-limang 'bukas na' niya ito at umaasa parin akong ito na talaga. Hehehe!

Maya-maya ay umungol siya at gumalaw.

'Yey magigising na siya!'

Dahan-dahan siyang nagmulat matapos kamutin ang kanang mata.

"Goodmorning kuya Pating!!"

"Goddamn it!" sigaw niya.

Tinulak niya ako tapos umupo at kinusot ang mga mata.

Napaatras ako pero hindi ako nalalaglag sa kama.  Whew! Bakit siya nasa kama? Sabi niya kasi sa akin kapag sa kama siya natulog at ako naman sa lapag, sure na sure ng aalis kami kinabukasan. Kaya pumayag ako.

"Ansabe mo kuya? Ouy naggoodmorning too siya hahah! Ulit nga ulit!" Excited kong sabi.

Humawak siya sa dibdib niya tapos masama ang tingin sa akin,  tiim-bagang siyang bumuntong hininga.

"Damn you." Malutong niyang mura.  Nakangiti lang ako.

"Yan ba 'yong sinabi mo?" Pagtataka ko.

"Huwag kang lalapit sa akin kapag kakagising ko lang. Malinaw ba?" Dahan-dahan at para siyang robot.

"O-po. Ha-ha-ha-ha!" Ginaya ko siya sabay tawa ng parang robot din. Kaso ang sungit niya! Bigla ba naman akong iiwan. Pinigilan ko naman siya agad.  "Kuya Pating. Aalis tayo sabi mo 'di ba?" Mangiyak-ngiyak kong tanong.

Hinawi niya lang ang kamay ko kaya ako tuluyang nalaglag sa kama.

"Aach!" daing ko pero mabilis akong tumayo. Tiningnan ako ni kuya pating saka siya dumeretso sa CR. "Teka kuyaaa—ach!  Aruuy arouch!" Mabilis kong hinawakan ang tuhod at umupo sa kama ng maumpog ito sa dulo ng kama kung saan dapat hahakbang ako kaso 'di na umabot.

'Ansakit no'n.'





Em's POV ~°•°

"Magdadate kami~! Magdadate kami!  Magdadate kami~" Walang maayos na tono'ng kanta ng babae habang bumababa ng hagdanan.

Mula sa kusina ay rinig ko ang papalapit niyang boses. Walang gana kong tiningnan ang matandang lalaki na nakatayo'ng naglalagay ng tubig sa baso niya.  Saka nilagyan din ang baso ko at binalik ang pitsel sa ref. Nakangiti niya iyong ginagawa.

At ng matapos ay umupo siya malapit sa akin. Nakangiti parin.

That's fucking annoying!

Tipid akong kumain ng kanin at hotdog. And yes, darn it! They force me to eat here since the girl totally  believe that we're going somewhere. Mga katwirang wala sa lugar. Pinabihis pa siya ng matandang lalaki. Tss. Hindi ako aa—.

"Kahit hanggang tanghali lang Em. Pumayag ka na." Nakangiti niyang sabi sabay tingin sa akin.

I look at him like he is somekind of evil that is teasing me. Napangiwi ako.

"No. Ikaw ang nagsabing aalis kami. Why don't you do it with her then."

"Papayag ka ba? Paano kung may hindi magandang mangyari... At ako ang kasama niya?" Tsk. He has his point.

"Ayon nga eh. May hindi magandang mangyayari. So why do I need to take her out?"

"Wala namang masama. Saka isa pa, kapag ikaw naman ang kasama niya kahit anong mangyaring masama ay ligtas siya." Kampanteng ani ng matanda.

When I am With Miss Clumsy (Season One) ✔Where stories live. Discover now