Action 55! ( ̄- ̄)#

10 1 0
                                    



Bzzzz!

Earth's POV ~°•°

Binili nga ni Kuya Pating ang tatlong blouse at dalawang pantalon at dalawang pares ng panty at bra na pinili ko, kaso... Gutom naman ako.

Ang tagal ko siyang pinilit na bilhin 'yon— 'yong bra at panty. Kasi 'yong mga damit kusa niyang binayaran no'ng nakita niya. Pero no'ng dinagdagan ko ng underwear, nagalit HAHAHAH!

"Saan ka papunta, Clumsy? Uuwi na tayo." Nakakatakot niyang sabi. Oo nakakatakot siya. Kanina pa siya ganyan.

Pero syempre, hindi ako natatakot. Kasi hindi ko naman siya inaway saka wala akong masamang ginawa sa kanya eh. Nagpapalibre lang heheh! Bawal magdamot. Ang grasya dapat binabahagi hindi lang tinatabi.

Hindi ko siya pinakinggan at hinila ko pa siya patawid sa kalsada imbes na pasakay na ng jeep.

"Last na 'to pramis!" Pangungulit ko. Nakakita ako ng cotton candy sa tawid eh. 'Yon na lang, kahit iyon na lang po. Sana pumayag si kuya Pating.

"Bitawan mo ko. Bitaw! Bitaw sabi!" Hindi ko siya binitawan at malakas niya akong hinawi at napaupo ako sa sahig.

Nagulat ako. At kinabahan. Pakiramdam ko aawayin niya ako. Tumayo ako at pinigilan ang luha. "Ang sakit sa puwet no'n ah! Grabe ka na. Pagnakita ko mama mo isusumbong kita," sigaw ko saka tumakbo patawid ng kalsada.

Hindi natuloy ang mga luha ko. Naisip ko ang mga sinabi ko kay kuya Pating ng makalayo na ako sa kanya.

'Nasaan kaya ang mama no'n. Sino kaya nagpalaki doon. Ako kahit walang mama na nagpalaki, and'yan naman si tita Gen. Sila Ulan, at ma'am Glen. Hmp! Ang sama niya lagi. Tatawagan ko nalang si Jai...'

Tiningnan ko ang mga kamay, wala akong hawak na paper bag.

"Eeeh! Huhuhu! Naiwan ko! Pati cellphone ko nandoon sa bag ng damit ko." Napabusangot ako.

Napahawak ako sa tiyan. 'Hindi ako nagtanghalian. Si Kuya Pating kasi...'

Nalukot ang mukha ko. Nilibot ko ang paningin. Nasa malawak na lugar ako, maraming tao. May nagtitinda ng lobo na may iba't-ibang hugis. Maraming nagtitinda ng cotton candy at mga pagkaing sinasabit lang. May mga chichirya, biscuit at inumin.

Maraming naglalarong bata. Tapos may malakas na tugtog akong naririnig. May sumasayaw ata doon sa medyo malayo.

Napalunok ako ng laway, baka pwede manghingi ako ng pagkain sa mga tao doon. Napakamot ako ng ulo, 'Joke lang naman kasi yong kanina eh. Hindi ako galit kay kuya Pating. Huhuhu! Pagnalayo ako sa kuya Pating na 'yon lagi akong ganito. Pakiramdam ko kinakarma ako kapag wala siya sa tabi ko. Huhuhuhu! Iiyak na ako! Kuya Pating naman! Nasaan ka na bigla?'

Nilingon ko ang pinanggalingan. 'Kuya 'di ako galit. Saan ka na?'

Naglakad pa ako pabalik pero walang sumasalubong sa akin. Hindi ko na alam nasaan ako. Maraming tao na nakabihis. Iyong iba mga matatanda na. Nakahilera sila doon sa may tugtug at nasaway. Napakunot-noo ako. Parang masaya iyong sayaw-sayaw ng mga lola kaso kasi... Nawawala ako eh!

"Nawawala ako..." Unti-unti kong naintindihan ang nangyayari. "Hala. Patay. Nawawala ako... At nagugutom na ako." Nag-init ang mga mata ko dahil sa mga naiisip. Naluluha na ako at pinipigilan ko.

'Huwag kang umiyak Earth. Huwag...' bulong ko sa sarili. Kaso tuluyang tumulo ang mga luha ko.

Hawak ko ang tiyan gamit ang dalawang kamay. Kunot-noo at umiiyak akong lumilinga.

When I am With Miss Clumsy (Season One) ✔Kde žijí příběhy. Začni objevovat