Action 72! x,x

14 2 0
                                    

D stands for Dan

Lolo Le's POV~°•°

Hindi natigil si Earth sa kakakwento habang nasa biyahe kami. Namimiss na niya agad ang Lola ni Art na halos 30 minutes ang pagpapaalam na ginawa nila sa isa't-isa. Napapakamot ako sa batok ng mga oras na 'yon at napapabuntong hininga. Nagtatalo ang pagkainis ko at ang tawa. Nanalo naman ang pagtawa ko na natrigger ni Earth ng magflying kiss sa matanda na naluluha.

"Balik tayo doon Lolo Le ha para maging close rin kayo ni Lola Arling." Masaya niyang sabi. Tumango ako.

"Nga pala Earth, bakit pagpasok mo sa loob ng bahay nila parang ilag na ilag ka kanina?" Kunot noo kong tanong.

"Aaahh hahahahah! Eh kasi Lolo Le ang daming gamit sa loob! Pinagpawisan ako no'ng una hahahaha! Kasi baka makabasag ako or makasanggi. Pero masaya akong nailagan ko lahat! Naging maingat ako! Walang nabasag. Puwera na lang doon sa nalaglag na piraso ng cake na pinatikim sa akin ni Lola. Hindi ko nasalo eh hahahaha!"

"Buti at nakapag ingat ka. Dapat lagi kang ganoon."

"Yiiiie hahaha! Napuri pa ako! Hahahahah! Sige Lolo Le, pramis! Kwekwento ko 'to kay Ulan at kay Kuya Pating. Para naman matuwa sa akin silang dalawa. Lalo na si Ulan na may atraso nanaman ako. Hehehe! Wala pa akong one week nung bumalik ako sa paglilinis ng coffee shop pero may mga nabasag na ako. Secret lang yon Lolo Le ha." Nagtawanan kaming dalawa. Naalala ko naman yung mga pinggan na nabasag niya sa bahay. Napailing na lang ako at nilinga ang paligid.

'Mukhang andito na kami.'

Saglit lang ay unti-unti ko ng ginilid ang kotse sa tapat ng gate na nangangalawang at puno ng halaman ang paligid. Hindi mo mapapansing malawak ang loob dahil sa harapan nito.

Dahan-dahan kong pinatay ang makina at tiningnan si Earth na namamangha. Saka siya naunang bumaba at bumaba na rin ako.

"Paano mo nalaman dito Lolo Le? Ito! Ito talaga 'yong lugar na sinasabi ko sa'yo! Kaso baka and'yan 'yong mga lasing. Mag-ingat tayo Lolo Le," paalala niya habang lumalapit sa gate.

"Kung ganoon tara na. Baka nga nasa loob si Em," aya ko at nauna akong naglakad sa kanya.

Napakunot-noo ako sa nakapaskil sa gitnang bahagi ng gate. Pinagsawalang bahala ko iyon ng mapansing bukas naman ito. Tiningnan ko si Earth bago tuluyang binuksan ang gate, mukhang hindi niya napansin ang nakapaskil. Nginitian ko lang siya dahil ngumiti siya ng tingnan ko. Para bang normal lang sa kanya ang lahat.

'Para saan naman kaya ang nakapaskil na 'yon.'

Dere-deretso kami sa malawak at maduming espasyo bago ang mismong bahay. Puno ng mga nalaglag na mga dahon, upos ng sigarilyo, mga basura at mga bato. Amoy sigarilyo ang kabuoang paligid.

Mayroong lumang hagdanan paakyat sa pintuan papasok. Nauuna si Earth kaya naman agad ko siyang pinantayan.

"Lolo Le, ingat ka sa part na 'yan kasi may sira—AAHH!!"

"Wooy!" Nataranta kong hinawakan ang braso niya ng siya ang mahulog sa sirang parte ng hagdan. Napatigil kami pareho at bigla siyang tumawa. Natatawa ko siyang tinulungan makaangat sa nasirang parte. At nagpatuloy kami sa pagpasok.

Ako ang nagbukas ng pintuang kulay itim at walang ingay itong bumubukas hanggang sa matamaan nito ang chimney na siyang naging ingay sa paligid.

Gulat at alertong dalawang pares ng mga mata ang sumalubong sa akin mula sa counter ng inn na nasa bandang kanan.

Magkaharapan ang puwesto ng dalawang lalaki. Ang isa ay nasa loob ng counter samantalang ang isa ay tila ba costumer na nakaupo sa high chair na gawa sa kahoy.

When I am With Miss Clumsy (Season One) ✔Where stories live. Discover now