Action 47! Ó( ° △ °|||)

14 1 0
                                    






HALAAA!

Em's POV ~°•°

Sun rise is here. But my eyes didn't even close for a bit.

"Argh!" Naibato ko ang unan sa paanan ko at ginulo ang buhok. Napahilamos ako sa mukha.

'I am brave. But I don't know what is happening right now. Simula ng makilala ko 'yang babae na 'yan. May iba na akong nararamdaman na nagpapagulo ng iisip ko.'

"What's with the pair of eyebags, hmm?" Napalingon ako sa matandang lalaki na kabababa lang ng hagdan. Sa salas ako natulog ibig kong sabihin ay humiga dahil hindi naman ako nakatulog.

Hindi ko pinansin ang sinabi ng matanda. Umupo ako ng maayos sa sofa at tinukod ang kamay sa dulo ng inuupuan.

'Ano bang pake niya?'

Napabuntong hininga ako saka tumayo na parang walang narinig. Dere-deretso lang akong naglakad papunta sa CR at dumaan sa harap niya ng matigilan ako sa malamig niyang pagtawag.

"Em..."

Walang gana akong napatigil sa paglalakad. Walang emosyon ko siyang nilingon.

"What?"

"Sino si Earth?" Kaswal niyang tanong na ikinagulat ko. "Trabaho mo siya? Sa paanong paraan? Kailan pa? Ang pamilya niya nasaan? Buhay pa ba sila, ha?"

Bahagya akong napakunot ng noo sa sunod-sunod niyang tanong. Ano bang kwinekwento ng babae sa matandang to at nagkaganito 'to. Ang aga-aga naman masyado. Tss.

Maangas ko siyang hinarap.

"That's all? Psh."

"This time... I want an answer, Em."

"Ha. How rude. You want an answer to a questions concerning to a girl who's not your relative. What about your daughter, ha? What about your grandsons, do you even ask or show that kind of concerns to them. Do you even ask if where are they when they're gone? You know what? I hate the fact about you that you're silent but when talking, you're nonsense. Tumitiklop ka kaagad kapag kausap kita." Humakbang ako ng isa na parang hinahamon siya.

Mabilis niyang hinigit ang bandang kwelyo ng damit ko at inilapit niya ako sa mukha niya. Inis ang mababasa rito. I smirked as an insult.

"Tsk. It's morning old man. Don't start your day with that face."

"I am controlling my anger Em. I know that it's obvious, but you keep on pushing my wrath to burst out. Why?" Nanliliit ang mga galit niyang mata.

"It's because of your words. I can see wrongs on it. Asking? I hate it." Hinawi ko ang kamay niya at binitawan niya ako.

Inayos ko ang suot at hindi nakatingin sa kanyang nagsalita, "Concern ka sa kanya? Then ask her. Wala kang makukuhang sagot sa akin. Ayon ay kung may makukuha kang matinong sagot sa kanya."

"Okay." Napatingin ako sa kanya. He fake a smile at nagpatuloy, "If you don't want to tell me everything then fine. But I just wanted to warn you, Em. If you want something bad to happen, do it on your own. Huwag kang mandamay ng inosente. Alam kong alam mo kung ano ang gang,Em, so be careful. Iwasan mong may madamay dahil ang gulo mo, ikaw lang ang may gusto." Naglakad siya at binangga ang balikat ko.




NASA CR ako at nasa ilalim ng shower. Nakapikit habang dinadamdam ang tubig. Pero saglit pa kumalam na ang tiyan ko.

Napahawak ako sa tiyan. Wala pa akong umagahan. Hindi ako makaalis ng bahay kahit magtatanghali na. Ewan ko ba parang may pumipigil sa akin. Ginusto kong maligo kaya inantay ko munang magising ang babae saka pumasok sa kwarto at kumuha ng damit. Ngayon lang ako tuluyang nakaligo.

When I am With Miss Clumsy (Season One) ✔Where stories live. Discover now