Action 75! T...T

9 1 0
                                    


Let go, please

Rainne's POV ~°•°

Nababalot ang minutong ito ng buhay ng takot at pangamba. Nangingibabaw ang daing, bilis ng paghinga na pinapatigil ng hindi maawat na paghikbi. Nanginginig, naguguluhan, nanlulumo... Hindi ko kayang pigilan ang mga luha na patuloy tumutulo... Hindi maubos.

"Let go of us!" hiyaw ni Reyvin sa mga taong nasa labas.

"Ach!" Pero malalakas na pagdaing ang sumagot sa kanya.

"Aaaaaaaaaaaaahhhh!" Kasunod ng hindi ko mapigilang tili ay ang luha at walang patawad na paghikbi.

Sunod-sunod kong naririnig ang mga pagdaing, pakiusap, sigaw, pagmamakaawa, mga pagkalabog, pagdampi ng laman sa laman... Naririnig namin ni Reyvin ang mga nangyayari sa labas ng silid kung nasaan kami. Hindi basta nag-aaway... Nagpapatayan.

"Pa? Pa?!" Sa bawat sigaw ko sumasama ang pangamba na baka hindi na niya ako sagutin. "Pa... Pa?" Umiiyak kong tawag.

"Sssshh. Ma, okay lang ako," tugon niya kahit pa alam kong hindi naman talaga.

Nakatali ako sa upuang halos nakaharap na sa may pinto, kumpara sa kanya na nakatali sa upuang nakatumba. Pilit ko siyang nililingon at nililiko ko pa ang upuan ko dahil magkatalikod ang posisyon namin pareho. May piring ang mga mata niya, samantalang ang akin ay nasa leeg ko na. Gusto kong gumawa ng paraan. Pero hindi ko alam kung paano makaalis sa sitwasyon namin ngayon.

Agad akong napalingon sa pintuan kung saan nanggagaling ang kaninang pagdaing at pagkalabog. Simula kanina ng hapon ay mayroong mga lalaking dumating, ang buong akala namin ay maliligtas na kami. Pero nagsimulang umalolong ang putok ng baril, nagkakagulo sa labas, hanggang ngayong palubog na ang araw.

Iyong dalawang banyaga na nagbabantay sa amin ang unang lumabas, doon nag-ugat agad ang putukan. Hanggang ngayon ay hindi sila bumalik, mga Mafia, ang tawag sa kanila no'ng tatlo pang nagbabantay sa amin na nagtatagalog. Lima lang silang nagbabanta'y at nagsasali't-salitan na napapansin namin.

May mga naririnig ako sa kanila, mga bagay na hindi ko gustong marinig. Mga bagay na hindi ko inakalang totoo, mga bagay na hindi kapanipaniwala. Iyong mga bagay na... Hindi ko kayang matanggap.

Puno ng hinagpis ang hikbi ko. Gusto kong ipagpatuloy ang pag-iyak, at ang magtanong ng mga bagay na hindi ko agad makukunan ng sagot. Hindi ko magawang makawala, hindi lang sa pagkakagapos sa upuan na to, pati sa katotohanang miserable na ang dating maayos na buhay ko.

Kailangan kong balaan si Earth. Totoo... Totoong kailangan niya ng bodyguards. Kailangan niya ng taong makakasama... Taong kaya siyang protektahan. Bakit kasi hindi ako naniwala sa kanya. Baka kung ano ng nangyari sa kanya ng umalis kami, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may masamang nangyari sa kanya. Hindi... Hindi ako papayag na mawala sa akin si Earth.

Siya na lang ang natitira kong pamilya. Siya na lang...

'Mama... Papa...'

Bumubulong ang puso ko habang inaalala ang sinabi sa amin ng isa sa nagbabantay sa amin. Pinatay nila ang mga magulang ko... H-hindi ko sila kilala. Hindi ko sila kilala! Anong atraso namin sa kanila? Bakit? Gusto kong magmakaawa. Kaya kong lumuhod kay kamatayan para huwag kunin sila mama at papa. Pero huli na... Tila isang balita na galing sa hindi ko kilalang tao, balitang hindi ko gustong paniwalan pero nalalamon ng ebidensiya ang isip ko.

Hindi ko alam. Nalulunod ako sa bawat segundo ng minutong to. Hindi matigil ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Puno ito ngayon ng kaba, ng takot, ng lungkot, ng kawalang pag-asa.

"Ma! Ma..." sigaw ni Reyvin dahil sa malakas na kalabog.

"Pa... Aalis t-tayo rito. Makakaalis tayo..." Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang mga salitang iyon. Niloloko ko ang sarili, dahil kahit makawala kami... Makukulong ako sa mga ala-alang to.

When I am With Miss Clumsy (Season One) ✔Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ